Mga Pagdiriwang sa Pilipinas

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

 

Mga Pambansang Pagdiriwang

  Mga Pansibikong Pagdiriwang   Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon   Maikling Pagsasanay
     

 

Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at mga pagdiriwang na panrelihiyon.  

Mga Pambansang Pagdiriwang

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

 

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

 

Araw ng Rebolusyong EDSA

Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero. 

 

Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

 

Araw ng Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.

 

Araw ng Kalayaan

 Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa Espaņa. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. 

 

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. 

Balik sa simula

Mga Pansibikong Pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.
 

 

Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito.


Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog.

 

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

 

Linggo ng Wika

Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.
 

Linggo ng Mag-anak

Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito.


 

Araw ng mga Guro

Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang  nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon

Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon.

Balik sa simula

Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon

Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.


Ati-atihan

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niņo ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.

 

Mahal na Araw

Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

 

 

Moriones

May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata.


 

may2.gif (51916 bytes)Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay. wpe13.jpg (32201 bytes)

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.
 

Santakrusan

Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

 

Pista ng Peņafrancia

Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peņafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko. 

 

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.

Ramadan

Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

Hari Raya Buka

Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya Buka. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.

Balik sa simula

Source of Images:

Bagong Taon: Tony Val Caday Ludovico. (nd)  Bagong Taon. Retrieved from  http://www.paete.org/greetingcards/newyear01.jpg on March 31, 2005

Araw ng Rebolusyong EDSA: Monina Allarey Mercado. 1986. People Power: An Eyewitness History, The Philippine Revolution of 1986. Manila, Philippines

Araw ng Kagitingan: ClickTheCity.com. 2005. Retrieved from  http://www.clickthecity.com/festivals/?p=188 on November 3, 2005.

Araw ng Manggagawa. Antipas Delotavo. 1991. Timaura

Araw ng Kalayaan. Benedicto Cabrera. 1975. Imaginary Patriot

Araw ng mga Bayani. slow.fan.chen. 2004. Retrieved from  www.slowfanchen.net/archives/JoseRizal.jpg on March 20, 2005.  

Araw ng mga Puso: Yehey.com. (n.d.) Retrieved from http://ecards.yehey.com/card.asp?id=103 on March 23, 2005

Araw ng mga Ina/mga Ama: Yehey.com. (n.d.) Retrieved from http://ecards.yehey.com/default.asp on March 23, 2005 and November 3, 2005.

Linggo ng Mag-anak: Tam Austria (n.d.) Mag-Anak

Pasko: Philippine Tourism Authority. (n.d.) Painit sa Pasko. Retrieved from http://www.philtourism.com/club_fest.html on March 23, 2005.

Ati-atihan: Filipinas Heritage Library. (n.d.) Retrieved from http://www.filipinaslibrary.org.ph/ecards/ShowCard.asp?card_id=62 on March 23, 2005

Mahal na Araw: Cynthia Paralejas. 2004. From Her Personal Collection.

Pahiyas: Francis Dorai. 2000. Festival of the World: Philippines and Insight Guides.

Santakrusan: Reyna Elena. Retrieved from www.inq7.net on January, 2004.

Pista ng Peņafrancia: Retrieved from http://www.penafrancia.net/ on November 17, 2005.

Text source:

Dizon, Priscila B.  1995. Bayanihan 2. Quezon City: KASAPI: Philippine Educational Publishers Association

Maikling Pagsasanay:

A. Pagtumbasin ang Pagdiriwang at ang Petsa kung kailan ito ipinagdiriwang:

 

B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

This space shows a quiz in java-enabled browsers