Simple lang ang Pneumonia Virus

dialog.gif (3207 bytes)

wpe3.jpg (18600 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Simple lang ang pneumonia virus

ORA MISMO ni Butch M. Quejada
Pilipino STAR Ngayon 03/20/2003

Part I
real.gif (626 bytes)

PAG-IBAYONG pag-iingat lang ang kailangan at huwag mag-panic sa pag-usbong ng bagong balitang yumanig sa tenga ng Noypi hinggil sa sakit na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) o atypical pneumonia virus porke nakakamatay daw ang sakit na ito.

Ilang medical practitioners ang nakaututang-dila ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahapon ng madaling-araw matapos silang dumating galing US of A tungkol sa nasabing sakit at ang sabi nila "isang simpleng sakit lang ang pneumonia kung maaagapan."

Sabi nila, ang virus ay puwedeng gumaling o lumala kumporme sa resistensiya ng taong kakapitan nito.

Wala pa kasing gamot sa virus kaya instant millionaire ka kapag nakaimbento ka ng gamot laban dito.

Sabi ng mga doktor, madaling mahawa ng virus ang mga bata at mga matatanda dahil mahina ang kanilang resistensiya kumpara sa mga taong malusog ang pangangatawan.

Part II
real.gif (626 bytes)

Sa ngayon anila ay hindi pa malaman kung gaano kalakas ang SARS kapag tumama sa Noypi.

Simpleng trangkaso lang umano ito kaya dapat maging kalmado ang Noypi at huwag mag-panic.

Supportive medicine ang kailangan kapag tinamaan ng sakit na pneumonia. Uminom nang maraming tubig at mag-take ng vitamin c.

Kung may sipon, gamot ng pang-alis ng bara ng ilong; kung may ubo, gamot sa ubo at kung may lagnat, gamot sa lagnat.

Ayon sa mga doktor, sanay sa hirap ang mga Noypi kaya hindi basta tatamaan ng matinding sakit.

Sabi nila, noong madiskubre ang Russian flu (trangkaso) sa Western Europe at nag-panic ang mga tao doon tulad ng SARS. Ngayon kasi hindi nila malaman kung anong klaseng sakit ang tumatama sa kanila kaya lahat ng klase ng pag-iingat ay ginawa ng gobyerno nila.

Hindi alam ng mga taga-Western Europe na mas matindi ang sakit na trangkaso sa Pinas pero pa-easy-easy lang ang Noypi rito.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Pagsusulat:

Maglista ng mga paraan kung paano maiiwasang magkaroon ng Pneumonia at iba pang nakakahawang sakit kagaya ng TB.