Ang Alamat ng Maya
Ibong Maya
Si Rita ay
batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang
hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
Isang araw, ang
kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y
gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang
nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay
malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng
ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang
mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa
lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
Nang kanyan buhatin
ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng
bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
Source: De Guzman, Maria Odulio (1972), Mga Alamat ng Pilipino, Nationa Bookstore, Inc.: Manila, Philippines