SA PISTANG-BAYAN
|
KAWAYAN
KOMBO
ni Mario Munar

Sitwasyon: Dumalo sa isang pistang-bayan ang isang Amerikano na kasama ang isang kaibigang Pilipino.
|
Ang daming tao! Nasa plaza yata ang buong bayan! |
|
Oo, kasi narito ang kasayahan. Kapag piyesta, maraming binyagan at kasalan. Marami ring nagtitinda ng kung anu-ano sa patyo -- laruan, damit, kasangkapan sa bahay, mga pagkain... |
|
Masaya pala ang piyesta. Panay ang ikot ng banda ng musiko. |
|
Ang tiya ko ang tokang magpakain ng musiko, kaya magdamagan ang lutuan sa kanila...Dito muna tayo sa labas ng simbahan. Abangan natin ang paglabas ng magagandang dalaga. |
|
Talaga ikaw...Teka muna, hindi ba nakakahiyang makikain sa mga tiya mo? Hindi naman ako kumbidado. |
|
Ano bang hindi? Kapag piyesta, lahat kumbidado. Pagkagaling natin sa mga Tiya Isabel, doon naman tayo sa mga pinsan ko. Tapos kina Tony... |
|
At kakain ulit tayo? |
|
Kung hindi, sasama ang loob nila sa atin. Ihanda mo ang tiyan mo. |
|
Dapat pala nagdala ako ng 'Alka-Seltzer'. |

WORDS |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
EXPRESSIONS |
|
|
|
|
|
|
|

|

1. Nasaan ang piyesta?
2. Ano ang nangyayari kapag piyesta?
3. Ano ang gustong gawin ni Jose sa labas ng simbahan?
4. Saan sila kakain?
5. Sino ang sasama ang loob? Bakit?

|

Complete the following kundi clauses with appropriate clauses.
1. Kundi ka pupunta ________________________.
2. Kundi ka uulan __________________________.
3. Kundi ka dumating _______________________.
4. Kundi sa kaniya _________________________.
5. Kundi siya nanood ng sine _____________________.
Make the following contrary-to-fact statements true by using kundi in the first clause and hindi in the second clause.1. Kung nakinig ka sa akin, nanalo ka sana.
Kundi ka nakinig sa akin, hindi ka sana nanalo.2. Kung nagising ka nang maaga, nakarating ka sana sa oras.
______________________________________________.
3. Kung mabuti ang pakiramdam ko, pumunta sana ako sa
piyesta.__________________________________________________.
4. Kung nagsabi ka ng totoo, pinayagan ka sanang umalis.
____________________________________________.
5. Kung kumain ka, inantok ka sa trabaho.
____________________________________________.

Expressions used to describe fiestas:
May mga nakasabit na makukulay na palamuti.
May mga arko sa kalsada.
Umiikot ang banda ng musiko.
Bawat bahay ay may handa.
Nagpapalabas ng komedya sa gabi.
Mayroon ding karnabal.
Maraming bisita.
Nagsisimba ang mga tao at sumasama sa prusisyon.

With your partner, recreate or improvise a variation of the dialog at the beginning of this lesson by adding some of the descriptions above.
Back to Top
Back to Tagalog Main Page
Send Us Feedback About this
Lesson