Sultan Kudarat

PGMA's Speech during the 32nd Foundation Anniversary of Sultan Kudarat and in Celebration of the "Kalimudan"
Festival
Provincial Gymnasium, Brgy. Kalawag II Isulan, Sultan Kudarat (22 November 2005)

Maraming salamat, Congressman Teng sa iyong magandang pagpakilala sa akin at maraming salamat sa iyong
maraming tulong sa akin sa aking trabaho doon sa Kongreso.

At congratulations sa bagong hospital na na-groundbreaking natin ngayon, makakatulong sa taong-bayan ng
Sultan Kudarat.

Maraming salamat, Governor Pax Mangudadatu, na matagal ng supporter ko. At ako ay nasisiyahan na nakatulong
sa iyong probinsiya ng 400 million pesos mula noong ako ay naging senador... Ay, presidente. Kasi mula noong
naging senador meron pa ring natulong bago noon.

Gusto kong batiin ang lahat ng official ng lalawigan ng Sultan Kudarat, yung mga board member sa pamumuno ni
Vice Governor Ligo at saka lahat ng mga official ng bayan ng isulan sa pamumuno ni Mayor Ernesto Matias.

Salamat na nandito ang iba't-ibang mga mayor ng mga bayan ng Sultan Kudarat at saka gusto kong batiin, kasama
ko ngayon bilang inyong bisita, ang commander ng Southern command, si Lieutenant General Ed Adan.

Sa inyong lahat, mga kaibigan, mga kasimanwa sang akong bana nga Ilonggo, maayong aga sa inyo nga tanan kag
maligayang anibersaryo, malipayon na anibersaryo sa inyong mga taga-Sultan Kudarat.
       
Assalaamu alaikum sa ating mga kapatid na Muslim. Sampung porsiyento lamang ang muslim sa Sultan Kudarat
nguni't naghalal kayo ng governor at congressman na Muslim. Iyan ang talagang inter-faith dialogue and
inter-faith understanding. Congratulations sa inyo!
       
Maayong aga sa mga Ilonggo na hapid tanan diri, Ilonggo naman nge... And sa mga Ilocano sa Lambayong,
President Quirino, naimbag a bigat yo amin, kakailyak ti bangir ni mamang ko.

Ang Sultan Kudarat ay isang magandang halimbawa ng multi-ethnic society at ito rin ay isang magandang
halimbawa ng mahusay na pagsasamahan ng iba't- ibang tribu ng Pilipinas. Kaya binati ko yung mga Ilonggo,
yung mga Muslim, yung mga Ilocano, batiin ko rin yung ating mga lumad na narito sa Sultan Kudarat.

Isang matagumpay na melting pot kung saan nagtutulungan ang lahat upang maipagpatuloy ang kaunlaran at
katahimikan. Dahil masipag si Governador Pax at ang kanyang anak na si Congressman Teng, sa pagbibigay ng mga
kinakailangang serbisyo, marami ang nadagdag na kaunlaran sa Sultan Kudarat nitong mga huling taon. Gaya nga
nang sabi ni Governor Pax, nakapag-partnership tayo ng halagang 400 million pesos sa inyong lalawigan at
idagdag pa natin doon yung mga nagawa ni Congressman Teng na napag-release ng mga nabinbin na pondo para
ipagawa ng paaralan at saka magdala ng computer sa mga eskuwelahan, 'di ba, Teng? At dahil dito, dahil
dumadami ang paaralan, dumadami ang computer, balang araw, inaasahan natin na masasama ang taga-Sultan
Kudarat sa ating information technology industry at mga call center.

Kasi alam ninyo, doon sa ibang bahagi ng Pilipinas, ang ating information technology industry, two billion
dollars na ang export pero inaasahan natin na by 2010 magiging 6 billion dollars at sana masama ang Sultan
Kudarat sa six billion dollars na yon. Eto ay magbibigay ng trabaho sa mga call center at iba pang
information technology. Kailangan magaling mag-english ang ating mga estudyante kaya maganda yung maraming
paaralan at kailangan maraming marunong gumamit ng computer. Kaya salamat sa mga pagbigay ng computer sa
iba't-ibang mga high school sa ating lalawigan ng Sultan Kudarat.

Hindi lamang... Eto nga, dalawang bilyong dollar ngayong taon, aabot sa anim na bilyon. At gusto ko ring
batiin si Congressman Teng dahil hindi lamang yung paghahanda para sa information technology age ang
ginagawa, iyon ding ating sustainable development kaya marami siyang mini-dump truck nadadala dito sa inyong
lalawigan ng Sultan Kudarat.

Importante sa inyong lalawigan ang sustainable development kasi marami kayong mga mahalagang natural
resources. Doon sa bandang palimbang ay mayroon kayong mayamang-mayamang coal reserves. At kinukumusta ko nga
kay Congressman Teng, kumusta na yung coal investment? Gumagawa na ng exploration. Kapag nakahanap na sila ng
coal, dahil ayon sa mga satellite photographs, mayaman kayo sa coal. Pag ginagawa na yung exploration, kapag
lumabas na ito, magkakaroon kayo ng power plant dito sa Sultan Kudarat. So, magiging maayos ang inyong
kuryente dito.

At hindi lamang yon. Dahil sa tulong ni congressman at iba pang congressman doon sa E-VAT, hindi na tayo
kailangan umutang para sa maraming kailangan nating gawin. Halimbawa, dahil kayo... Hindi ba malapit kayo sa
Liguasan Marsh, Datu Pax? Diyan sa Liguasan Marsh, malaking-malaking marsh yan, maraming ibon nanggagaling sa
ibang bansa lalo na sa panahong ito, migration season, eh meron pa naman tayong bird flu sa ibang bansa. Wala
pa tayong bird flu sa Pilipinas, pero dahil marami na ang namamatay na tao sa ibang bansa, yung mga
pinanggagalingan nitong mga ibon na pumupunta sa Liguasan Marsh, kailangan natin ang dagdag na 2.5 billion
pesos para maiwasan ang bird flu sa Liguasan Marsh, sa sultan kudarat at sa buong Pilipinas. Hindi na tayo
kailangan umutang para hanapin ito. Ang kailangan na lamang ay humingi ng budget sa kongreso dahil meron na
tayong panggagalingan ng pondo, iyon ay ang E-VAT. Kaya maraming salamat kay congressman sa kanyang tulong.

Ito ay importanteng-importante dahil ang Sultan Kudarat ay malapit sa Liguasan Marsh. Aasahan ko ang tulong
ni Congressman teng; aasahan ko naman ang tulong ni Governor Pax na magkaroon tayo ng tunay na kapayapaan
doon sa Liguasan Marsh at sa mga lugar ng MILF. At salamat kay datu pax sa kanyang tulong sa ating peace
process. Datu Pax, pagpunta mo sa Mecca bilang amirol hajj, ipagdadasal mo ang peace process at kapayapaan
dito sa Pilipinas. Salamat din sa Panginoon na ang Muslim ang tawag nila sa Panginoon ay si Allah. Salamat
din na nasabay ang E-VAT sa pagbaba ng presyo ng langis. Kaya tuloy hindi gaano ang epekto ng bagong buwis sa
mga consumer. In fact, ang presyo ng gasolina at diesel ay mas mababa pa ngayon kaysa bago napataw ang E-VAT.
   
Kaya dapat walang nagtataas ng presyo ng bilihin ha, dito? Lalo na yung pagkain, dapat walang nagtataas ng
presyo ng bigas. So, kayo na bahala, Datu Pax na magbantay na hindi tumataas ang presyo ng bilihin dahil
bumaba naman ang presyo ng gasolina at hindi naman kasama ang agrikultura doon sa E-VAT. O yung mga bagay
pang-mayaman o yung mga hindi necessities, doon, maybe tataas ang presyo pero pangunahing pagkain ay dapat
hindi tumataas.

At dahil sa E-VAT -- at alam na ng buong mundo na hindi tayo mababaon sa utang kung popondohan natin ang
ating pangangailangan kagaya ng bird flu prevention -- lumalaki ang kumpiyansa. At ito salamat na naman sa
Panginoon, na ang Muslim tawag nila ay allah, na nagsabay rin ang makasaysayang pagtaas ng remittances ng
ating mga OFW. Dito ba sa Sultan Kudarat marami kayong pamilyang may OFW?

Yes. Nung makalawa ay pumunta ako sa hong kong, kasi nga ang lakas-lakas na ng ating piso ngayon dahil sa
kanila, at pumunta ako sa hong kong, pumunta ako sa isang konsyerto na ginanap para sa mga OFW ng Hong Kong
at ginamit ko yung pagkakataon na magpasalamat sa kanila dahil sa daming remittances ang pinapadala nila
ngayong taon, kasabay ng maraming nag-iinvest mula nung na-implement ang E-VAT. Ang lakas-lakas ng piso
ngayon, ang tawag ng ating piso ngayon ay "darling currency" ng rehiyon at ng mundo.

Kaya ang saya-saya ng mga Filipino doon sa konsyerto ng ating mga OFW sa Hong Kong nung ipinadala ko yung
pagpasalamat ng mga taga-Pilipinas sa kanila. Oktubre pa lang umabot na ng 8 billion dollars ang kanilang
remittances. Usually, hinahangad natin yon sa buong taon. Kaya itong taong ito, malamang 10 billion dollars
ang ipapadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya at tutulong iyan sa paglakas ng ating piso.

Kaya ang ekonomiya, ang kumpiyansa sa ekonomiya ay tuloy-tuloy na maghahalina sa mga puhunan at aabot sa
paglikha ng higit na trabaho para sa bansa. Ang patuloy na determinasyon at pagsikap ng taumbayan sa libot ng
mabuting pamamahala amo ang makabulig para may ara na damo nga trabaho para sa aton mga pumuluyo.

Importante nga ang mga pumuluyo masipag -- totoo naman yon, masipag -- importante naman nga ang gobyerno
maayo ang iyang pagmaneho sa atong pungsod. Paglingkod, ito ay magpapalakas sa ating ekonomiya, ang
kumbinasyon ng masipag na taumbayan at magandang pamamahala.

Kag may ara naman kita sa paghatag sang stress o diin o importansiya sa aton mga gamay, dyutay, mga maliliit
na negosyo, mga small and medium enterprises naga-pick up na subong at ito ay maga-andar sa pagpalawak pa sa
maraming trabaho sa mga lokal na sariling negosyo, ang atong microfinance.

Kasi ang atong 10-point program, kaupod diri para sa aton mga pobre na may ara kuryente sa tanan mga banwa,
may ara microfinance sa aton mga entrepreneur, kag may ara tubig sa aton mga waterless towns. At gusto ko
ipaabot sa inyo bilang announcement sa inyong 32nd anniversary, na meron tayong maibibigay na 15 million
pesos para sa water projects dito sa Sultan Kudarat.

Sa kabilugan gid, ang ekonomiya naton, sa kabilugang pungsod, ready na, handa nang sumulong nga may ara mas
damo nga oportunidad para sa trabaho. Apang nangayo ako sa inyo nga tanan, suportahon ninyo ako sa atong
pagbag-o sa atong ekonomiya. Tulungan ninyo ako na huhubog sa ating matahum na buasdamlag para sa aton kag
para sa aton mga anak kag apo.

Kanina nakita ko yung aking inaanak, yung apo ni Governor Pax mangudadatu. Inaanak ko siya nung... Pax, mayor
ka pa noon. Mayor ka pa noon, senador pa ako noon. At nakita ko siya., sabi ko, iyan, amo ang buasdamlag sang
Sultan Kudarat at ang aton mga trabaho subong, amo tanan para sa aton, para sa aton mga bata, para sa aton
mga apo, para sa buasdamlag sang Pilipinas kag Sultan Kudarat.

Damo gid nga salamat kag malipayon nga anibersaryo sa liwat sa inyo nga tanan.