Metamorposis ng Filipino bilang nasyunal na wika
Isinalin mula sa akda ni Jessie Grace U. Rubrico
Source:  Kabayan On Line

Filipino ang terminong ginamit ng 1973 at ng 1987 konstitusyon ng Pilipinas
upang mailagay bilang "wikang nasyunal" o "national language." Ito ang
bumuo sa pagpisil sa nasyunal na kamalayan, gayun din sa akademya o
kasanayan. Sa katunayan, sa mga nagdaang anim na dekada (mula pa
noong 1935), ang "Pilipino" (o "Filipino") ay napukol sa alon ng mga
kontrobersya sa pagitan ng mga panig at hindi-panig habang ang ibang
kampo ay nagbu-buga ng rapido ng kahira-pan sa wika, habang ang iba
namang Pilipino ay nakakaranas ng saya o pagkabagot.

Mayroon ding kasa-mang matinding kautusan ang konstitusyon na lina-ngin
at paunlarin ang pag-bihasa sa Filipino (Arti-kulo bilang XIV, Seksyon 6, 1986
konstitusyon).


Pangunahing suliranin at iba pang problema

Makalipas ang mahigit pitompu't limang (75) taon, ang Filipino ba ay binago
bilang isang pam-bansang lenggwahe? Sa anong paraan? Ano ang naging
matagumpay ni-tong istorya? Ang hindi matagumpay? Ano ang
pangkasalukuyang estado nito o ang kondisyon nito sa kasalukuyan? Ano
ang paraan para madali itong maisagawa? Ano ang ma-i-bibigay nito sa
kinabu-kasan? Ano ang matutu-tunan ng ibang taga-Pili-pinas na gumagamit
na ibang lenggwahe para ma-kasama bilang Fili-pino? Ano ang mga
im-plu-wen-sya ng Ingles at ng iba pang wika sa atin?


Ang "national lan-guage" ay maaaring ga-mi-tin sa pakikipaglaban natin laban
sa mga ko-lonya (Atienza, 1996), at bilang malaya sa mga isip-kolonyal
(Mace-da, 1996). Pero nanatili pa rin ang mga patibong (Cons-tantino,1996)
na nagbi-bigay-babala tungkol sa pag-unlad ng ating pang-kalahatang
lenggwahe na maaaring maging sanhi ng ilang "soul-searching pause" kahit
na ang iba ay itinatanggi ito (Alma-rio, 1996) na may pantay na kahulugan.

Ang lenggwahe at ang kultura ay hindi mapag-hi-hiwalay ng tao para
masala-min ang kanilang kultura.


Makasaysayang pananaw

Ang ating nasyunal na linggwahe ay naging isyu sa loob ng nakalipas na
pitompu't limang (75) taon. Ang mga nanini-rahan sa ating kapuluan ay
mayroong daang leng-gwa-heng kung saan kina-kailangang may
pagka-katulad sila sa wika para sa kanilang pakiki-pag-talastasan sa isa't isa
at para maipakita nila ang kanilang sarili bilang kasapi ng isang bansa.

Ayon sa 1987 konsti-tusyon, "ang nasyunal na linggwahe sa Pilipinas ay
Filipino." Nang ito ay bina-langkas, ito ay mada-ling pinaunlad at
pinagya-man sa Pilipinas.


Marahil isang kasama-ang-palad nang ang Ko-misyon ng Pilipinas ay
nagpasa ng bill noong 1908 na nagsasaad ng pagtatatag ng Institusyon ng
Linggwahe ng Pilipi-nas at ang pagsubok sa kaka-yahan ng mga
pam-publikong guro. Subalit ito ay di ipinasa ng As-sem-bliya ng Pilipinas sa
pamamagitan ni Leon Ma. Guerrero, ang chairman sa Public Instruction na
nakaalam na ang kaila-ngan para sa pagkaka-tulad-tulad ng linggwahe ng
mga Pilipino ay ang "foreign language." Ti-nangkilik niya ito sa halip na
sariling atin ang gami-tin. Sa pamamagitan niya, nagsalita ang Assembliya
ng Pilipinas ng ganito:

"Ang ideya ng pag-aaral ng linggwahe ng kapuluan ng Pilipinas ay isang tila
makatwid o tama; pero ang kasaluku-yang hangarin ng mga taong interesado
sa ling-gwaheng ito ay magkaisa sila at magkaroon sila ng iisang linggwahe
na base sa pinakadiyalekto ng isang pulo. Maaari na ring bumuo ng
makahulugang pakikipagpalitan ng mga ideya sa isang kapuluan.