Pagtatae, maiiwasan

dialog.gif (3207 bytes)

wpe24.jpg (3484 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Pagtatae, maiiwasan
ni Arlyn Floro

Part I
real.gif (626 bytes)

Lahat ng tao ay nakararanas ng pagtatae na kadalasan ay nauuwi sa tinatawag na disinterya. Ito ay ang pagkakaroon ng plema at dugo sa dumi.

Iba't ibang klase ang pagtatae. Maaaring mahina o malakas ito at kung minsan naman ay maya-maya at biglaan. May mga pagkakataon naman na paulit-ulit at ang malala ay tumatagal ng ilang araw. Wala itong pinipiling tao, maging bata
man o matanda.

Subali't kadalasang umaatake ang disinterya sa mga bata. Lubhang delikado ito at pelegroso para sa kanilang kalusugan. Kapag hindi ito naagapan, mauubusan sila ng tubig sa katawan at maaaring mauwi sa kamatayan.

Maraming kadahilanan ang pagtatae. Kabilang na dito ang hindi wastong pagkain. Kailangan ng mga bata ang mabitaminang pagkain upang lumakas ang kanilang resistensiya.

Samantala, may mga impeksiyon din na sanhi ng virus o intestinal flu. Nakukuha ito sa mga bakterya na kadalasang napapasama sa pang-araw araw na kinakain. Kinakailangang makaugalian na malinis ang bawat kinakain upang maiwasan ang viral infection na ito.

Part II
real.gif (626 bytes)


Minsan naman, ang mga bulate ang nagiging sanhi ng pagsakit ng tiyan. Makabubuting painumin ang mga bata ng mga gamot na pangpurga o magpatingin sa espesyalista.

Posible rin namang maging dahilan ng pagtatae ang pagkalason sa pagkain. May mga pagkain kasing panis o sira na ang pinagtitiyagaan dahil sa pagtitipid. Hindi ito nakabubuti.

Maging ang dami ng gatas na itinitimpla sa mga sanggol ay dapat ding isaalang-alang dahil sa may tamang dami ng gatas na nararapat sa mga sanggol. Dapat din isaalang-alang ang pagpapa-inom tulad ng ampicillin, tetracycline at marami pang iba.

Sa kabilang banda, mainam sa nagtatae ang pag-inom ng tsa, sabaw ng nilagang karne, manok o mungo.

Nakakatulong din ang pag-inom ng kool-aid, rehydration drink at maging ang gatas ng ina.

Dapat din na balansehin ang pagkain ng kanin. Nakatutulong ang pagkain ng oatmeal sa umaga, biskwit sa meryenda, hinog na saging, mais, patatas at papaya. Ngunit kapag nasobrahan naman ay posibleng magpahirap din sa pagdumi.

Sa matatanda naman, marapat na huwag uminom ng alak, iwasan ang pagkain ng matataba o mamantikang pagkain at halo-halong prutas.

Sa simpleng paraan na ito, makaiiwas ang lahat sa panganib na dulot ng pagtatae.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Maglista ng mga alternatibong gamot sa pagtatae.  Bisitahin ang  Website na ito.