Welgang Bayan, maagang sinimulan
(Source: www.abs-cbnnews.com)

anarule.gif (1534 bytes)

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may panibagong "window" na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

Maagang kinasa ng mga welgistang driver ang kanilang tigil-pasada sa kahabaan ng Aurora Boulevard, Cubao.

Base sa ulat, bandang alas-5:30 kaninang madaling araw nagmartsa ang grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).

Ngunit dahil marami sa mga jeepney drivers ang humihirit pa ng huling byahe bago ang tigil pasada, matinding pakiusapan mula sa mga kasamahan sa hanapbuhay ang sumalubong sa kanila.

Sa Welcome Rotunda, nagtipon-tipon na rin ang mga militanteng grupo ng Kilusang Mayo Uno at Gabriela.

Maagang nagtigil-pasada ang karamihan sa mga jeepney drivers na bumabaybay sa Quezon Avenue dahil mangilan-ngilan lamang ang namataang bumibiyahe dito.

Tuloy naman ang panghihikayat nila sa mga kasapi na makiisa sa kanilang ipinaglalaban.

Sa Pasig City naman, eksaktong alas-5:00 ng madaling araw tumigil ang pasada.

Kakaunti lang ang bumiyahe sa bahagi ng Caruncho Drive kung saan araw-araw matindi ang trapik.

Nagdeploy din naman kaagad ng mga traffic enforcer ang Pasig City Hall kasabay ng paglalaan ng 20 AUV na nagbigay ng libreng sakay sa mga commuter.

Sa Alabang, Muntinlupa, nagprotesta naman ang mga jeepney driver bitbit ang kanilang mga streamer at poster.

Sama-samang nagsagawa ng programa sa kalye bagamat pinagbigyan munang makabiyahe ang ilang driver.

Bandang alas-8:00 ng umaga naman naramdaman ang naparalisang biyahe ng mga jeepney.

Source:  http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryId=3005