Part I:

KARANIWAN na ang mga kababaihan ang tinatamaan ng varicose
veins kaysa sa mga kalalakihan. Ang varicose veins ay kadalasang nakikita sa
mga binti bagamat maaari rin itong makita sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kadalasang lumalabas ang varicose veins makaraang makapanganak ang babae.
Nasa panganib magkaroon ng varicose veins ang mga taong ang trabaho ay
kinapapalooban nang mahabang oras ng pagtayo. Nasa panganib din na magkaroon ng varicose
veins ang mga taong matataba. Nasisira ang daloy ng dugo pabalik mula sa paa at mga binti.
Part
II.

Ang mga taong madalas kumain ng mataas
sa fiber ay nababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng varicose veins.
Dagdagan ang pagkain ng mansanas, sariwang berdeng gulay, wheat pasta, wholegrain
bread at brown rice.
Ang pinaka-da best na payo para maiwasan ang varicose veins ay panatilihin ang
katamtamang pangangatawan. Iwasang maging obese. Dagdagan ang pagkain ng mga
prutas at fiber.
Ang pagkakaroon ng regular exercise, lalo na ang paglalakad ay pinakamahusay na
paraan para hindi magkaroon ng varicose veins. Iwasang tumayo nang matagal na
oras at iwasan ding mag-cross legs. Put your feet up whenever you can.