
Kahit na bagong milenyo na, marami pa
ring naniniwala sa mga pamahiin. At maging ang panahon ng Kapaskuhan ay hindi nakaliligtas
sa mga superstitious beliefs na ito.
Kunsabagay, kung wala namang masama at masasaktan ay hindi
masama kung ikukonsidera natin ang ilan sa mga pamahiing ito.
Narito ang ilan na kinikilala sa iba't ibang bahagi ng mundo.
- Upang magkaroon ng magandang kalusugan buong taon, kumain daw
ng mansanas sa bisperas ng Pasko.
- Kumain ng plum pudding sa Pasko upang maiwasan ang mawalan ng
kaibigan sa susunod na Pasko.
- Ang batang pinanganak sa araw ng Pasko ay magkakaroon ng
magandang kapalaran.
- Malas daw ang pagsusuot ng bagong sapatos sa araw ng Pasko.
- Sa Ireland, naniniwala sila na ang pinto sa langit ay
nakabukas sa bisperas. Kaya't ang mamatay sa araw na ito ay diretso sa langit.
- Kung kakain ng hilaw na itlog sa umaga ng Pasko, mamalasin.
- Ilagay ang mga sapatos nang tabi-tabi sa Pasko upang maiwasan
ang pag-aaway sa pamilya.
- Kapag maraming bituin sa bisperas ng Pasko, magiging maganda
ang ani.
- Kung mahangin sa Pasko, ito ay suwerte.
- Sa Greece, naniniwala sila na ang pagsunog ng lumang sapatos
sa Pasko ay makaiiwas sa kamalasan buong taon.
- Sa Sweden, pinaniniwalaan na sa buong araw ng Pasko ang mga
masamang duwende ay umaaligid.
- Sa England, kapag ang babae ay kumatok sa pinto ng henhouse o
pugad ng mga manok, ikakasal siya bago matapos ang taon.
- Sumigaw ng "Christmas Gift' sa unang tao na kakatok sa
inyong pinto. Ito raw ay suwerte.
- Ang mga ninong at ninang daw na malaking magregalo sa mga
inaanak ay magkakaroon ng maraming biyaya. Ang mga nagtitipid naman ay hindi gaanong
pagpapalain.
|