anabnr2.gif (15492 bytes)

Kasaysayan at Mga Bayani (from online sources)

Ramon Magsaysay
ni Irwin Isaac
(Sino ang makalilimot sa popularidad ni Ramon Magsaysay? Siya ang bukod-tanging pangulo na nagbukas sa pintuan ng Mala-kanyang para sa lahat ng mamamayan? Nagawa niyang ilapit ang pamahalaan sa puso ng bayan at pag-alabin ang diwa ng pagkamakabayan sa damdamin ng mga Pilipino. Pinasigla rin niya ang paggamit ng Wikang Pambansa. At hindi katulad ng ibang sikat noong panahon niya na nagsusuot ng Amerikana, mas pinili niyang isuot ang Barong Tagalog.)

Mga Unang Aklat sa Pilipinas
ni  Princess Onciano-Canlas
(
Ang ating kamalayan ay hindi tumitigil sa pagtuklas ng iba't ibang kaalaman. At natural lamang na ating isipin at piliting alamin ang pinagmulan ng mga bagay na ating nakikita sa kapaligiran. Ngayon ay dumako tayo sa mga unang aklat na nailimbag sa ating bansa.)

Madugong Digmaan sa Maktan
ni Arlyn Floro
(
Noong dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y kilala sa tawag na Cebu, hayagang sinabi ni Lapu-Lapu na hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng mga Kastila. Ito ay ikinapuyos ng galit ni Magellan.)

Araw ng Rebolusyon
ni Princess O. Canlas
(
Dalawa  sa ating mga bayani ang pumanaw sa araw na ito, ika-20 ng Pebrero. Sila ay sina Melchora Aquino na mas kilala sa tawag na "Tandang Sora" at si Francisco Baltazar na kilala sa tawag na "Balagtas." Si Tandang Sora ay pumanaw noong taong 1919 habang si Balagtas naman ay noong taong 1862. Kilala si Tandang Sora bilang "Ina ng Rebolusyonaryong Pilipino" at si Balagtas naman bilang "Prinsipe ng Makatang Tagalog.")

Paggunita kay Juan Luna pambansang pintor
ni Aangelo Samonte
(Siya ay kinilala bilang isa sa pinabantog sa pintor sa buong mundo. Ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto noong 1889 ay ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis, sa Amerika. Sa kasamaang palad, ang kanyang obra maestra ay nasunog noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.)

Gabriela Silang
ni Divina Gracia R. Lutrania
(
Maria Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng ating bayani na mas kilala bilang Gabriela Silang. Marso 19, 1731 noong siya'y isinilang sa kapatagan ng Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang ang matapang na si Gabriela.)

Diego Silang
ni Divina Gracia R. Lutrania
(Disyembre 16, 1730 noong isinilang ang isang bagong bayani ng Ilokos. Si Diego Silang, bayaning likas sa pagiging matapang, matipuno at magalang. Pinatunayan niya ito sa pakikipaglaban sa mga mapagsamantalang dayuhang Kastila.)

Fernando Amorsolo
ni Arlyn Floro
(
Bantog sa pagiging pambansang pintor si Fernando Amorsolo. Kilala siya sa lumikha ng hindi na mabilang na obra-maestra sa larangan ng pagpintura.)

Silang Mga Bayani sa Mindanao
(Maraming magigiting na Pilipino rin ang nagmula sa Mindanao.)

Kasaysayan at Mga Bayani (from copyright materials)

Ang Tao sa Malakanyang: Mga Pangulo ng Pilipinas
Karapatang-ari ng Children's Communication Network 1986
(Ang Palasyong Malakanyang ang simbolo ng kapangyarihang pampanguluhan sa Pilipinas. Sinuman ang "tao" sa Malakanyang ay siyang pinuno ng gobyerno sa buong kapuluan. Mababasa sa librong ito ang mga naging "tao" sa Malakanyang, mula sa unang Pilipinong nanirahan dito hanggang kay Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. Isang libro na rin ito ng pagsasalaysay sa naganap na pagkakahubog ng pangguluhan sa Pilipinas. Inuugat ng libro ang panguluhan sa panahon ng mga lakan at datu hanggang sa pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas.)

Andres Bonifacio: Ang Dakilang Supremo ng Katipunan
Karapatang-ari ng Children's Communication Center 1981
(
Mahirap lang si Andres Bonifacio. Maagang namatay ang kanyang mga magulang kaya hindi siya nakatungtong sa mataas na paaralan. Pero hindi ito naging hadlang para makatulong siya sa kanyang mga kababayan. Sa halip, kahirapan ang nagtulak sa kanya para ipaglaban ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Nagtatag siya ng rebolusyonaryong samahang tinawag na Katipunan para maghimagsik laban sa mga Espanyol at palayain ang Pilipinas. Dahil sa Katipunan, nabigkis ang pagkakaisa ng samabayanang Pilipino.)

 

Back to top

Mga Alamat at Pabula (from copyright materials)

Kung Bakit Masikip ang Damit ng Kalabaw at Maluwag Naman ang sa Baka
Noong unang panahon ang balat ng kalabaw ay hindi katulad ng sa ngayon. Ganoon din ang sa baka.

Ang Kalapati at ang Uwak
Ang uwak ay inutusan ng Diyos sa lupa upang alamin ang lalim ng tubig sa dagat.  Nguni't ang uwak ay nalibang sa kakakain ng sari-saring bagay na natagpuan niya sa lupa.  Nalimutan niya ang utos ng Diyos.

Ang Tsonggo at ang Pagong
Isang araw, nagpasyal ang magkaibigang pagong at tsonggo. May nakita silang punong saging.

Ang Alamat ng Maya
Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Ang Pinagmulan ng Lahi
Ayon sa matatanda, ang bathalang lumikha ng daigdig ay si Laor.  Ayon sa paniwala ng marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig.  Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng isang magandang paraan.

Mga Pabula ni Aesop (Limang Kuwento)
Natatandaan ko noong bata pa ako, madalas akong kuwentuhan ng aking kapatid.   May isa siyang munting aklat na madalas basahin sa akin na naglalaman ng mga sari-saring kuwento tungkol sa mga hayop na nagbibihis at kumikilos na parang tao. 

Ang Tikbalang Kung Kabiligan ng Buwan
Kuwento ni Victoria Añonuevo
Maraming maligno o nakakatakot na nilalang sa panitikang-bayan ng Pilipinas. Isa na rito ang tikbalang, isang nilikhang may katawang tulad ng tao pero may mukha na tulad ng kabayo. Sinasabi rin na tuwing kabilugan ng buwan ay lumalabas ang tikbalang at iba pang maligno. Kaya naman, bawal na bawal noon sa mga bata ang lumabas ng bahay kung gabi kahit maliwanag at marikit ang buwan. Ipinantatakot ng mga nanay ang mga maligno para mapigil ang mga bata sa paglalaro sa labas ng bahay.

Ang Hukuman ni Sinukuan: Bakit naparusahan ang lamok?
Karapatang-ari ng Children's Communication Center, 1980
Narito ang isang nakaaaliw na kuwentong-bayan na nagbibigay ng paliwanag sa maraming bagay tungkol sa mga hayop at insekto. Unang-una, ipinaliliwanag sa istoryang ito kung bakit hindi nangangagat ang lalaking lamok at kung bakit mahilig itong umali-aligid at humuni-huni sa tenga ng tao. Pero sa loob ng istorya ay nagkakaroon din ng paliwanag kung bakit may dalang bahay ang pagong, kung bakit nasa taas ng puno ang pugad ng martines, kung bakit may dalang ilaw ang alitaptap kung gabi at iba pang mga kakaibang katangian ng mga hayop at insekto.

Si Busol at ang mga Ibaloy: Paano nagapi ng mga tao ang isang higante?
Karapatang-ari: Children's Communication Center, 1980
Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang iba't iabang grupong etniko sa ating bansa. Sa mga kuwentong ito, masasalamin ang kanilang mga damdamin, paniniwala at mithiin. Sa librong ito, isinasalaysay ang isang magandang kuwento ng mga Ibaloy, isang grupong etniko na naninirahan sag awing timog ng Lalawigang Bulubundukin. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, nakaisip sila ng isang magaling na paraan kung paanong mapapatay ang isang heganteng nagdudulot ng maraming problema sa kanilang komunidad. Isasalaysay sa librong ito kung paano nila napaglalagan ang higante.

Back to top

Back to Tagalog Mainpage

-