anabnr2.gif (15838 bytes)

Pambansang sagisag ng Pilipinas, noon at ngayon
KABAYAN

real.gif (626 bytes)


Iba't iba ang naging mukha ng watawat ng Pilipinas. Sa pagdaan ng panahon,
nananatili itong sagisag sa makabayan at matulaing adhikain ng mga Pilipino!

"Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw. May dilag ang tula
at awit sa paglayang minamahal. Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na
nagniningning. Ang bituin at araw na kailan pa ma'y di magdidilim. Lupa ng
araw, ng luwalhati't pagsinta, buhay ay langit sa piling mo."

WATAWAT NI BONIFACIO - Unang ginamit ang bandilang ito sa Sigaw sa
Pugadlawin na naganap noong Agosto 23, 1896. Pitong araw ang nakaraan,
ang katulad na bandilang ito ang itinanghal sa Sagupaan sa Pinaglabanan sa
San Juan del Monte.

WATAWAT NG KATIPUNAN
- May ilang bersyon ng bandila ang Katipunan
na ginamit nito sa iba't ibang tsapter sa kanilang mga lihim na pulong.

WATAWAT NI LLANERA - Tinawag na Bungo ni Llanera (Llanera's skull) ang
bandilang ginamit ni Marian Llanera sa San Isidro, Nueva Ecija. Ayon sa mga
kuwento, nakuha ni Llanera ang disenyo mula sa initiation rites ng Katipunan
gamit ang itim na sumbrero, puting tatsulok at mga letrang Z, LI at B.

WATAWAT NI PIO DEL PILAR - Hulyo 11, 1895 nang unang gamitin ang
bandilang ito na tinawag na Bandila ng Magtagumpay na tumagal sa
maraming labanan.

WATAWAT NI GREGORIO DEL PILAR - Ito ang una sa mga bandila ng
Katipunan na gumamit ng tatlong kulay: pula, asul at itim. Ayon kay Del
Pilar, ang disenyo nito ay isinunod sa bandila ng Cuba sa pag-aalsa nito
laban sa Espanya.

WATAWAT NG MAGDIWANG - Ginamit ito ng mga katipunero ng Cavite,
partikular ng mga Magdiwang chapter. Nabatid mula sa ilang historyador, na
ito ang bandila ni Emilio Aguinaldo hanggang sa panahong malagdaan ang
Kasunduan sa Biyak-na-Bato.

WATAWAT NG KALAYAAN- Sa panahong ipinatapon sa Hong Kong, hiniling
ni Emilio Aguinaldo kay Marcela Agoncillo na magtahi ng bandila. Si
Agoncillo ay tinulungan ng kanyang anak na sina Lorenza at Herbosa de
Natividad. Unang itinaas ang bandila sa proklamasyon ng kalayaan ng
Pilipinas sa Kawit, Cavite, noong Hunyo 12, 1898. Taong 1964 nang huling
makita ang bandila nang mamatay si Aguinaldo.

KASALUKUYANG WATAWAT - Upang magtakda ng standard na sukat at
kulay, inisyu ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Executive Order
noong Marso 25, 1936. Nagkaroon ng huling pagbabago sa kautusan sa
panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos. Itinakda nito na ang asul sa
watawat ay mapusyaw.