DAHIL SA IYO

Mike Velarde -- Composer
Dominador Santiago -- Lyricist

Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit, ng pusong umiibig
Mandin wala ng langit
At ng lumigaya, hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta, ang aking pag-asa.

Dahil sa iyo, nais kong mabuhay
Dahil sa iyo, hanggang mamatay
Dapat mong tantuin, wala ng ibang giliw
Puso ko'y tanungin, ikaw at ikaw rin

Dahil sa iyo, ako'y lumigaya
Pagmamahal, ay alayan ka
Kung tunay man ako, ay alipinin mo
Ang lahat ng ito, dahil sa iyo


This song desribes the reason for one's undying love
for someone. 

Note:  words in bold-color are in the glossary list on the right column.

Back to Top

GLOSSARY


labis
-- more than enough,  excessive

pasakit -- suffering

mandin -- also,  too

sinta -- term of endearment, as in "sweetheart", "beloved"

dahil sa iyo -- because of you

nais -- to want

hanggang -- until

tantuin -- to remember, understand

alayan -- to offer

alipinin -- to enslave someone

lahat ng ito -- all this



real.gif (626 bytes)ANG TANGI KONG PAG-IBIG


Constancio C. de Guzman -- 
Composer and Lyricist

Ang tangi kong pag-ibig ay minsan lamang
Ngunit ang 'yong akala ay hindi tunay
Hindi ka lilimutin magpakailan man
Habang ako ay narito at nabubuhay.

Koro:

Malasin mo't nagtitiis ng kalungkutan
Ang buhay ko'y unti-unti nang pumapanaw
Wari ko ba, sinta, ako'y mamamatay
Kundi ikaw ang kapiling habang buhay.


This song describes a man's vicarious "slow death"
as he longs for his beloved.  It appears that
the man's love was thought to be insincere by
the object of his affection.

Note:  words in bold-color are in the glossary list on the right column

Back to Top






minsan lamang
-- once only

akala -- thought to be (something),  implies wrong assumption

magpakailan man -- forever, eternally

malasin -- to see

unti-unti --- slowly

wari -- to think vicariously

kundi -- if not



 

MAALA-ALA MO KAYA?

Huwag mong sabihing ikaw'y hamak
Kahit na isang mahirap
Pagkat ang tangi kong pag-ibig
Ganyan ang hinahanap

Aanhin ko ang kayamanan
Kung ang puso'y salawahan
Nais ko'y pag-ibig na tunay
At walang kamatayan

Maala-ala mo kaya
Ang sumpa mo sa akin
Na ang pag-ibig mo ay
Sadyang di magmamaliw
Kung nais mong matanto
Buksan ang aking puso
At tanging larawan mo
Ang doo'y nakatago.

Di ka kaya magbago
Sa 'yong pagmamahal
Hinding-hindi giliw ko
Hanggang sa libingan

O kay sarap mabuhay
Lalo na't may lambingan
Ligaya sa puso ko
Ay di na mapaparam


(repeat 4th and 5th stanzas)

This song is about promises made by lovers to be faithful to each other.   It is also about the way love is able to overcome economic disparities among people in love.  What is important, according to the song, is love that is sincere, true, and eternal.  Love makes life worth living.

Back to Top



HINDI KITA MALIMOT

ni J. Cenezal

Hindi kita malimot, alaala kita
Hindi kita malimot, minamahal kita
Na ikaw lamang ang tangi kong minamahal
Hindi kita malimot huwag kang manimdiman
Hindi kita malimot manalig ka sinta
At kung ikaw man ay lumimot
Iyong alalahanin mahal pa rin kita

Sa pangarap ko lamang lagi kang nakikita
Dahil sa nawawalay ka sa akin sinta
Ako'y dumadalangin lalo na kay Bathala
Upang huwag kang lumimot
Pagkat mahal kita


(repeat first stanza)

This song talks about one's beloved who cannot be forgotten.  He swears that even if his beloved forgets, he will still love her.   He prays to God that she will not forget him even though he sees her only in his dreams because he is so far away from her.

Back to Top

 

BUHAT

ni Mike Velarde

Bawat buhay ay may kasaysayan
Tulad ng pinangyarihan
Nang tayo'y magtanaw
Takot lamang ay di mo pakinggan
Ngunit ang katotohanan
Kita'y minamahal

Buhat ng kita'y masilayan
Buhat ng mapanagimpan
Laging hinahanap at inaasam
Bilin ay damhin yaring pagmamahal

At magbuhat ng makita ka lamang
Bawat masdan ko'y kariktan
Dulot ay sadyang kaligayahan
Na nagbuhat sa iyo buhay n'yaring buhay

(repeat 3rd stanza)

This song is about someone who reminisces the first time that he saw his beloved's face, and how since then he has been smitten by her.   His life has been much happier since he saw her face.

Back to Top


DAHIL SA ISANG BULAKLAK

ni Leopoldo Silos at Levi Celerio

Dahil sa isang bulaklak
Sumilang ang pag-ibig
Bawat tibok ng kanyang puso
Ay luha at paghihirap
Puso'y sadyang natiis
Nagdusa sa pag-ibig
Di magbabago kailan man
Ang pagmamahal
Iyan ang pag-ibig
Dahil sa isang bulaklak

Bawat tibok ng kanyang puso
Ay luha at paghihirap
Puso'y sadyang nagtiis
Nagdusa sa pag-ibig
Di magbabago kailan man
Ang pagmamahal
'Yan ang pag-ibig
Dahil sa isang bulaklak


This song is about how, because of a flower, love was born and how that love has to endure all suffering and pain.  Love is eternal and changeless, all because of a flower.

Back to Top


BASTA'T MAHAL KITA

ni Leopoldo Silos/Levi Celerio

Isipin mong basta't mahal kita
Wala namang magagawa sila
Kapag ako'y kausap ng iba
Walang dapat ipangamba

Basta't mahal kita'y sapat na 'yan
Ituring mong sumpa kailan pa man
Basta't mahal kita
Tahimik na itong buhay

chorus:

Kahit tayo'y di magkita
Sa puso ko'y kapiling ka
Basta't mahal kita sa gabi't araw
Basta't mahal kita'y kasiyahan.

(repeat 1st, 2nd stanzas,  and chorus)

This song is about someone assuring his beloved not to be worried about his love for her, that he is forever faithful regardless of what other people say.  He asks his beloved to take his assurance (BASTA'T MAHAL KITA) as good enough as a promise.   In Tagalog, the word BASTA is an expression that connotes a definiteveness of a statement, sometimes an insistence that what has been said is said and is to be taken to be true, valid, real.  BASTA could mean "so be it," "it is so, period, no more arguments," or "I insist, therefore it is so."

Back to Top

 

WALANG KAPANTAY

ni. M.P. Villar/Ed Sangcap

Nagmamahal ako sa iyo
Kahit ako'y iyong iniwan
Masakit man ang nangyari
Hindi kita malimutan

Alam kong mayroon kang ibang minamahal
At 'yan ang katotohanan
Sa wari ko ang sabi niya
Pag-ibig ko sa iyo'y
Langit ang kapantay

Sayang at hindi mo nalaman
Na ang aking pag-ibig
Ay walang kapantay


(repeat 1st, 2nd, and 3rd stanzas)

This song is about one's undying love to his beloved, who already loves someone else.  He recognizes the hurt and pain of it all but regrets that his beloved failed to realize this his love does not equal anything, even heaven.

Back to Top

 

MINAMAHAL, MINAMAHAL   KITA

ni Mike Velarde

Minamahal, minamahal kita
Pagsinta ay di mag-iiba
Hindi mo ba nadarama sinta
Bawat kilos ko'y pangarap ka

Minamahal, minamahal kita
At nasa iyo ang tanging ligaya
Asahan mong dalangin ko tuwina
Minamahal, iniibig kita
Minamahal, iniibig kita


This song is about one's reassurance of his unchanging love  to his beloved.  His prayer is always to love and love her alone.

Back to Top

 

SAAN KA MAN NAROROON

ni Resty Umali/Levi Celerio

Saan ka man naroroon sinta
Pag-ibig kong wagas
Ang iyong madarama
Kailan pa man sa iyo'y di lilimot
Pusong uhaw sa iyong pag-irog

Saan ka man naroroon sinta
Pangarap ko'y ikaw
Pagkat mahal kita
Asahan mong sa habang panahon
Alaala kita
Saan ka man naroroon

Asahan mong sa habang panahon
Alaala kita
Saan ka man naroroon


(repeat last stanza)

This song is about one's undying love to his beloved, wherever she goes, wherever she may be.  His love is eternal and will only be filled of her memory.

Back to Top

 

ALEMBONG

J. Silos/Levi Celerio

Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Pumasok sa puso ang isang paggiliw
Alembong, alembong
Ay isang damdamin
Na kahit kanino ay dumarating

Pag-ibig ang tanging hanap ng lahat
Ligaya na 'wag na sanang magwakas
Alembong ay napapansin sa sulyap
Sa kilos man lamang nagtatapat

Alembong, alembong
Ang ibig sabihin
Halina, halina at ako ay ibigin
Alembong, alembong
Ika'y mahal sa akin
Kaya't mahal sa akin
Kaya't ang alembong
Ay naglalambing

(repeat 2nd stanza)

This song is about a girl who is a flirt (alembong), who wants to be courted and be loved.  It talks about how every girl may flirt in order to be loved.

Back to Top

 

HAHABUL-HABOL

ni C. Delfino/R. Vega

O ang babae pag minamahal
May kursunada'y aayaw-ayaw
Pag panay ang dalaw ay nayayamot
Wag mong dalawin, dadabog-dabog
Pag iyong  iniwan, hahabul-habol

O ang lalaki pag minamahal
Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw
Kapag iyong biniro ay nayayamot
Wag mong batiin, dadabog-dabog
Wag mong suyuin, ay nagmamaktol
Pag iyong iniwan, hahabol-habol

Mayroong babae akong nililigawan
Kapag aking pinapanhik sa bahay
Nagatatago at ayaw malapitan
Kung may pag-ibig
Ay di mo malaman
O, ang babae pag minamahal
Maloloka ka ng husto sa buhay

O ang lalaki pag minamahal
Kahit may pag-ibig aayaw-ayaw
Kapag iyon biniro ay nayayamot
Wag mong batiin, dadabog-dabog
Wag mong suyuin ay nagmamaktol
Pag iyong iniwan, hahabol-habol

Noong minsan ako ay niligawan
Isang lalakeng pogi at mayaman
Binasted ko sa isang kadahilanan
Lahat ng sinasabi ay kayabangan
O, ang lalaki pag minamahal
Maloloko ka ng husto sa buhay


(repeat 3rd stanza)

This song is about how ficke both men and women are when it comes to courtship.  Both are unpredictable, both are emotional, and both are crazy when it comes to love! 

Back to Top

 

TITINGIN-TINGIN

ni Tex Salcedo/Levi Celerio

Titingin-tingin sa akin ang mama
Mamasid-masid na parang kawawa
Lilingon-lingon hindi na nagsawa
At ayaw mangusap palagay ko'y nahihiya

Kahit hindi ko pansinin ang aking nararamdaman
Titingin-tingin pa rin
Ang lalake nga naman
Tingin din ng tingin
Akala'y di ko alam
Nasisiyahan kayang
Ako'y laging tingnan

Kahit di ko pansinin aking nararamdaman
Titingin-tingin pa rin, ang lalake nga naman
Tingin din ng tingin
Akala'y di ko alam
Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan

This song is about a girl who knows that a man loves her.  He is unable to express his love, but she knows it well, because he gives her 'the look'.  His eyes are fixed on her.

Back to Top

 

LIGAW-TINGIN

ni C. Sta. Maria/Levi Celerio

Mayroong isang binata at isang dalaga
Na magkapit-bahay
Nagkaunawaan sa tinginan lamang
Ang pag-ibig kasi hindi man bigkasin
Napapansin sa kilos kung mayro'n pag-asa
Ang isang pag-ibig

Gulat naman ako kung ang isang lalaki
Kay sarap gumiliw
Kung di man makisig
May'rong panghalina
Walang romansa ang ganyang ligaw-tingin
Pagkat nakakasuya, laging nakatangkod
At mukhang kawawa

Wala mang salita sa kilos at sulyap
Maaaring sabihin ng isang lalaki
Ang kanyang paggiliw
Mayr'ong nga riyang lalaki
Kay sarap mangusap
Ngunit sinungaling
Ang mga babae ibig lang bolahin

Damdamin ng lalaking di umiimik
Mahirap mahulaan dapat ay mdoerno
Kahit sa pagligaw
At iyang ligaw-tingin na sinasabi mo
Ay uso noong araw
Atrasado tayo kung ganyan ang buhay

Kung ang ligaw-tingin ay di mahalaga
Pakinggan mo ang samo
Ng pagsuyong tunay at tapat sa puso
Minamahal kita, iniibig kita, 'yan ay isang pangako
Na iyong asahan, buhay man ay maglaho

This song is about a girl's frustration with a boy's inability to express his love to her.  The boy only gives her romantic glances or 'the look' in his eyes.  She is so frustrated and hopes that he will soon express his love for her.  For her, the modern way of courting a girl is to be verbal about it. 

Back to Top

 

TINGNAN NATIN

ni J. Silos

Kaming mga lalaki taksil daw sa pag-ibig
Kung totoo'y, tingnan natin
Bakit hindi subukin umibig sa akin
Halika na, tingnan natin

Huwag mo akong buwisitin nang di mo abutin
Ang mapahiya, tingnan natin
Kung nais mong subukin ay bakit pa sa akin
Sa iba na, tingnan natin

Magtataksil nga ako kung ibang pagsuyo
Ang iyong ituturo pagkat di maglalabo
Ang aking pagsamo sa iyo n'yaring puso
Kaya ako kailanman ay nag-aalinlangan
Baka hindi tunay  ang pag-ibig mo sa akin
At tatanggapin kung tapat, tingnan natin

Ikaw ang mamahalin sa aking puso giliw
Asahan mo, tingnan natin
Buhat ngayo'y alamin kung ako nga ay taksil
Sa pagsinta, tingnan natin

Huwag lamang lilimutin
Sa ginhawa't hilahil karamay mong walang maliw
Ang aking pusong baliw na lagi lang susundin
Ang iyong hiling, tingnan natin
Tingnan natin (3 x)

This song is about a man's desire to prove to his beloved that he is a faithful lover.  She tells him to prove to her by loving another girl, but he says it is not good to ask him to love another girl because he loves only her.  Tingnan natin is a Tagalog expression that means 'let's see' or 'prove to me'.  

Back to Top

 

BITUING MARIKIT

S. S. Suarez -- Publisher
Nicanor Abelardo -- Composer/Lyricist

Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Napinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, Bituing marikit

Lapitan mo ako, halina Bituin!
At ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis na iyong wagas na paggiliw

This song is about a man's appreciation for the beauty of his beloved, whom he likens to a little  shining star that makes the evening beautiful.  He is reminded of that beloved especially at night when he gazes the heavens.

Back to Top

 

GAANO KO IKAW KAMAHAL

Levi Celerio -- Lyricist
Ernani Cuenco -- Composer

Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang pag-ibig ko sa iyo ay tunay
Nais ko sanang patunayan
Huwag ka nang mag-alinlangan
Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat

Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa iyo ay asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman

Ang pag-ibig ko'y hindi kukupas
Tulad din ng umagang may pag-asang sumisikat
Ang ating buhay maikli aking Hirang
Kung kaya kailangan
Ang pagsuyong wagas kailanman
Ang sumpa ko sa Iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman
Ang sumpa ko sa iyo'y asahan
Ikaw lamang ang aking iibigin magpakailanman

This song is about a man's undying love for his beloved.  He assures her that she is the only one in his life and assures her that his love will not fade just like a morning filled with much hope. 

Back to Top