Araw ng Manggagawa

wpe27.jpg (24598 bytes)
Timaura by Antipas Delotavo, 1991

PGMA's Speech during the Labor Day Celebration
Wednesday, May 01, 2002
Araneta Coliseum, Quezon City


DAHIL ito ang Centennial ng Kilusang Manggagawa ng ating bansa, binigyan nating kanina ng parangal ang mga namuno at naghirap para sa kilusan noong ito ay nagsimula. Doon sa mga nagsimula noon pang-100 years ago, siyempre wala na sila. One hundred years ago iyon, kaya mga apo nila ang narito. Yung mga lider naman ng henerasyong ito, ay binigyan din natin sila ng pagkikilala, yung ating mga beteranong buhay pa dito sa ating Labor Movement. Binibigyan din natin ng parangal, kahit nawala na ngayon yung ating mga kasalukuyang lider, pero nawala na, ilan sa kanila ay dahil nagmartir sa kasalukuyang henerasyon.

Si Popoy Lagman, hindi natin siya binigyan ng posthumus award, pero iba ang gusto kong ibigay na parangal sa kanya. Para itong parangal ay lalong maging makabuluhan inuutos ko ngayon si Sec. Joey Lina at ang ating mga pulis na maglunsad ng intensified manhunt kay Roger dela Torre, alias Ka Rowel, na siyang umanong pumaslang kay Popoy Lagman. Merong eye witness, at nasampa na ang kaso kontra kay Ka Rowell sa pagpaslang kay Filemon Lagman. Sa wakas, sana, ay dumating na ang katarungan. Kahit na hindi pareho ang ating paniniwala, karapatan ng mabuhay ang lahat ng tao. Kaya kahit hindi pareho ang ating paniniwala, pag nalabag ang karapatang pantao kahit na ibang paniniwala karapatan din nilang magkaroon ng katarungan mula sa atin.

Kanina sa Cebu sa pagdiriwang ng Labor centennial doon sabi nang mga streamer "Isang daan,Isang daan" tamang-tama sa isang daang taon na kilusan ng manggagawa sana magsamasama tayo sa isang daan lamang, ang lansangan tungo sa pagsugpo sa kahirapan ng ating bansa. At ako ay nasisiyahan na matanggap iyang tripartite declaration kanina na binigay sa akin ni Tito Carlos, Pat Sto. Tomas at Atty. Mendoza at iyan ang magiging laman ng ating pag-uusap nitong hapon na ito. Dahil iyong pinirmahan nila bilang kinatawan ng manggagawa, namumuhunan at pamahalaan ay isang pangako na tayong lahat na narito ay magtratrabaho magkasasama upang ipaiiral ang trabahong disente, at ano ba ang trabahong disente, ayon sa ginuhit NA mga patakaran ng International Labor Organization. Dapat ang Pilipinas ay sumunod sa mga patakaran ng International Labor Organization kungdi mananagot ang ating Secretary of Labor si Pat Sto. Tomas sa pangulo ng International Labor Organization walang iba NA rin kung hindi Pat Sto. Tomas, ang pangulo ng ILO. Kaya maiintindihan natin kung bakit isinulong ni Pat Sto. Tomas itong ILO NA tripartite declaration. Itong dokumento NA ibinigay sa akin kanina ay iginuguhit ang gusto nating makamit sa maikling panahon, itto ang sinasabi nating laman ng ating employment strategy. This strategy includes five principles. Una, the creation of employment dahil ang sabi ni Atty. Mendoza ang pinakaimportante sa lahat to create jobs. Pangalawa, the promotion of labor standards. Pangatlo, social protection, pang-apat social dialogue, panglima tripartism. The challenge for all of us is to make this declaration work.

Tungkol sa unang bahagi ng employment strategy ang creation of employment. Magpasalamat tayo sa Panginoon NA sa nakaraang taon, nakapaglikha ang ating ekonomiya ng mahigit sa isang milyon at kalahating trabaho sa kabila ng maraming kaguluhan sa ating mundo. Kaya, bumaba ang ating unemployment rate mula sa 11.3% noong ako'y unang naupo hanggang sa 10.3% ngayon pagkatapos ng isang taong panunungkulan ko. Ngunit malaki pa rin ang 10.3% dahil ang sabi ni Ka Quinto(?) ibig sabihin ng 10.3% ay milyon-milyon pa rin. Kaya tayo ay dapat magkaisa para lumikha ng mass marami pang trabaho. And we must have job creation through investments and also through employment facilitation. Para magawa itong employment facilitation, goal will expand the computerized linkaging of the labor market information networks to include more employers and workers organizations, as well as government units.

Tungkol naman sa pangalawang patakaran, ng ating kasunduan sa stratehiya, ang promotions of labor standards. Nagkaroon NA tayo ng bagong rules sa sub-contracting upang magbigay ng higit NA seguridad sa trabaho at bilang tugon sa isyu ng contractualization. Kaya gusto kong klaruhin muli sa lahat, labag sa batas ilapat ang labor-only sub-contracting.

Tuluyan din natin ipinapatupad ang patakaran ng wage simplification gaya ng pinaglaban ninyo sa proseso sa pagtaas ng minimum wage, labinisang wage order ang itinakda sa inyo ng ating Regional Wage and Productivity Boards sa nakaraang taon noong mula ng ako'y naging pangulo NA nilagdaan ninyong petisyon NA itaas ang sahod. Noong isang taon, NA ako'y nagdiskurso sa aking SONA, sinabi ko NA umaasa akong magpasya ang Kongreso o Wage Board ng nararapat NA suweldo. Ganoon pa rin ang aking paniniwala hanggang ngayon. Ang aking ama si Diosdado Macapagal noong siya ay kongresista, siya ang nagtakda ng unang minimum wage law sa kasaysayan. Noon siya'y naging pangulo, pinirmahan din niya ang pangalawang minimum wage law sa ating kasaysayan. Kaya ako rin naniniwala NA ang kongreso ay may kapangyarihan at dunong na hanapin kung ano ang nararapat NA minimum wage sa ating lipunan. And I adhere to the principles in the labor position paper that was giver to me earlier. I affirm the principle and the democratic nature of the right to self organization. Kaya kayo ay binibigyan namin ng galang ang mga unyon itong araw na ito.

Pangatlong elemento ng ating INO based Employment strategies ay Social Protection. Ito rin ay laman ng kasunduan at ang deklarasyon na ibinigay sa akin kanina. Naghandog ang pamahalaan ng P27 M sa state insurance fund para mapautang ang mga displaced workers. Humigit kumulang sa 2,000 manggagawa na ang nabiyayaan sa pautang na ito. Merong pang hiwalay na socio-economic assistance amounting to another P27 M to about 5,000 sugar workers and their families. At kanina si Zoila Dela Cruz may P12 million na cheque na tinanggap sa mga nahihirapang manggagawa sa sugar sector. Nakapaglaan din ang DOLE at ang aking Social Fund ng P22 M para magkaroon ng demonstration na tinatawag na Poverty Free Zone Project sa bawat rehiyon at matulungan ang maliliit na komunidad na maging maunlad at magkaroon ng sariling kakayahan. Hinihingi ko rin ang tulong ng Philippine Ports Authority o PPA ng DOTC at ng DOLE na tugunan ang mga pangangailangan ng mga port workers natin.

Noong ako ay maupo bilang Pangulo kinilala ko ang kalagayan ng informal sector. Kaya't ang pamahalaan ay naglunsad din ng Social Protection Program for Workers in the Informal Sector noong makalawa. Ang programang ito ay naglalayong isama ang mga manggagawa nasa informal sector na saklaw ng Social Security System.

At patuloy nating kinikilala ang malaking contribution ng overseas Filipino workers sa ating ekonomiya. Kaya ang DOH, DSWD, at DOLE ay magpapadala ng mga duktor at social workers sa iba't-ibang overseas post mula itong Hunyo. At meron tayong P25 M na ibibigay para dito para alagaan ang kapakanan ng ating mga OFW lalu na sa pagbigay ng medical and counselling services doon sa mga bansa kung saan sila nagtratrabaho.

Yun namang social dialogue, pang-apat na bahagi sa ating employment strategy. Ibig sabihin nito ay hindi dapat adversarial ang relation ng mga manggagawa at mamumuhunan. Sa aking State-of-the- Nation address sinabi ko "to reduce excessive friction in labor and management relations, we will go the extra mile to work for industrial peace" siguro pinakinggan tayo ng ating mga labor and employment sector sapagkat naging lalung mahinahon ang kanilang relasyon nitong nakaraang taon. Sa nakaraang taon, 43 ang welga kumpara sa 60 noong year 2000, kaya mas lumawak ang industrial peace. Kasama naman sa panlimang bahagi ng ating employment strategy and tripartism which means we must continuously facilitate a regulatory functions in government. For instance, all proceedings arising from the disposition of labor cases and processing of documents are administrative rather than judicial proceedings that is why as part of the centennial observance of the Philippine labor movement Secretary Sto. Tomas will consult with all sectors concerned to conduct a comprehensive review of the structure and procedures of all the agencies administering labor justice are undertaking registration functions. Sa madaling salita, iyong red tape sa DOLE ay liliitin, hahatiin sa ang numero ng signatures na required para sa iba't-ibang serbisyo ng DOLE, POEA, OWWA, National Labor Relations Commission para sa inyo manggagawa. Related to this, Secretary Sto. Tomas will study the adoption of joint inspection teams composed of representatives from labor and management to assist labor inspectors in doing their jobs to make sure the firms are following the law. And as a service to our heroic OFWs, the E-link system for OFW's, a system to simplify and fast track the documentation process for overseas workers will also be implemented.

At sa aking State of the Nation Address noong isang taon, hinihingi ko rin sa Congreso na bigyang daan ang matagal nang pinapangarap ng ating OFW, and karapatang bumoto. Ang ating administrasyon ay lubos na nagpapanukala ng batas na absentee voting upang mabigyan ang ating mga OFWs ng boses sa halalan. Sinusuportahan ko rin ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng dual citizenship sa ating overseas Filipinos.

Mauumpisahan na rin ang ating inanunsiyong National Provident Fund or SSS Flexifund para sa ating OFWs. This will take the form of a Social Security scheme that will encourage savings and investments as well as entitle them to benefits such as multi-purpose loans and insurance coverage. And if they hold this up to retirement age the provident fund can finance the member's old age needs in the form of monthly pensions or lump sum payments.

Para sa ating manggagawa namang narito sa Pilipinas, alam ko na importante ang presyo ng mga batayang bilihin na maging kaya ng mga manggagawa. Kaya dadagdagan pa ng NFA ang mga rolling stores na umiikot sa iba't-ibang lugar upang mapalapit sa inyo ang mga murang bilihin kagaya ng bigas na P14 at kalahating presyo ng gamot. Ngayon pa lang nga mahigit na 1,000 na ang lumilibot na NFA stores, dadagdagan pa rin natin para maglingkod sa manggagawang Pilipino. Ikinagagalak ko rin iyong pagkukusang bukluran ng manggagawang Pilipino, Employes Confederation of the Philippines at Metro Manila Development Authority na nagpirmahan itong araw na ito ng Memorandum of Agreement para sa pagtatayo ng mga tindahan ng pangunahing pangangailangan sa murang halaga at pagtatalaga ng MMDA rolling stores sa medium size enterprises kung saan makakabili ang mga manggagawa ng murang kailangan nila. At the same time the essential drugs and medicines, specifically frequently used by the poor are now available to you at 50% of last year's price at government hospitals and at NFA rolling stores. Ngayon, 73 hospitals ang mayroon noon. Sa Setyembre, aabot na ang half-priced medicines sa 600 hospitals, na sakop ng pamahalaang lokal at 800 na botika sa barangay sa buong bansa alang-alang sa manggagawang maralitang Pilipino.

Umaabot na rin sa higit tatlong million ang napasailalim ng Indigent Program ng ating National Health Insurance which will pay for the hospital bills of poor beneficiaries. And for the housing of workers, I am tasking HUDCC to make available to the homeless workers the foreclosed properties of government financial institutions like PAG-IBIG, NHA, NHFMC, SSS and other agencies on a rent to own basis. So, ito ay huhulugan ninyo ng 25 years. And for this year, I want 20,000 units to be made available to our workers. This is where P10 billion for workers housing.

We must also provide assitance to displaced workers. The DoLE will aggressively implement the Quick Response Team Operation Balik Trabaho to provide an immediate and integrated package of assistance to displaced workers including their dependents, including the delivery of employment services such as profiling, job matching, referrals, guidance, skills retraining, livelihood and entrepreneurship development. And it will also give assistance to workers in obtaining their separation benefits and in making informed choices on reemployment options that should be pursued. Because I have learned that workers have difficulty in getting their separation benefits.

We must also set up our safety nets for sectors affected by globalization. I will just leave to the new Presidential Adviser of Safety Nets, incoming Secretary Boy Herrera.

I spoke about the price of medecine, hospitalization, transportation, basic goods…

Yun namang kuryente. Let's talk about electricity, I have instructed Secretary Vince Perez to study the Purchase Power Adjustment or PPA. And I am also urging, because I cannot tell them what to do, independent sila, I am urging the Energy Regulatory Commission, to carefully examine and expedite the review of the month PPA filings and to listen closely to the voice of the people.

Panahon na para maaudit ang mga PPA na pina-file ng mga electric companies. Sa ibabaw nito, there is a proposal by the DoE that PPA charges can also be in addition to the audit and the review significantly reproduced through financial reengineering.

The proposal, if implemented can bring the cost of NAPOCOR power by as much as 85 centavos per kw hour. Pero para dito, kailangan natin ng legislation. Kaya, sabi ko kay Vince, work with Congressmen and Senators, let's pass a bill that would give power to bring down the PPA through re-financing and I hope that in the near future, can be included in our priority legislation in Congress.

Mahigit na isang taon nang ako ay Pangulo at ako ay nagpapasalamat sa malaking pagsuporta ng lehitimo at responsableng labor movement sa ating administrasyon. Nakatutuwang isipin na napakaangkop ng ating pagdiriwang ng 100 taon ng labor movement. Nararapat na pag-alabin natin muli ang apoy na sinindihan ng ating mga unang lider na manggagawa. Itulak muli natin, sa progresibong pag-iisip at aksyon ang ating mga pagawaan upang masimulan natin ang isa pang makahulugang kabanata sa kasaysayan ng ating bayan. Iisa lang ang superstar ng ating bansa at iyan ay ang dakilang manggagawang Pilipino.

Maraming Salamat.

Source: http://www.op.gov.ph/speeches.asp?iid=148&iyear=2002&imonth=5

Back to top
Philippine Festivals
Tagalog Homepage