| Sino ang sa akin baga'y
nag-alaga?
Nang ako'y sanggol pa't maliit na bat?
Sino ang nagturong makapagsalita?
Sino ang sa aki'y nagturong gumawa?
Ang mahal kong ina: ang ina kong mutya.
Sino ang sa aki'y naghele't umawit
Habang sa duyan ko ako'y umidlip?
Sino ang sa lamok madalas magalit
Kapag dumarapo't ako'y sinisigid?
Ang ina kong mahal: ang ina kong ibig.
Sino ang gumawa ng damit kong suot?
Sino ang bumili ng aking sapatos?
kung ako'y may sakit siya'y nalulungkot,
Kung malakas ako, siya'y nalulugod.....
Ang mahal kong ina: ang ina kong irog.
Sino ang lagi kong karamay sa hirap,
kaibigang laging magiliw, matapat?
Sino ang nagturong umibig nang ganap
Sa Diyos, sa kapwa at sa Bayang liyag?
Ang inang mahal ko nang higit sa lahat. |