Ni Divina Gracia Lutrania
Part I

PAGOD ka na ba sa dami ng mga ipinapayong pampapayat, at tila
wala ka namang oras na pwedeng ilaan sa pag-eehersisyo? Ngayon na ang panahon upang
pansinin mo ang mga bagay na karaniwang matatagpuan sa iyong kapaligiran.
Nakababawas ng pagkagutom ang tubig. Ito ang ipinahayag ni
Mara Vitolins, RD., P.H., isang propesor ng public health sciences (epidemiology) sa Wake
Forest University Baptist Medical Center. Ayon sa kanya, mahirap ipaliwanag ang pagka-uhaw
sa pagkagutom. Subukan daw na uminom ng tubig at maghintay ng 20 hanggang 30 minuto at
obserbahan ang sarili kung gutom pa rin.
Part
II
Nakababawas ng calories
Karamihan sa mga tao ay umiinom ng softdrinks, kape at iba pang inumin at talaga namang
nakakalimutan at binabalewala na ang pag-inom ng tubig. Ito ang dahilan kung bakit mas
tumataas ang calorie intake.
Karamihan sa mga inumin ay mayroong caffeine. Ang caffeine ay
nagsisilbing diuretic na siyang nagiging sanhi ng dehydration. Sa panahong nauuhaw ang
isang tao, siya ay dehydrated na.
Mahalagang nutrient ang tubig at mahalaga ito sa pagkilos ng
katawan. Tumutulong din ito upang mailabas ang dumi sa katawan ng tao. Ang tubig din ang
nagdadala ng nutrisyon at nagpapa-ayos ng temperature ng katawan. Tumutulong din ito upang
mabawasan ang fluid retention, at tumutulong maging normal ang pagdumi.
Part
III
Sapat na tubig
Ayon kay Vitolins, isang paraan upang mabilang kung gaano karami ang tubig na dapat inumin
at upang mabawasan ang timbang ay sa pamamagitan ng pagkuha ng timbang. Saka ito hatiin sa
dalawa. Ang resulta ay siya ring bilang ng dapat mong inuming tubig kada araw. Kung may
100 pound ang isang babae, ang kailangan niyang inuming tubig ay 50 ounces kada araw.
Umaabot ito ng 12 ounces na baso ng tubig o 3 bote na may 500 milliliters o 16.9 ounces.
Kung mas maraming uminom ang tao, mas nararanasan nila ang
benepisyo ng tubig. "Ang pag-inom ng sapat na tubig ay hindi lang nararapat tuwing
summer. Higit pa nga dapat kapag tag-ulan upang makaiwas sa sakit," dagdag ni
Vitolins.
Marami ang pinapawisan tuwing tayo'y nag-eehersisyo o di
kaya'y kung sadyang mainit ang panahon. Isa lamang ang tiyak: lahat ng tao ay
nangangailangan ng tubig, kahit ano pa man ang panahon, mataba man o payat. |