Indigestion, paano maiiwasan?



Use the on-line dictionary for vocabulary words.
Indigestion, paano maiiwasan? |
ni Arlyn Floro Ang indigestion ay ang hindi pagkatunaw ng pagkain sa inyong tiyan. Dulot ito ng sobrang dami ng inyong nakain at hindi nakayanan pang tunawin kaya nakakaramdam ng pananakit ng sikmura. Narito ang ilang solusyon kung sakaling makaramdam ka ng pananakit ng tiyan. Sa sandaling makaramdam ka nito, huwag ka munang kumain ng mga limang oras. Sabayan mo ito ng pag-inom ng maraming tubig. Makatutulong ang pag-inom ng maligamgam na tubig kada isang oras. Papaya . Kung madalas kang makaramdam ng ganito, ugaliing kumain ng papaya. Gawin itong dessert matapos kumain. Mga dahon Maging ang dahon ng kamatsili ay nakatutulong din. Pakuluan ang isang dahon nito sa lima hanggang anim na basong tubig sa loob ng 10 minuto at samahan ng kalahating kutsaritang asin. Saka ito inumin. Para sa mga matatanda, dalawang tasa sa unang inom at matapos ang apat na oras ay isang baso na ang inyong inumin. Kapag naman bata, isang tasa bilang pauna at kalahating tasa kada apat na oras o higit pa. At para sa sanggol ay isang kutsarang pinakuluang dahon at isang kutsarita matapos ang apat na oras. Tamang pagkain lamang
|