Munting bundok,
hindi madampot. |
Isang prinsesa,
nakaupo sa tasa. |
Gintong binalot sa
pilak; Pilak na binalot sa balat. |
Dalawang prinsesa,
labas pasok sa lungga. |
Isa ang pinasukan,
tatlo ang nilabasan.
|
Munting tampipi,
puno ng salapi. |
Ang anak ay nakaupo
na habang ang ina'y gumagapang pa. |
Mayroon akong
alipin, sunod ng sunod sa akin.
|
Lumalakad, walang
paa; lumuluha walang mata.
|
Habang pinapatay,
lumalawig ang buhay. |
Nagtago si Nilo,
nakalabas ang ulo. |
Maliit pa si pare,
umaakyat na sa tore. |
Takot ako sa isa,
pero hindi sa dalawa.
|
Tubig na pinagpala,
kapag natuyo ay muta. |
Buto't balat,
lumilipad.
|
Dalawang sinulid,
abot hanggang langit. |
Maliit pa si nene,
marunong ng manahi. |
Hindi tao, hindi
hayop, apat ang paa.
|
May dila nga ngunit
ayaw namang magsalita. Kambal sila't laging magkasama ang isa't isa
Itali o igapos, kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa'yo ay sasama...
|
Mayroong araw,
mayroong buwan, hindi naman langit. Mayroong katapusan, ngunit muling nagbabalik.
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi... |