TULAK NG BIBIG
|
POUNDING
RICE
ni Galo B. Ocampo. 1974

Sitwasyon: Tinutukso si Cristina tungkol sa pagligaw-tingin ni Bernie.
|
Oy, Cristina, panay ata ang pasyal ni Bernie dito sa tindahan ninyo. May ibig yatang sabihin. |
|
Alin? Ni hindi ko napapansin na madalas dito. |
|
Araw-araw yata. |
|
E paano? Naglalaro sila ng 'chess' ng mga kapuwa niya binata. |
|
Alam ko 'yon, pero mas masama talaga ang tama sa iyo. Panya yata ang sulyap sa iyo. Ligaw-tingin. |
|
Mahilig ka naman sa kuwentong hindi totoo. Sino ba ang papatol sa Bernie na 'yon? Sobrang magalang -- siguro pakitang-tao. |
|
Oy, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. |

WORDS |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
| EXPRESSIONS | |
|
|
|
|
|
|

|

1. Sino ang tinutukso?
2. Ano ang napansin ni Nina tungkol kay Bernie?
3. Ano ang paliwanag ni Cristina?
4. Paanong ligaw ang ginawa ni Bernie?
5. Ipaliwanag: 'Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.'

|

Continue combining the sentences in the rest of the essay, starting with number 8.
ANG MANOK
1. May isang mamang nakatira sa bahay sa bukid. 2. Matanda na siya. 3. Nakatira siyang mag-isa sa bahay. 4. Maliit ang bahay.
5. Nasa bundok ang bahay. 6. Mataas ang bundok. 7. Nasa tuktok ng bundok ang bahay. 8. Nagtatanim siya ng gulay. 9. Nagtatanim siya ng palay. 10. Kinakain niya ang mga ito. 11. Isang araw, nagbubunot siya ng damo. 12. May nakita siya.
13. Tinutuka ng isang manok ang kanyang palay. 14. Bagong ani ang palay. 15. Hinuli niya ang manok. 16. Ipinasok niya ito sa kulungan. 17. Nasa ilalim ng bintana niya ang kulungan.
18. May binalak siya. 19. Kakanin niya ang manok sa almusal.
20. Sumapit ang kinabukasan. 21. Maaga noon. 22. May ingay na gumising sa mama. 23. Dumungaw siya. 24. Nakita niya ang manok. 25. May nakita siyang itlog. 26. Pumutak ang manok.
27. May naisip ang mama. 28. Kakanin niya ang itlog sa almusal. 29. Pinakain niya ang manok ng isang tasang palay. 30. Kinausap siya ang manok. 31. Kinausap niya ang manok. 32. Lumipas ang araw. 33. May naisip siya. 34. Papakainin niya ang mas marami ang manok. 35. Papakainin niya ito ng dalawang tasang palay.
36. Papakainin niya ito sa umaga. 37. Papakainin niya ito sa gabi. 38. Siguro mangingitlog ito ng dalawa araw-araw. 39. Painakain niya ang manok ng mas maraming palay. 40. Tumaba ito.
41. Naging tamad ito. 42. Lagi itong natutulog. 43. Hindi ito nangitlog. 44. Nagalit ang mama. 45. Pinagbintangan niya ang manok. 46. Pinatay niya ito. 47. Inalmusal niya ito. 48. Wala na siyang manok. 49. Wala na siyang itlog. 50. Wala na siyang kinakausap. 51. Wala nang kumakausap sa kanya.

Expressions used to tease girls being courted in Filipino culture:
Panay yata ang bisita ni Bernie sa iyo.
Hindi raw mapagkatulog.
Bakit kapag nagkikita kayo, pareho kayong namumula?
May gustong mangharana sa iyo.
Masama ang tama sa iyo ni Bernie.
Lagi ka raw napapanaginipan.
May taong tanong ng tanong tungkol sa iyo.
Pagbigyan mo na.
Kailan ba ang mahabang dulang?
Panay ang tingin sa iyo ni Bernie.
Expressions used by girls denying courtship:
Kayo naman, para nakikipagkaibigan lang ang tao.
Hindi yata. Ang magulang ko ang kinakaibigan niya.
Bakit walang sinasabi? Kung may gusto sa iyo 'yon, nagsabi na.
Ano ba naman kayo, masyadong malakas ang inyong 'imagination'.
Responses to the denial:
Naku, 'hele hele, bago kiyere.'
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Huwag ka nang magkaila, halatang-halata na.
E, anong masama roon? Dalaga ka, binata naman siya.

Recreate or improvise a variation of the dialog at the beginning of this lesson by having Nina tease Cristina about Bernie. Have Cristina deny the courtship.
Back to Top
Back to Tagalog Main Page
Send Us Feedback About this
Lesson