ni Arlyn Floro
Part I

BANTOG sa pagiging pambansang pintor si Fernando Amorsolo.
Kilala siya sa lumikha ng hindi na mabilang na obra-maestra sa larangan ng pagpintura.
Isinilang si Amorsolo sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892.
Mula pagkabata ay kinakitaan na si Fernando sa pagkahilig sa pagguhit ng kung anu-anong
bagay. Nakapukaw-pansin ito sa kanyang ina na si Bonifacia Cueto Amorsolo.
Naging huwaran ni Fernando ang kanyang tiyuhin na si Fabian
de la Rosa dahil sa magaling din ito sa nasa-bing larangan. Kaya naman, pinag-aral siya ng
nasa-bing tiyuhin sa Liceo de Manila.
Talagang sinubaybayan siya ng kanyang Tiyo Fabian sa pagguhit
kaya rito siya nakilala sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Part
II
Kauna-unahan si Amorsolo na nagtapos ng Sining sa Pagguhit sa
Pamantasan ng Pilipinas, taong 1914. Nagtamo siya ng maraming karangalan at hindi
katagalan ay pinagkalooban siya oportunidad ng pilantropong si Enrique Zobel na
nakapag-aral nang libre sa Espana. Si Zobel mismo ay labis na humanga sa mga nilikha ng
pintor.
Karaniwan sa kanyang mga iginuhit ay ang makasaysayang
pangyayari at iba't-ibang larawan ng mga tao tulad ng isang mayuming dalagang nayon. Dahil
sa kahanga-hangang pagguhit, si Amorsolo ay tinanghal na pinakamagaling na pintor noong
taong 1920.
Naging direktor siya ng School of Fine Arts ng Pamantasan ng
Pilipinas hanggang sa pagreretiro noong 1957. Sa kanyang pagpu-punyagi, tinanghal siyang
na pambansang pintor.



|