parol1.gif (4795 bytes)


Ang Pasko
Ay Sumapit

Pasko Na
Sinta Ko

Noche Buena

Payapang Daigdig

Miss Kita
Kung Christmas

Pasko Na Naman

Link to
More Tagalog
Christmas Songs

(with guitar chords
and lyrics)

anabnr2.gif (15492 bytes)

Tagalog Christmas Songs

ANG PASKO AY SUMAPIT
Music: V. Rubi
Lyrics: Levi Celerio

Ang Pasko ay sumapit      
Tayo ay mangagsi-awit    
Ng magagandang himig  
Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig 
Nang si Kristo ay isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawat isa
Ay nagsipaghandog ng tanging alay

Bagong taon ay magbagong-buhay
Nang lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsi-awit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng Sanggol na dulot ng langit
Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page

 

PASKO NA SINTA KO
Music: Francis Dandan
Lyrics: Aureo Estanislao

Pasko na sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit ka nagtampo
Iniwan ako

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano ang Pasko
Inulila mo

Refrain:

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paao ang Paskong
Alay ko sa iyo.

 

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page

 

NOCHE BUENA
Music: Felipe de Leon
Lyrics: Levi Celerio

Kay sigla ng gabi
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Sa bahay ng Kuya ay mayro'ng litsonan pa
Ang bawat tahanan may handang iba't iba

Tayo na giliw
Magsalo na tayo
Mayro'n na tayong
Tinapay at keso
Di ba Noche Buena
Sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

 

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page


PAYAPANG DAIGDIG
Music/Lyrics: Felipe de Leon

Ang gabi'y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig

Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan

 

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page

 

MISS KITA KUNG CHRISTMAS
Music: Hermie Uy
Lyrics: Fe M. Ayala

Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano man ang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang tulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo

Hinahanap-hanap pa rin kita
Ewan ko kung bakit ba
Ako'y iniwan mong nag-iisa
Miss kita, O giliw
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba.

 

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page

 

PASKO NA NAMAN

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko
Dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko
Tayo ay mag-awitan

Refrain:

Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Pasko! Pasko!
Pasko na namang muli!
Ang pag-ibig naghahari!

Repeat first part and refrain (2x)

 

Back to Top
Back to Filipino Christmas
Back to Tagalog Main Page