Halamang Gamot, Sariling Atin

dialog.gif (3207 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Halamang gamot, sariling atin

Ni Arlyn Floro
Source:  Kabayanonline

Part I
real.gif (626 bytes)

ISA ka ba sa mga taong bukang-bibig ang "Uminom ka ng gamot?" O di naman kaya ay konting sakit lang na maramdaman ay pupunta na ng hospital? Mahalaga na mabatid natin ang simpleng paggamit ng mga halamang gamot.

Ampalaya

Ampalaya.jpg (13878 bytes)


Ito ay mabuti para sa mga taong may diabetes. Malaki ang maitutulong ng paglaga sa dahon nito at pag-inom ng isa hanggang tatlong beses maghapon. Kailangang inumin ito kalahating oras bago kumain. Mainam din ito para sa mga babaing kapanganganak lamang. Ito ay nakapagpapalakas sa kanila.

Samantala, isang kutsarita naman ng pinaglagaan ay mainam para sa mga sanggol para hindi sila maging sakitin.

Part II
real.gif (626 bytes)

Sampa-sampalukan

Ito ay pangkaraniwang klase ng damo. Ang pinaglagaan nito ay gamot sa mga hirap sa kanilang pag-ihi. Kailangan lamang pitpitin ang dahon at mabuti na itong pantapal sa mga maga sa katawan.

Katanda

Ang katas nito ay mabisa sa eksema, buni at lahat ng klase ng kagat ng mga insekto. Samantala, ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak nito ay mabuting pang-alis din ng plema.

Talampunay

Talampunay.jpg (10621 bytes)

Mabisa ang tuyong dahon nito sa pagpapabuti ng mga may sakit na asthma. Mabuti din ito para sa mga maga sa katawan. Kailangang dikdikin lamang ang sariwang dahon nito. Kung pakukuluan ang dahon, mabuti ito para sa mga sakit sa tainga.

Part III
real.gif (626 bytes)

Malatabako

Nakabubuti ito para sa mas malimit na pagdumi at sa paglinis ng dinadaanan ng ihi.

Soro-soro

Magandang lunas ito para sa mga may luga sa tainga. Hugasan ang murang dahon, patuyuin, basain ng langis, painitan sa apoy, dikdikin hanggang malanta, katasin at patuluin sa tainga.

Ojas de lantin

Mabisang gamot ito sa sakit ng ngipin.

Part IV
real.gif (626 bytes)

Malbas

Ito ay ginagamit sa paglalabatiba.

Gumamela

Gumamela.jpg (8535 bytes)

Gamot ang bulaklak nito sa may mga pigsa. Kailangang dikdikin ang buko ng bulaklak at samahan ng konting asin at saka itapal sa pigsa. Ang katas nito ay mabuti rin gawing gugo.

Sitsirika

Tsitsirika.jpg (34309 bytes)

Mabisa ito bilang natural na gamot sa diabetes. Ang pinaglagaan nito ay gamot din sa sakit sa ngipin, at ganoon din sa kanser.

Caimito

Caimito.jpg (13420 bytes)

Gamot din ito sa diabetes. Nakapagpapaalis din ito ng mga bulate. Nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga. Ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Bisitahin ang "herbal site" na ito at gumawa ng isang munting aklat tungkol sa mga  na halamang gamot.