Ang Tao sa Malakanyang: Mga Pangulo ng Pilipinas
Karapatang-ari ng Children's Communication Network, 1986
Mga Alamat ng Pilipino, Nationa Bookstore, Inc.:  Manila, Philippines

Sa mga Guro at mga Magulang

Ang Palasyong Malakanyang ang simbolo ng kapangyarihang pampanguluhan sa Pilipinas. Sinuman ang "tao" sa Malakanyang ay siyang pinuno ng gobyerno sa buong kapuluan. Mababasa sa librong ito ang mga naging "tao" sa Malakanyang, mula sa unang Pilipinong nanirahan dito hanggang kay Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. Isang libro na rin ito ng pagsasalaysay sa naganap na pagkakahubog ng pangguluhan sa Pilipinas. Inuugat ng libro ang panguluhan sa panahon ng mga lakan at datu hanggang sa pagkakatatag ng Republika ng Pilipinas.

Noong Araw, ang Malakanyang ay isang  malaking bahay na bato lamang at pahingajan ng matataas na tao sa lipunan. Nang gawin itong opisyal na tirahan ng mga naging gobernador-heneral sa panahon ng pananakop ng Espanyol, naging tagpuan ito ng mga mariwasa at opisyal ng pamahalaan. Ito marahil ang dahilan kaya ito tinawag na Malakanyang mula sa bukambibig ng karaniwang tao noon napagtatanungan, "Malakan diyan." Ibig sabihin, maraming maharlikang nasa loob ng bahay sapagkat "lakan" ang isang tawag sa mga maharlika noon.

Ang Kuwento 

Ang Malakanyang

Ang Palasyong Malakanyang ay nasa isang pampang ng Ilog Pasig sa Daang Jose P. Laurel, San Miguel, Metro Manila. Dati, isang malaking bahay na bato ito na may paliguan at hardin at naliligid ng pader na bato. Isa ito sa mga pribadong bahay-pahingahan na nakahanay sa hilagang pamapangin ng ilog noon ika-17 dataon at ari ng mga engkomendero at mayamang negosyane sa Maynila.

Sinasabing ari ang Malakanyang ni Don Luis Rocha. Ngunit noong Nobyember 16, 1802, ipinagbili niya ito sa isang koronel na Espanyol, si Don Jose Miguel Formento, sa halagang P1,100. Ipinagbili naman ni Formento sa gobyernong Espanyol ang bahay-na-bato noong Enero 22, 1825 sa halagang P5,000. Ginawa itong bakasyunan kung tag-init ng gobernador-heneral.

Pero dahil sa isang lindol, nasira ang dating palasyong tirahan ng gobernador-heneral sa loob ng Intramuros. Kaya't simula noong 1863, ang Malakanyang ang naging tirahan ng mga naging pinuno ng gobyerno sa Pilipinas. Iba't ibang pagbabago ang nadagdag sa dating bahay-na-bato sa pana-panahon. May itinayong mga bagong gusali sa paligid. Niluwangan ang dating asotea. Tinaasan ang lupang kintitirikan ng bahay na bago noong panahon ng Amerikano. Sinakop din ang ibang karatig-lupain. Kaya't ngayon, mas maluwang at mas marikit ang palasyong tirahan ng pangulo ng Pilipinas.

Raha Soliman

Ang sabi ng mga historyador, dating nasa labas ng Maynila ang lugar na kinatitirikan ng Malakanyang. Sakop diumano ito ng isang mas matandang kaharian na tinatawag na Namayan na may sentro sa ngayon'y Santa Ana. Sa ilalim ng pinunong si Lakantagkan, sakop ng Namayan ang mga lugar na ngayon ay Manadaluyong, Makati, Paco, Pandacan, Malate, San Juan del Monte, Quiapo, Sampalok, San Miguel, at hanggang Taytay.

Sinasabing napangasawa ni Lakantagkan si Buan at nagkaroon sila ng limang anak. Mayroon din siyang anak na lalaki sa isang aliping taga-Borneo. Ang pangalan ng bastardong anak na ito ay Pasay. Sa kanya ipinamana ni Lakantagkan ang lugar na ngayon ay tinatawag na Pasay.

Nang mamatay si Lakantagkan, nahati ang buong kaharian sa kanyang limang anak. Naglaho ang buong kaharian at walang malinaw na impormasyon tungkol sa mga sumunod na pinuno ng Namayan. Sinasabi lamang na isa sa apo-sa-tuhod ni Lakantagkan ang bininyagang Martin noong 1570.

Napailalim sa mga paring Pransiskano ang sentro ng Namanyan noong panahon ng Esponyol. Ngayon, sa ginagawng paghuhukay ng mga arkelogo, maraming palatandang na isang mayamang kaharian ang Namayan bago ito nahati. Ang mga nahuhukay na banga at kasangkapang mula Tsina ay patunay na may kalakalan na ito sa mga Tsino noon pa mang ika-12 at ika-13 siglo.

Miguel Lopez de Legaspi

Nang masakop ng mga Espanyol ang Maynila, ipinasiya ni Miguel Lopez de Legazpina gawin itong sentro ng gobyernong kolonyal sa buong Pilipinas. Nagpatayo siya ng kampong Espanyol na naging ubod ng siyudad ng Maynila.

Unti-unti, ang siyudad ay nabuo sa loob ng isang moog na bato. Ito ang tinatawag na Intramuros. Sa loob nito nakatira ang mga sundalo at dayuhang Espanyol. Naliligid ito ng pader na bato bilang taggulan laban sa mga pananalakay.

Isa sa malalaking gusali sa loob ng Intramuros ang Palasyo ng Gobernador. Noong Hunyo 3, 1863, isang malakas na lindol ang sumira sa Intramuros. Kasama sa nawasak ng lindol ang Palasyo ng Gobyernador. Sa gayon, napilitan si Gobernador Rafael de Echague na lumipat sa Malakanyang at doon manirahan. Ipinaayos niya ang dating bahay na bato para magmukhang usang tunay na palasyo. Mula noon, ang dating pahingahan kung tag-init ay naging opisyal na tirahan ng mga naging pinuno ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo

Si Emilio Aguinaldo ang una at huling pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas na inihayag sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Taal ng taga-Kawit si Aguinaldo at anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy. Sa batang gulang, huminto siya sa pag-aaral sa San Juan de Letran para tumulong mamahala sa mga lupain at negosyo na iniwan ng kanyang magulang. Napangasawa niya si Hilaria del Rosario noong 1896, isang taon pagkaraan niyang maging capitan municipal o pinunong-bayan ng Kawit.

Sa panahong ito ay kasapi na siya ng Katipunan na itinatag ni Andres Bonifacio. Nang sumiklab ang Himagsikan, mabilis na nakilala si Aguinaldo dahil sa kanyang mga tagumpay laban sa mga Espanyol sa Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong Marso 22, 1897, naghalal siyang presidente ng binagong Gobyernong Rebolusyonaryo.

Hinawakan ni Aguinaldo ang naturang tungkulin habang nakikipaglaban sa mga Espanyol at maging sa panahon ng Digmaan Pilipino-Amerikano. Nang mahuli siya sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 kasabay na ring bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano.

Nabuhay si Aguinaldo hanggang Pebrero 6, 1964 sa gulang na 95. Buhay pa siya nang ideklara ni Presidente Diosdado Macapagal ang Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Manuel L. Quezon

Isinilang sa Baler, Tayabas (ngayo'y Quezon) si Manuel L. Quezon noong Agosto 19, 1898. Hindi gaanong mariwasa ang kanyang pamilya pero sa pamamagitan ng sariling sikap ay nakapag-aral siya at nagtapos ng abogasya. naging medyor siya ng hukbong nasa ilalim ni Heneral Tomas Mascardo sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.

Pagkaraan ng digmaan, sumikat siyang abogado at pulitiko. Naging piskal siya ng Mindoro at gobernador ng Tayabas noong 1905. Noong 1909, nahirang siyang Residente Commissioner sa Washington. Sa panahong ito niya nilakad ang Batas Jones na nagtatadhana ng isang Lehistraturang Pilipino. Nagbitiw siyang Resident Commissioner noong 1916 at kumandidato bilang senador sa Lehistraturang Pilipino.

Bilang pinuno ng Senado, nagtagumpay siya sa paglakad ng Tydings-McDuffie Law. Ito ang batas na nagtatadhana sa pagtatatag ng Gobyernong Komonwelt sa loob ng sampung taon bago ipagkaloob ang kalayaan ng Pilipinas. Nahalal si Quezon bilang pangulo ng Komonwelt noong 1935 at muling nahalal noong 1941.

Dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, inilikas sa Estados Unidos ang Pamahalaang Komonwelt. Doon na lumala ang kanyang sakit na tuberkolosis. Namatay siya noong Agosto 1, 1945 samantalang ibinabalita ang pagbabalik ni Heneral Douglas McArthur sa Pilipinas.

Jose P. Laurel

Samantalang nasa ilalim ng kapangyarihan ng Hapon. patuloy na lumalaban ang mga gerilya sa Pilipinas. Ito'y sa kabila ng pangakong bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas ng mga Hapon. Noong 1943, isang "Republika" ang itinatag at si Jose P. Laurel ang nahirang na pangulo.

Mula sa isang kilalang pamilya, isinilang sa Tanauan, Batangas si Jose P. Laurel noong Marso 9, 1891. Pagkaraan magtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, mabilis siyang umasenso hanggang maging sekretaryo ng Kagawarang Panloob. Naging aktibo siya sa unti-unting pagsasa-Pilipino ng pamahalaan sa ilalim ng mga Amerikano. Sa panahon ng Komonwelt, nahirang siyang hukom sa Korte Suprema.

Pagbgasak ng Pilipinas sa kamay ng Hapon, patuloy siyang naglinkod sa gobyerno bilang ministro ng Katarungan hanggang presidente ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.

Gayunman, sinasabing mas nasa isip pa rin ni Laurel ang mga kababayan kahit naglilingkod sa mananakop. Marami siyang natulungan at nailigtas sa panahon ng digmaaan. Kaya't pagbalik ng mga Amerikano, isa sa napawalang-sala sa hablang kolaborayon si Laurel. Ang pagkapanalo niya sa eleksyon nilang senador ang isnag patunay na maging ang bayan ay kumikilala sa kanyang paglilingkod. Namatay siay noong Nobyembre 6, 1959 habang nalalapit ang halalan.

Sergio Osmena

Tubong-Cebu at ipinanganak noon Septembre 9, 1878 si Sergio Osmena. Pareho sila ni Quezon na nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Perho din silang naging aktibo sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Sapagkat kilala na bilang peryodista at mas naunag sumukat si Osmena bilang politiko.

Si Osmena ang nahalala na ispiker ng unang Asamblea ng Pilipinas at naagaw lamang ni Quezon ang pamumuno noong 1922. Simula noon, si Osmena ang pamumuno noong 1922. Simula noon, si Osmena ang pangunahing katunggali ni Quezon sa pulitika hanggang sa itatag ang Komonwelt. Sinasabing umiikot lamang ang pulitika noon sa tunggalian ng dalawa.

Nang mamatay sa Estados Unidos si Quezon, si Osmena ang pumalit na presidente ng Komonwelt. Nasa Estados Unidos noon ang gobyerno dahil hawak ng Hapon ang Pilipinas. Nang matalo ang Hapon, si Osmena ang nangasiwa ng pagsasaayos ng bansa mula sa gulo at, pagkawasak na likha ng digma. Isang mahirap na tungkulin ito. Maraming naging problema at alingasngas. Ito marahil ang dahilan kaya humina ang kanyang liderato.

Noong Abril 23, 1946, nagkaroon ng pangkalahatang halalan. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato bilang pangulo si osmena ngunit natalo. Umuwi siya sa Cebu ngunit patuloy na nakisangkot sa gawaing pambayan hanggang sa bawian siay ng buhay noong Oktubre 19, 1961.

Manuel A. Roxas

Isinilang si Manuel A. Roxas noong Enoro 1, 1892. Mula sa isang mamayang angkan sa Capiz (ngayon'y Lunsod ng Roxas), Capiz naging aktibo siya sa panahon ng Amerikano. Naging gobernador din siya gaya ni Quezon at Osmena. Naging ispiker din siya gaya ni Osmena at Presidente ng Senado gaya ni Quezon. Kasama siya ni Osmena sa paglakad ng kalayaan sa Estados Unidos sa tinatawag na Misyong Os_Rox.

Nang ilikas ang Komonwelt noong panahon ng Hapon, naiwan sa Pilipinas si Roxas. Malaki ang naitulong sa pangangasiwa ng kilusang gerilya. Pagbalik ng mga Amerikano, muli siyang nanungkulan sa Senado. Pagdating ng eleksiyon ng 1946, humiwalay siyang bigla kay Osmena. Umalis siya, kasama ang ibang pulitiko sa Partido Nacionalista at nagtatag ng Partido Liberal. Nanalo siya bilang pangulo sa nasabing halalan.

Pero naharap sa maraming problema si Roxas. Nagkaroon ng iskandalo sa pamamahagi ng sarplas at bayad-pinsala sa digma. Nabigo ang kanyang binuksang mekanisadong pagsasaka sa Mindanao. Biglang lumakas ang Kilusang Hukbalahap. Namatay siya bigla noong Marso 5, 1948 pagkaraan magtalumpati sa Clark Field sa Angeles, Pamapanga.

Elpidio Quirino

Isinilang si Elpidio Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong Nobyembre 16, 1890. Magkaeskuwela sila ni Roxas mulang mataas na paaralan hanggang unibersidad. Noong presidente ng Senado si Quezon, ginawa siya nitong sekretaryo at ito ang naging hagdanan niya sa pulitika.

Nagkasama sila ni Roxas sa Partido Liberal sa halalan ng 1946. Nang mamatay si Roxas, pumalit siya bilang presidente ng Pilipinas. Minana niya kay Roxas ang lahat ng mabibigat na problema sa pamahalaan noon. Una, lumkas ang kilusan laban sa pamahalaan ng Huk. Ikalawa, nabulgar ang katakot-takot na dayaan at terorismo sa halalan noong 1949.

Para masugpo ang pag-aalsa ng mga Huk, hinirang niyang sekretaryo ng Tanggulang-Bansa si Ramon Magsaysay. Nagtagumpay si Magsaysay sa kampanya laban sa mga Huk. Gayunman, ang tagumpay ni Magsaysay ay nakapaghina naman sa pamumuno ni Quirino.

Napatunayan ang kahinaan ng pamumuno ni Quirino sa halalan ng 1951. Walang nanalong kandidatong senador ang Partido Liberal. Kaya't pagdating ng halalan pampanguluhan noong 1953, madaling natalo si Quirino nang gawing kandidato ng Partido Nacionalista si Magsaysay.

Mula noon, naghinto sa pulitika si Quirino at namatay siya noong Pebrero 20, 1956.

Ramon Magsaysay

BIlang isang pulitiko, bago ang larawan ni Ramon Magsaysay. Isinilang si Magsaysay noong Agosto 31, 1907 sa Iba, Zambales. Mahirap lamang ang kanyang magulang. Pero mula sa isang mekaniko ay nakagugulat ang kanyang pagsikat.

Ang unang suwerte niya ay nang mapangasawa ang magandang si Luz Banzon na mula sa isang mariwasang pamilya sa Bataan. Sumunod na suwerte niya ang kanyang makulay na pakikipagsapalaran bilang gerilya laban sa Hapon.

Hinirang siyang sekretaryo ng Tanggulang-Bansa ni Quirino dahil na rin sa kanyang karanasan bilang gerilya. Mhinang-mahina noon ang hukbong sandatahan at kailangan ang liderato. Madali naming naging balita sa katapangan si Magsaysay.

Isang bantog na halimbawa noon ang kaso ni Moises Padilla. Sa eleksiyong 1951, pinaslang ng mga tauhan ni Gobernador Rafael Lacson ng Negros Occidental si Padilla. Personal na nagpunta si Magsaysay sa Negros. Naipabilanggo niya si Lacson at ilang tauhan nito. Lumikha ito ng takot sa mga naghahari-hariang pulitiko at nagbigay ng lakas sa mahihirap.

Ang ganitong mga halimbawa ang lihim ng popularidad ni Magsaysay. Kaya't ng humiwalay siya kay Quirino at kumandidato bilang Nacionalista noong 1953, bumuhos ang boto sa kanya. Taglay niya ang popularidad na ito hanggang sa maaksidente siya noong Marso 17, 1957.

Carlos P. Garcia

Ipinanganak si Carlos P. Garcia sa Talibon, Bohol noong Nobyembre 4, 1896. Iba't ibang tungkulin ang kanyang hinawakan bago siya naging kandidato sa pagka-pangalawang pangulo ni Magsaysay noong 1953. Nang mamatay sa aksidente si Magsaysay, sa kanya nsalin ang panguluhan. Muli siyang kumandidato bilang pangulo sa eleksiyon ng 1957 at nanalo bagama't ang kanyang kandidatong pangalawang pangulo na si Jose B. Laurel, Jr. ay natalo sa kandidato ng partido Liberal na si Diosdado Macapagal.

Masalimuot at mahirap ang pulitika sa panahon ng panunungkalan ni Garcia. Dapat kilalanin sa panahon niya ang makabansang patakaran hinggil sa base military sa Estados Unidos sa Pilipinas at ang matibay niyang paninindigan para sa dagdag na bayad-pinsal sa digma mulang Estados Unidos at Hapon. Siya rin ang nagsimula ng programa sa pagtitipid sa pangalang "austerity" bagama't binbatikos siya sa mga paglalakbay niya sa ibang bansa, at pagbili ng mamahaling yate at eroplano para sa presidente. Sa panahon din niya nabulgar ang mga nakawan sa People's Homesite and Housing Corporation (PHHC), Government Service Insurance System (GSIS) at iba pang iskandalo na sumira sa kanyang pamamahala.

Natalo siya sa eleksiyon ng 1961. Pero sa Kumbensiyong Konsitutional nitong 1971, nahalal siya bilang delegado. Nahalal pa siyang pangulo ng nasabing kumbensiyon. Saying at bigla siyang binawian ng buhay noong Hunyo 14, 1971 ilang araw pagkabukas ng kapulungan.

Diosdao Macapagal

"Poor boy from Lubao" ang taguri kay Diosdado Macapagal dahil anak siya ng mahirap na magsasaka. isinilang siya noong Setyembre 28, 1910 sa San Nicholas, Lubao, Pampanga. Pero sa tulong ng dalawang mayamang tagatustos, nakatapos ng abogasya si Macapagal noong 1936. Naging kongresista siya noong 1949 sa ilalim ng Partido Liberal at muling nahalal sa nasabing posisyon noong 1953. noong 1955, kumandidato siyang senador pero natalo. Puro kandidato ng Partido Nacionalista ang nanalo sa eleksiyong iyon. Pero si Macapagal ang may pinakamataas na boto sa lahat ng mga natalong kandidato ng Partido Liberal noong 1957. Nanalo naman siya bagama't natalo ang kasama niyang kandidato sa pagkapangulo na si Jose Yulo. Sa halalaan ng 1961, siya ang inilaban kay Garcia at nanalo naman siya.

Mahirap ang naging katayuan ni Macapagal bilang pangulo. Una, ang buong Kongreso ay hawak ng mga kontra-partido. Sa gayon, lagi siyang nakukontra ng mga opisyal na miyembro ng Partido Nacionalista. Ikalawa, marami ring lumabas na korupsiyon sa iba't ibang ahensiya ng pamahalaan. Isa sa pinakamagulo ang kaso ng milyonaryong si Harry B.  Stonehill. Nabulgar na maraming opisyal ng gobyerno ang kakutsaba ni Stonehill sa mga lihim na negosyo.

Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, na isang liberal. Pero nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos. Ginawa siyang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangulo sa halalang 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.

Ferdinand E. Marcos

Pinakamatagal naupo bilang pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Edralin Marcos. Isinilang siya noong Septyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Sumikat siya bilang magaling na abogado at bayani ng digmaan. Noong kumukuha siya ng pagsusulit sa abogasya ay nabilango siya ngunit nanguna pa rin sa mga pumasa. Natikman niya ang hirap sa pagtatanggol ng Bataan at sa Death March, at angkamit ng mga medlya ng kagitingan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bilang pulitiko, una siyang nanalo bilang kongresista noong 1949. Tuloy-tuloy ang kanyang tagumpay hanggang maging presidente noong 1965. Muli siyang nahalal na presidente noong 1969. Dahil sa lumulubhang krisis pambansa ay ginamit niya't pinairal ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Pagkatapos , ipinahayag niya ang isang plano ng "Bagong Lipunan" sa pamamagitan ng isang demokratiko at mapayapang "rebolusyon." Kabilang sa kanyang programa ang reporma sa lupa, pagtatatag ng demokrasyang barangay, pagbago sa patakarang panlabas, at pagkakaroon ng sapat na pagkain at makabagong kabuhayan.

Pagkaraan ng walong taon, siya mismo ang nag-alis ng pag-iral ng Batas Militar. Nagkaroong ng halalan noong 1981 at muli siyang nahalal na pangulo. Noon niya hinirang ang sarili na uang pangulo ng Ikaapat na Republika ng Pilipinas.

Gayunman, unti-unting lumaki ang pagkilos laban sa kanyang "diktadura." Humina ang kanyang kapangyarihan dahil sa mga lumitaw na kabulukan sa gobyerno, patulu na paglakas ng New People's Army, samantalang maraming nasisiwalat na abuso ang military, at mga anomalya sa palatuntunang pangkabuhayan. Lalong lumakas ang oposisyon nang patayin si Benigno Aquino, Jr. noong Agosto 21, 1983. Si Ninoy (popular na tawag kay Aquino) ang itinuring na pinakamalakas na kalaban sa pulitika ni Marcos. Pataksil siyang pinaty nang umuwi sa Pilipinas matapos manirahan sa Estados Unidos bilang destiyero. Ibinintang ito sa administrasyon ni Marcos at naging hudyat ng tuluyang pagbagsak ng kanyang pamumuno.

Corazon C. Aquino

Si Corazon Cojuangco Aquino ay isinilang sa Maynila noong Enero 25, 1933 at maybahay ni Benigno S. Aquino Jr. Nang patayin si Benigno o Ninoy ay hinamok ng mga oposisyonista si Cory (popular na tawag kay Corazon) upang manguna sa kampanya laban kay Marcos. Dinumog siya ng taumbayan saan man siyang lugar magsalita.

Napilitan tumawag si Marcos ng isang tanging halalang pampanguluhan noong Prebrero 7, 1986. Isang paraan ang halalan ng pagtiyak sa tunay na kagustuhan ng sambayanan. Naglaban sina Cory at Marcos sa isa sa pinakamainit na kampanyang pampulitika sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang buong pangyayari ang sinundan ng buong daigdig at maraming reporter na dumayo sa Pilipinas.

Nang bilangin ang boto ay malaki ang pagkakaiba ng bilang sa Comelec (Commission on Election) at Namfrel (National Citizens Movement for Free Elections). Panalo si Marcos sa Comelec at sa opisyal na pagbilang ng Batasang Pambansa. Panalo naman sa Namfrel si Cory. Ibinintang ng oposisyon sa malawakang pandaraya na isinagawa diumano ng administrasyon sa tulong ng Comelec. Nagpatuloy ang mga rali at boykot laban kay Marcos at mga kapanalig.

Noong Pebrero 22, 1986, ang mga repormista sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay tumiwalag sa pamumuno nina Minister Jose Ponce Enrile at Tinyente-Heneral Fidel Ramos. Milyong mamamayan ang nagbatay sa mga repormista laban sa bantang pagsalakay ng mga sundalong tapat kay Marcos. Ang tangkilik na ito laban kay Marcos ay tinawag na "people's power" at naging halimbawa ng mapayapang rebolusyon sa pulitikang pangdaigdig.

Nanghina ang mga tagasunod ni Marcos at noong Pebrero 25 ay napilitang tumakas si Marcos kasama ang pamilya at ilang tauhan. Si Cory, na nanumpa nang umagang iyon bilang pangulo ng Pilipinas. Agad niyang pinawalang-bisa ang mga batas na likha sa panahon ni Marcos at bumuo ng isang Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas.    

Translation Tools

CONCORDANCE PROGRAM
(A program will allow you to search for patterns of words in a text and how they are used in a given sentence. Please use the TXT Version of the text to use this program)

WORD FREQUENCY COUNT
(This program will allow you to determine the frequency of words in a given text.   Please note that, high frequency words in  Tagalog are usually the linkers (na, ng) and markers (si, ng, ang, etc.)  Identifying the high frequency full words will greatly assist you in your translation task. Please use the TXT Version of the text to use this program)

TAGALOG-ENGLISH
DICTIONARY

(This tool gives you direct translation of words from Tagalog to English.)

COMPREHENSION
QUESTIONS

(Answer the following questions and email your answers to SEASITE TAGALOG)

LIST OF READINGS
(List of texts/readings)