
Ang lahat
ng bagay, may pakpak na lihim,
pakpak na nag-akyat sa ating layunin,
pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,
pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin,
pakpak ang naghatid sa tao sa hangin,
at pakpak din naman ang taklob sa libing.
Mula sa tulang
"Pakpak" ni Corazon de Jesus, 1928