
Sa Dyip
Pasahero1: Mama, eto ho ang bayad ko. Pakiabot nga ho. |
Pasahero2: Ale, ang bag mo. May laslas! |
Pasahero1: Ha, nasaan? Nakuha ang wallet ko. Nandoon pa naman ang pambayad ko sa koryente. Bago pa naman ang bag ko. Nakita mo ba kung sino? |
Pasahero2: 'yung katabi mo kanina parang duda ako sa kilos. 'yung mama na bumaba sa huling kanto. |
Pasahero1: Pangalawang beses ko nang manakawan sa loob ng dyip. |
Pasahero2: Ako naman na-snatch ang kuwintas ko noong isang buwan. Parang dumadami yata ang gumagawa nang ganyang krimen ngayon. |
Pasahero1: Oo nga nagkalat ang mga masasamang elemento ng ating lipunan. Ano ba ang ginagawa ng mga Pulis? |
Pasehero2: E, 'yung isang pulis nga sa Quiapo nahold-up ang baril niya. Mas takot nga sila sa dilim kaysa sa atin. |