Silang mga Bayani ng Mindanao
Part I Maraming magigiting na Pilipino rin ang nagmula sa
Mindanao. Dito ay napag-isa ni Sultan Kudarat ang watak-watak na pangkat ng liping Maguindanao. Importante sa kanya ang pagkakaisa. Hinimok niya ang mga kababayan niya na mahirap silang talunin ng kanilang mga kalaban kung sila ay tulong-tulong at sama-sama. Sa loob ng tatlong siglo, lumaban ang mga Pilpinong Muslim sa mga kastila at hindi sila pumayag na basta na lamang sila magapi ng mga ito. Gamit ang talino at tapang ni Sultan Kudarat, hindi sila napasuko ng mga Kastila. Ang pagtatanggol sa kanyang lahi ay kanyang tagumpay. Namatay si Sultan Kudarat na labis na hinangaan ng kanyang mga kababayan. Part IIPrinsesa Purmassuri Tinulungan niyang imulat ang kapwa niya taga-Sulu na huwag matakot ipaglaban ang karapatan. Ang tao ay hindi nabubuhay sa mundong ibabaw na walang anumang kakayahan. Lahat, sa pananaw niya, ay biniyayaan. Ito ang ipinamulat niyang kaisipan sa kanyang mga tauhan. Magat Salamat Nahirapan ang mga Kastila na siya ay talunin. Kinainisan siya ng mga ito kaya siya ay tinuligsa at kalauna'y binitay ng mga ito. Kanyang ipinagtangol ang Pilipinong Muslim upang masugpo ang pagmamalabis ng mga dayuhan. Labis niyang tinutulan ang pagmamalupit sa kanyang mga kalahi sa Mindano. Reyna Sima Napakaimportante sa kanya ang maayos na pag-uugali at itinuro niyang ang katapangan ay kailangang laging nasa lugar. Ang bawat hakbangin, ayon sa kanya, ay dapat pinag-iisipan ng mabuti. Hindi nakakalimutan ni Reyna Sima ang pagbibigay at pagtulong sa kapwa kaya naman siya ay minahal ng kanyang mga kalahi. |
Translation Tools CONCORDANCE PROGRAM WORD
FREQUENCY COUNT TAGALOG-ENGLISH COMPREHENSION
LIST OF
READINGS
|