Mike A namudmod umano ng P500M sa Mindanao
(Source:  www.philstar.com)

anarule.gif (1534 bytes)

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may panibagong "window" na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

 

Namudmod umano ng P500 milyon si Mike Arroyo sa Mindanao upang matiyak ang panalo ng kanyang asawa.

Inihayag ito ni Marine Brig. Gen. Francisco Gudani sa sariling imbestigasyon ng Senado sa "Hello, Garci" tapes.

Ayon kay Gudani, noong Abril umano ay dalawang beses bumaba ang helicopter na sinasakyan ni Arroyo sa lungsod ng Iligan dala ang dalawang kahon na punung-puno ng pera.

Aniya, bawat kahon ay naglalaman ng P250 milyon para gamitin umano sa pandaraya sa halalan noong Mayo 2004.

Itinanggi ni Arroyo ang alegasyon ni Gudani at sinabing marami nang taong hindi siya nakakadalaw sa Iligan kaya imposible ang mga paratang sa kanya.

Si Gudani ang kauna-unahang heneral ng militar na lumutang upang umano'y kumpirmahin ang dayaan noong eleksyon.

Kinumpirma rin ni Gudani na siya ang heneral na binanggit sa "Hello, Garci" tapes.

Sa kanyang pagsulpot sa Senado, bitbit din ni Gudani si Lt. Col. Alexander Balutan na kumumpirma sa ipinukol na mga alegasyon ng kanyang heneral.