Mga Simpleng Paraan
Tungo sa mahabang buhay

dialog.gif (3207 bytes)

wpe2D0.jpg (22394 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Mga Simpleng Paraan
Tungo sa mahabang buhay

Ni Arlyn Floro
Glossary

Part I
real.gif (626 bytes)

NABATID ng mga dalubhasa na posibleng madagdagan pa ang buhay ng tao sa pamamagitan ng ilang simpleng paraan. Malaki ang maitutulong ng pang-araw-araw nating gawi, pag-iisip, maging ang pananaw natin sa pag-ibig, buhay at mundo. Mas mabuting umpisahan na ang mga sumusunod na paraan.

Ehersisyo


Hindi lamang ang ating katawan ang pangunahing pinag-eexercise kung hindi maging ang ating utak. Sa edad pa lamang na 8 hanggang 10, kailangang hasain na ng puspusan ang kakayahan ng utak na mag-assimilate ng karunungan. Malaki ang naitutulong ng mga libro, computers, paglalakbay at pakikisalamuha sa iba. Mahalaga na palaging nae-exercise ang ating utak. Hindi tayo madaling ma-depressed o mag-isip ng kung anu-ano.

Bukod sa palagiang pag-eehersisyo tuwing umaga katulad ng pagte-treadmill, aerobics, jogging, brisk-walking at kung anu-ano pa, dapat ding isaalang-alang ang ating kinakain sa bawat araw. Kailangang malaman natin ang mga pagkain na nakatutulong sa ating kalusugan. Tandaan natin na ang pagkain ng mga matataba ay siyang nagiging pangunahing dahilan upang tayo ay magkaroon ng mga kumplikasyon sa loob ng katawan na nauuwi sa matinding sakit at maagang pagkamatay.

Part II
real.gif (626 bytes)

Paglilibang

Door Family.JPG (136192 bytes)
May mga simpleng paraan upang tayo ay malibang. Mahalaga na bigyan natin ng oportunidad ang ating sarili sa mga kaalaman o gawaing makapagpapaunlad sa ating personalidad.

Kailangan din nating magbasa-basa ng mga librong may kinalaman sa kung ano ang pupuwede nating inegosyo na papatok sa hilig natin. Huwag nating pabayaan ang ating sarili na hanggang doon na lamang ang ating nalalaman. Magandang mag-aral din tayo ng mga salitang banyaga. Dito "hindi kakalawangin" ang ating mga utak.

Part III
real.gif (626 bytes)

Positibong pag-iisip

Katulad ng mga madre na pinag-aaralan ang bawat positibong salita na kanilang binibitawan, malaki rin ang maitutulong kung iisipin natin na kung mayroon mang pangit na nangyayari sa ating buhay ay may kapalit naman itong kaginhawaan. Ang lahat naman ay napagdaraanan.

Kapag tayo ay galit, dismayado, malungkot, tayo ay nagre-release ng stress hormone tulad ng adrenaline at cortisol na siyang nagpapahina sa ating immune system na nagiging dahilan ng stroke o atake sa puso.

Malaki ang naitutulong ng presensya ng mga positibong tao sa ating buhay dahil sila ang unang hihikayat sa atin na tuklasin pa ang ibang bagay na mas magpapasaya sa atin.

Part IV
real.gif (626 bytes)

Pagiging madasalin

Shrine of Our Lady of Mount Carmel
Ang taong mas bihira lamang o hindi nananalangin ay may 50 porsyento na mas nahihirapang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Iyong mga nao-ospital na hindi gaano kalakas ang pananampalataya ay mas matagal gumaling.

Kailangan ng bawat isa sa atin ang pagkakaroon ng malusog na kaugalian katulad ng pag-iwas sa masamang bisyo, pagdalo ng mga spiritual service at retreats o recollections.

Minsan, nakatutulong rin ang pagkakawang-gawa upang tayo ay malibang. Mas masarap kasi ang ating pakiramdam kung tayo ay nananalig sa Diyos at nakatutulong sa iba.


Part V
real.gif (626 bytes)

Pagkamalikhain

Ayon sa isinagawang survey ng Center for Retirement sa South Hampton sa New York, sa 600 katao na nasa pagitan ng edad 80 hanggang 100, mas marami ang tumuklas ng kanilang mga kakayahan. Napatunayan din ng Okinawa Centenarian Study na nadaragdagan ang haba ng buhay kapag umiiwas sa pag-iisip ng problema at ituon ang atensiyon sa paglinang ng bagong kakayahan.

Samantala, ayon naman kay Bradley Willcox, MD, sadyang nakapagpapahaba ng buhay ang pagiging creative. Hindi lamang ito nakalilibang, pupuwede pa natin itong pagkakitaan.

Part VI
real.gif (626 bytes)

Pakikisalamuha

Ang pag-iisa ay napatunayan ding nakasasama sa kalusugan ng tao. Doble ang antas ng mga matatandang maagang mamatay dahil sa hindi sila approachable. Hindi rin sila palakaibiganin. Ayaw din nila masyadong makipag-usap at makihalubilo sa iba.

Ang pag-iisa ay lalong nagpapataas sa antas ng pagiging masasakitin ang isang tao. Ito ang ipinahayag ni Lisa Berman ng Harvard School of Public Health. Idinagdag pa niya na habang nakikipag-interact tayo sa iba, mas lumalawak ang ating pang-unawa sa mga bagay-bagay.

Importante na maganda ang relasyon natin sa ating ka-pamilya, kaibigan at mga katrabaho.

Part VII
real.gif (626 bytes)

Maayos na Pagtratrabaho

Lubhang napakalaki rin ng naitutulong kung tayo ay nalilibang sa ating propesyon o sa trabahong ating pinili. Maiiwasan natin ang pagkatanggal sa trabaho kung tayo ay responsable at maayos ang ating paggawa. Ang pagkakatanggal ay posible pang maging sanhi ng depression. Makabubuti kung igugugol natin ang ating oras at buhay sa makabuluhang gawain.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Magsulat ng maikling sanaysay tungkol sa mga sumusunod:

1.  Ano ang ginagawa mo para mapabuti ang iyong kalusugan?
2.  Sino ang maitutuiring mong idolo ng mabuting kalusugan?