Isneg ng Apayao, puwedeng maraming asawa


galing sa http://www.ntm.org.ph/jonathan_bamford/albums/village_10-02/index.htm

Use the on-line dictionary for vocabulary words.
Isneg ng Apayao, puwedeng maraming asawa |
|
Higit sa isa ang asawa ng mga grupo ng Isneg sa hilagang bahagi ng Cordillera, ngunit hindi sila mga Muslim. Sa kultura ng tribo ng mga Isneg sa probinsya ng Apayao, pinapayagan ang pag-aasawa ng higit sa isa hangga't kayang buhayin ng lalaki ang kanyang mga pamilya. May isa pang kondisyon: kailangang tang-gapin ng unang asawa ang ikalawang asawa at kailangan ding tanggapin ng una at ika-lawang asawa sa pamilya ang ikatlong asawa. Subalit sa panahon ngayon, lalo na sa mga edukadong Isneg, sinasanay na nila ang sarili na maging monogamous o mag-asawa na lamang ng iisa. Sa nakasanayang tradisyon, ang lalaki ay maninirahan sa iisang bubong kasama ang mga asawa nito at ang mga babae ay maki-kisama sa pagpapanatili ng isang malaking pamilya. Binabago ang kaayusan ng bahay bilang tanda ng pagtanggap sa karagdagang asawa at pamilya. Ang unang asawa ay tinatawag na "atawa," ang ikalawang asawa ay "mangadua" at ang ikatlo ay tinatawag na "mangatlo." Part IIAng proseso ng pag-aasawa o "manga-tawa" ay kabilang ang pagha-handog ng ari-arian, lugar at araw ng kasal at ang pagkakatay ng hayop. Ito ay hahantong sa tinatawag na "tugot" kung saan ang kamag-anak ng babae ay tatanggapin ang mga dowry. Habang ang mga lalaki ay pinapayagang mag-asawa nang higit sa isa, ang babae ay kailangang single o kaya ay balo. Hindi pinapayagan sa kulturang Isneg ang pag-aasawa sa babaeng iniwan ng dating asawa. Walang limitasyon ang pag-aasawa hanggat kayang bumuhay ng lalaki. Ayon kay attorney Richard Zarate, kung ang miyembro ng Isneg ay ang pagkakaroon ng higit isang asawa sila ay pahihintulutan dahil ito ay nakasad sa Indigeneous People's Right Act na kinikilala bilang cultural marriage practices.
|