Ano ang tumor sa thyroid gland
WHAT'S UP DOC?
ni Dr.Tranquilino Elicaņo Jr
Philstar On Line
ITO ay malignant growth ng cells sa thyroid gland. Hindi pa lubos na malaman kung ano ang
dahilan ng
pagkakaroon nito subalit pinaniniwalaang ang grabeng exposure sa radiation sa dibdib, leeg
at ulo ang
pinagmumulan lalo kung ang pasyente ay sumailalim sa mga nabanggit na treatment noong siya
ay bata pa.
Ang radiation kasi ay ginagamit para gamutin ang mga minor na sakit ng bata gaya ng
tonsillitis at ganoon din
ang mapanganib na Hodgskins disease. Ang paraan ng paggamot sa pamamagitan ng
radiation (kahit na
maliit na doses lamang) ay nagbibigay-panganib sa paglubha ng thyroid tumor.
Ang may mga sintomas ng thyroid tumor ay nararapat na kumunsulta sa doktor para sa payong
medikal. Ang
paraan ng paggamot sa tumor ay kinapapalooban ng pag-opera para maalis ang lump at ang iba
pang bahagi
o ang kabuuan mismo ng thyroid gland. Tinatawag itong throidectomy.
Ang ibang porma ng malignant ay kinakailangang tanggalin ang katabing lymph nodes at
gamutin sa pamamagitan ng "radioactive iodine.". Kinakailangan din niya ng
antithyroid drugs o thyroid hormone replacements depende sa uri ng tumor
o sa paraan ng treatment.
Lahat ng mga thyroid tumors kabilang ang mga malignant na ay nagagamot kapag natuklasan
ito nang
maaga.