Ni Marcela Madlangsakay
Part I

MELANOMA ang tawag sa tumor sa melanocytes, ang
pigment-producing cell na nagbibigay ng kulay sa ating balat. Ang cell na ito ay makikita
sa buong balat natin, pero mas marami sa mga nunal o mole. Kapag ang isa sa mga cell na
ito ay naging malignant o malala, ito ay nagiging tumor na tinatawag na melanoma.
Nagkakaroon ng melanoma ang mga nunal na naka-expose palagi.
Madalas magkaroon ng sakit na ito ang mga taong mabilis
magkaroon ng sunburn o yaong may fair complexion. Hindi ito nakahahawa sa pamamagitan
lamang ng pisikal na kontak subalit ang melanoma ay maaari ring kumalat.
Bago matanggal ang melanoma sa balat, ilan sa mga malalalang
cell ang maaaring dumagsa, maaaring sa lymphatic vessels o sa blood vessels. Ang lymphatic
vessels ay binubuo ng lymph fluid na pinatutuyo ng lymph node groups. Kung ang cells ay
makapapasok sa mga daluyang ito, ang lymph fluid ay madadala sa lymph nodes. Ito ay
maaaring maging tumor.
Kadalasan itong kumakalat sa lymph nodes kung saan malapit
ang lugar ng tumor. Kung ang pangunahing melanoma ay nasa braso, ang lymph nodes ay
maaaring nasa kilikili. Para sa pangunahing melanoma sa hita, nasa singit marahil ang
lymph nodes. Kapag tumor naman sa ulo, maaaring nasa parehong kabila ng leeg ang lymph
nodes.
Operasyon
Ang pinakamabisang paraan ng paggamot sa melanoma ay surgery o operasyon. Ang kapal ng
tumor at gaano katindi ang dikit nito sa balat ay maaaring magpabalik-balik. Ang
kailangang gawin ng mga taong may melanoma ay magkaroon ng regular na dalaw sa doktor
upang masuri ang posibilidad na ang tumor ay maaaring bumalik. Pagkatapos ma-operahan,
kailangang mag-therapy para maiwasan itong bumalik gaya ng adjuvant theraphy. Ito ay
ginagamit para matigil ang pagkakaroon muli ng melanoma.
Immunotheraphy
Ang isa pang paraan upang maiwasan ang melanoma ay ang Immunotheraphy. Ito ang
pinakabagong paraan sa paggamot ng kanser. Kabilang sa immunotheraphy ay ang interferon at
interleukin. Nilalabanan nito ang epekto ng tumor ng melanoma at iniiwasan o nilalabanan
ang pagbabalik nito.
Pagbibilad sa araw
Wala pang ebidensya na makukuha ang melanoma sa pagbibilad sa araw. Pero ang sobrang
pagkabilad sa araw ay maaaring makapagpataas ng tsansang magkaroon ng melanoma o kahit ano
pang klase ng kanser sa balat. Mahalaga ang magkaroon ng panlaban o pamahid sa balat para
magkaroon ng proteksyon laban sa sikat ng araw.