Part I

NASA loob ka ng iyong kusina habang naghahanda ka ng
napakasarap na pagkain para sa iyong pamilya, dahan-dahang hinihiwa ang bawat karne nang
hindi mo inaasahan, nahiwa mo ang iyong daliri. Ano ang iyong gagawin?
Hayaan mong magbigay pa ako ng isa pang halimbawa.
Tahimik kang naglalakad malapit sa swimming pool nang bigla-bigla, nakita mo ang isang
kaibigan na lumulutang sa ibabaw ng tubig. At muli, ano ang iyong gagawin? Ang mga
aksidente ay mga pangyayaring hindi inaasahan. Sa ayaw man natin o hindi, ang ganitong
emergencies ay bahagi ng katotohanan sa buhay. Kahit anong pag-iingat ang gawin natin,
lagi pa ring may posibilidad na nangyayari kung saan madalas wala ibang taong mahingan ng
tulong, lalo na sa mga nakaaalam patungkol sa mga aksidente.
May mga panahong walang ibang maaasahan kundi sarili mo lang.
Ang tanong diyan: Paano mo haharapin ang ganitong mga sitwasyon? Dito pumapasok ang dapat
kahalagahan ng may kaalaman upang maging handa kung sakaling dumating ang hindi inaasahang
aksidente.
Aksidente
Araw-araw, libu-libong buhay ang nasasayang at maraming tao
ang naghihirap mula sa mga aksidente dulot ng kawalan ng sapat na kaalalam at pagsasanay.
Ang kapalaran ng mga taong ito'y dapat sana'y naagapan kung may mga tao sa paligid nila
ang nakakaalam ng paunang lunas.
Ang paunang lunas o First Aid ay ang madalian at mabilis na
pansamantalang paggamot na ibinibigay sa naaksidenteng tao hanggang dumating ang isang
propesyunal.
Malaki ang naitutulong ng first aid upang protektahan ang buhay, pawiin ang sakit at upang
maiwasan ang kapansanan.
Part II

Paunang lunas
Madalas na ang dalawang salitang ito'y winawalang bahala.
Kakaunti lang ang nakaiintindi sa halaga at tamang pagsasagawa nito. Sadyang hindi tayo
mulat sa kahalagahan ng paunang lunas, mapa sa araw-araw o sa panahon ng krisis. Upang
humikayat na palawakin ang kahalagahan ng kahandaan sa paunang lunas, nagsama ang
Philippine National Red Cross at ang Safety Organization of the Philippines Inc., sa
paglulunsad kamakailan ng ika-12 First Aid/CPR Team Competition.
Ayon kay Dr. Li-Ann Orencia, isang physician, "Ang
kaalaman sa first aid ay napakahalaga dahil nagbibigay ito ng pag-iingat sa buhay sa
panahon ng aktuwal na aksidente. Aming sinisigurado na ang aming mga kasamahan ay
nagbibigay ng tamang preparasyon sa paunang lunas, nang sa gayo'y maging handa silang
harapin ang mga di inaasahang kaganapan maging sa lugar ng ating pinagtatrabahuan o sa
ating komunidad" Hindi nga naman natin masasabi kung kailan darating ang
pangangailangan sa paunang lunas. Walang masama sa pagiging handa.
Lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa. Ito ang tungkulin
natin ang maging handa sa pagliligtas sa kapwa tao, mula sa pakikipaglaban sa buhay at
kamatayan. Lagi nating tandaan na kahit ang kaunting kaalaman sa paunang lunas ay
makaliligtas ng buhay