Basahin ang sanaynay tungkol sa
pagtitiyaga ng isang Sorbetero sa Pilipinas.
Pag-aralan ang mga salita sa talasalitaan. Kung gusto mong pakinggan ang
sanaysay, i-klik ang audio.
Pagkatapos basahin ang buong sanaysay, gawin ang "post reading
activities" sa ibaba.
![]()
Lipunang
Pinoy |
ipinapahiwatig |
paniniwala |
![]()
Sanaysay
I-klik and audio icon at pakinggan ang sanaysay
tungkol sa sanaysay.
Mamang Sorbetero |
Pagsisikap, tiyaga at disip-lina, iyan ang sangkap ng sorbetes ni Mang Bok. Limampu't limang taon na siyang nagtitinda ng sorbetes sa bayan ng Sta. Rosa sa Laguna. Marami na siyang hirap na pinagdaanan. Kasama ang asawang si Felicidad Beltran (Nanay Edad) itinaguyod ni Filemon Beltran (Mang Ambo o Mang Bok) ang pag-aaral ng 11 anak. Pareho silang hindi nakapag-aral kaya't ganoon na lamang ang pagnanais nila na mabigyan ng edukasyon ang kanilang mga anak. Grade III lamang ang natapos ni Mang Bok at si Nanay Edad naman ay nakaabot lamang ng Grade VI. Maraming taon ang ginugol nila sa pagtatrabaho at pagsisikap. "Ginawa na-ming araw ang gabi maita-wid lang ang pag-aaral ng aming mga anak," pahayag ng mag-asawa. Hindi naging madali, maging sa kanilang mga anak, ang maisakatuparan ang kanya-kanyang mga pangarap. Simpleng pamu-mu-hay, walang humpay na pagsisikap, dibdibang pagti-tiis at pagtitiyaga ang inilaan ng buong pamilya upang makaraos sa bawat araw. Nandiyang magtinda ang mga anak ng ice candy at ice cream sa palengke, sa sabungan, sa eskuwelahan, at sa daan. Walang hindi nakaranas ng pagsusu-mikap. Kapag nakatapos ng Grade VI ang bawat anak, titigil ito ng isang taon upang puspu-sang tumulong sa ikabubu-hay ng pamilya samantalang ang iba naman ay ipinapag-patuloy ang kanilang edukas-yon. "Mali-liit pa lamang sila ay tinu-ruan na namin kung papaano magtiyaga at mag-sikap sa kanilang sarili," pahayag ni Mang Ambo. "Wala sa kanilang sen-yorito o senyorita." Hindi nakapag--tataka na tumiim sa isipan ng lahat ng kanilang anak ang kahalagahan ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan. Karangalan Pawang pawis at tiyaga ang kanilang pinuhunan para sila makatapos. Simple sila sa lahat ng bagay - sa pagkain, sa pananamit, sa kagamitan. Walang puwang para sa luho at lakwatsa. Alam nila ang kanilang gustong marating at nagtulung-tulong sila upang makamtan ang kaganapan ng kanilang mga pangarap. Sa ngayon, lima sa mga anak ni Mang Bok at Nanay Edad ang may kanya-kanya ng pamilya at tahanan. Ang anim naman ay pawang matata-gumpay sa mga lara-ngang kanilang pinasok sa buhay. Isa sa mga panun-tunan ni Mang Ambo: "Ka-pag nag-asawa na ang isang anak, kinakai-langang maka-tayo na sila sa kanilang sarili mga paa. Nan-dito kami upang umalalay at gumabay subalit hinihimok namin sila na matutong mag-sarili at mamuhay nang may malasakit sa kanilang ikinabu-buhay. Sa gayon ay mapaha-ha-lagahan nila ang lahat ng kanilang pagsusu-mikap." Aral mula sa sorbetes Labinlimang taon pa la-mang si Mang Bok ay nagis-nan na niya ang pagtitinda ng sorbetes. Noong ikasal siya kay Nanay Edad ( 25 taon siya noon), nagkaroon siya ng kasama sa kan-yang pagsusu-mikap. Tinuruan niya si Aling Edad kung papaano gumawa ng homemade ice cream at magkasama nilang pinag-laanan ito ng oras, lakas at tiyaga ang munti nilang negos-yo. "Ngayon," natutu-wang pahayag ni Mang Bok, "mas magaling pa sa akin ang misis ko sa paggawa ng ice cream!" Lahat ng kanilang anak ay natuto kung papaano mag-ha-lo ng mga sangkap at guma-wa ng tunay na kaiga-igayang sorbetes na dina-rayo pa ng mga taga-ibang lugar. Sila rin mismo ang nagtitinda nito sa paaralan, palengke, plaza, sabungan at kung saan-saan pa. Ang aral nila mula sa sorbetes: Kailangang pag-bu----husan ng tiyaga, gumamit ng maayos na sangkap, haluin ng tama at gawain ng malinis upang maging masarap ang produkto. Katulad din ito ng buhay. Ka-pag may pagsisikap, may ma-linis na hangarin, may pagtiti-yaga, may kaayusan sa paggawa at may pananam-palataya sa Diyos, tagumpay ang nagiging bunga. |
![]()
Bigyan ng buod ang binasang talambuhay. Itala ang mahahalagang detalye sa bawat talata.
| Talata 1 | Talata 2 | |
|
|
|
|
| Talata 3 | Talata 4 | |
Talata 5
|
![]()
Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Pumili ng isa at sumulat ng isang mailking sanaysay.

Pangulong Gloria M. Arroyo

Mga Sundalo sa Mindanao

Mga Tindera sa Tabi-Tabi