MadugongDigmaan sa Maktan

dialog.gif (3207 bytes)

wpe6.jpg (25010 bytes)
galing sa  http://cebu-online.com/postcards/sendcard.php

 

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Madugong digmaan sa Maktan

ni Arlyn Floro
real.gif (626 bytes)


NOONG dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y kilala sa tawag na Cebu, hayagang sinabi ni Lapu-Lapu na hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng mga Kastila. Ito ay ikinapuyos ng galit ni Magellan.

Hatinggabi ng Abril 26, 1521, 60 sandatahang Kastila sa pamumuno ni Magellan, kasama ang 1,000 kapanalig na mga Cebuano sa pangunguna ni Raha Humabon, ang sumalakay sa isla ng Maktan. At naganap ang madugong digmaan sa Maktan. Ang mga sandatang pumuputok ng mga Kastila ay hindi natinag sa mga nagtatanggol na mga kayumanggi. Dito nakita ang mabangis na galit ni Lapu-Lapu para madepensehan ang lugar na kanyang nasasakupan laban sa mapanakop na Kastila. Nagpatuloy ang paghahamok ng espada ng mga Kastila kontra sa matalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal ang kanilang paglalaban sa loob ng mahigit sa isang oras. Namatay man ang maraming kawal sa magkabilang panig, hindi pa rin natinag si Lapu-Lapu kaya dito ay natamaan niya si Magellan sa bisig sa pamamagitan ng sibat.

Subalit hindi rin natinag ang pinuno ng mga Kastila. Bagama't sugatan ay nanatiling nakatayo at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Nagpalitan ng taga ang magkalabang panig at dito na natamaan si Magellan sa kaliwang hita ng matalim na tabak ni Lapu-Lapu na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Matapos ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon kay Lapu-Lapu na kunin na lamang nila ang bangkay ni Magellan kapalit ng salapi ng mga Kastila, subalit ang kahilingan ng raha ay hindi pinaunlakan ni Lapu-Lapu. Sa halip ay ginawa pa niyang tropeyo ang bangkay ni Magellan.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)