ni Arlyn Floro
Part I

MARAMi pa ring Pilipino ang mahilig kumain ng karneng baboy,
kahit pa ito ay kilalang mapanganib na nakapagdudulot ng sakit na high blood, sakit sa
puso at marami pang iba.
Hindi naman sana ito masama kung hindi sobra ang pagkain at
siguraduhin lamang na sariwa ang karne. Mas makatutulong ang iyong kaalaman upang hindi ka
maloko ng mga tinderang mapagsamantala.
Madali lang naman makilala ang baboy na sariwa, kung ito ay
bata pa at kung ito ay matanda na noong kinatay. Ang baboy na bata pa ay manipis at
makinis ang balat. Samantala, makapal naman ang balat ng matanda at nakakikilabot ang
kapal ng taba.
Part
II
Litson-biik
Sa litson, mas piliin ang medyo biik pa dahil sa manipis ang taba nito. Mas magandang
iwasan ang pagkain ng sobrang taba upang makaiwas sa anumang komplikasyon sa inyong
kalusugan.
Bukod sa malambot kainin ang litson-biik, mas malaki rin ang
posibilidad na konti rin ang iyong makain dahil in terms of size at kung ilan man kayong
kakain, mas mami-minimize ang pagkain nito dahil sa iisipin mong marami pa ang kakain.
Subalit kung ikaw ay sadyang matakaw sa pagkain, mas di hamak na maliit ang porsyento ng
taba sa mga biik kaysa malalaking baboy, kaya kung ikaw ay conscious sa iyong figure
iwasan ang pagkain ng matataba.
Part
III
Sariwang karne
Makaiiwas ka rin sa mga tinderang nagkukuwaring bagong katay ang ibinebenta nilang baboy,
yun pala ito ay double dead na.
Madali namang malaman na ang iyong nabiling baboy ay double
dead lalo na kapag makita mo na ang balat at laman ay nangingitim na at ito ay may
kakaibang amoy.
Pupuwede namang kainin pa ang baboy na namatay sa aksidente
tulad ng nasagasaan at ito ay walang anumang sakit, pero kung ang baboy ay namatay dahil
sa malubhang sakit, ito ay delikado sa kalusugan ng kakain.
Dapat mo ring malaman kung ang baboy na iyon ay inunahan ng
patayin ng may-ari upang maiwasan na ito ay namatay dahil sa sakit. Mapapansin mo na
mayroon itong mga bukol o butil-butil sa laman na maitim, na kadalasang nakadikit sa taba
o sa mismong laman. Kung tawagin ito ay kulani.
Madalas na makabibili tayo ng double dead na karne sa mga
palengke na kilala sa pagbebenta ng murang gulay, prutas at kung anu-ano pa. Ang
Balintawak, Divisoria, Blumentrit Market at marami pang iba ay minsan ng nahuling
nagsasagawa nito. Malaki ang pagkakaiba sa presyo dahil ito ay mas mababa kung ikukumpara
sa bagong katay na tinatatakan ng National Meet Inspection Commission.
Part
IV
Payo
Sa mga mamimili, siguraduhin ninyo na ang inyong nabili ay bagong katay at sariwa.
Malalayo kayo sa sakit na dulot ng pagkain ng double dead na baboy.
Sa pagkain ng baboy, makakukuha rin ng protina na pangunahing
bitamina ng ating utak. Hindi naman ito masama sa kalusugan kung hindi sobra-sobra ang
pagkain nito. Kadalasan na inihahain ng mga Pinoy sa hapag kainan ang lutong sinigang,
prito, adobo, litson kawali, menudo at marami pang iba.



|