LIMANG ALAS, TATLONG SANTO
ni Amado V. Hernandez

anarule.gif (1534 bytes)

viganhouses.jpg (53037 bytes)
18th Century Houses
Vigan, Ilocos Sur
by Teofanes A. Ramiro, Best of the Island Photo Contest
March 19, 1997

Limang Alas Glossary

I
May uwing panalunan si Manuel nang gabing yaon: P700.   Mahigit nang ika-11:00 sa kanyang orasan.   Alam niyang inip na sa paghihintay si Naty, ang kanyang asawa, at walang salang nagkakagutom na naman.  Mapapanis ang hapunan ay di-kakain si Naty habang siya ay wala, batid ni Manuel.

II

Ngunit anumang sama ng loob ngayon ay maaaring malunasan, inaasahan ni Manuel sa sarili, pagkat ibibigay niya ang buong napanalunang P700.  Ang halagang ito ay hindi magaan kitain, lalo na ngayong siya'y walang tiyak na hanapbuhay.   Dalawang buwan nang nasasara ang bahay kalakal na pinapasukan ni Manuel, sampu ng umuwi sa Estados Unidos ang Amerikanong may-ari sa dahilang kukuha ng kuwalta, subalit hindi na nagbalik.  Nag-iwan dito ng maraming utang pati ng ilang buwang sahod ng may 20 kawani, kabilang si Manuel.  Kaya naiisip niyang bagaman siya'y ginabing lubha ay ipagpapaumanhin na ni Naty kung makita ang salaping uwi niya na sapat ng magdulot ng kaluwagan sa kanilang kasulukuyang kagipitan

III.

Ang totoo si Naty ay hindi nanayag sa pagsusugal ni Manuel.   Malimit na ito ang kanilang ipagkagalitNagugunita niyang sa may sampung taon nang pagsasama nila na ipinagkaroon ng tatlong malulusog na anak ay walang ibang dahilan ang anumang alitan nilang mag-asawa liban na sa pagsusugal ni Manuel.  Kapag si Manuel ay hinatinggabi sa labas ng bahay, talastas na ni Naty na siya'y nagsugal.   Pag si Manuel ay hindi nakabili ng mga ipinagbilin ng kanilang mga anak bago umalis kung umaga, alam ni Naty na siya'y natalo noong araw na yaon.  Kapag si Manuel ay hindi maisama sa sine or sa nightclub, kahit minsan sa isang linggo man lamang, batid na rin niyang nahungkoy ang lahat ng salapi ni Manuel sa mesa ng poker.  At simula na ang kanilang pagbabangay.

IV.
"
Kung dangan kasi'y palagi ka sa kalye at hindi mo nalalaman ang nangyayari dito sa bahay.  Ano ang kuwenta sa iyo kung kami'y mahipan ng hangin o manigas sa gutom.  Ano ang malay mo kung magkano ang ibabayad sa koryente, sa tubig, sa rasyon ng gatas, sa labada, sa matrikula ng iyong mga anak.  Wala kang inaasikaso kundi ang iyong sarili.  Mayroon kang naisusugal ay ni hindi ko makuha ang rasyong bigas.  Mayroon kang ipinatatalo ay nakasanla na pati ang kuwintas na minana ko sa aking nunong nabulok!"

V.
Matangi sa "ikaw naman" "manong magtigil ka na" at "ano bang sugal ang sinasabi mo?" si Manuel ay hindi gaanong nagsasasagot kay Naty.  Si Manuel ay isang lalaking may kapusukan sa kanyang kapwa lalaki; ngunit lagi siyang mapagpaumanhin sa kanyang asawa.  Lasong-lason sa loob niya ang marinig ng kanilang mga anak na sila'y nagtatalo o malaman kaya ng mga kapitbahay na sila'y di nagkakasundoDinaraan niya sa lamig palibhasa'y hindi kaila sa kanya na ang isang babaeng nagagalit ay walang iniwan sa isang rabentador na putok nang putok ay hindi naman nakakasakit.  Saka may subo ba ang sinaing na hindi naaawat at natapos sa mabangong aso ng isang isang pinggang kanin?

VI.
Si Manuel ay hindi naman isang manunugal na talaga.  Ang sugal ay hindi isang bisyo niya, manapa'y isang libangan.  Gaya rin ng alak, marunong siyang uminom at umiinom siya tuwing mapapasubo sa pagtitipon ng mga kaibigan, nguni at kailan man ay hindi siya napainom sa alak.  Hindi pa siya naaalaalang umuwi siya ng bahay na lasing.  Naglalaro siya kung nakakayag, ngunit hindi panay.  Maari siyang maging kapupunan sa mesa ng mahjong o poker;  nakikipagsapalaran siyang manakanaka sa blackjack o hearts.  Kung minsan, kung may tip na sigurong plantsado ng nag-abuloy sa kanya, siya'y nagpaparaan ng ilang oras sa Manila Jockey Club, o sa Sta. Ana Racing Tracks kung linggong may karera.  Datapwa't siya'y hindi malakas ni subo.   Kahanga-hanga ang kanyang pagpipigil sa sariliBihira siyang lumagpas sa puhunang P100 maging sa poker o sa mahjong o sa karera o sa jai alai.  Kung matalunan siya ng isang daan ay kagyat na tumitigil na, at kailanman ay hindi niya tinangka o pinagpilitan habulin, bawiin ang halagang natalo na.  Talos niyang may mga araw na sadyang malas at ang pagpipilit ay lalo lamang ikababaon.  Ang pagkakabaon sa sugal ay isang kasawiang kalungkot-lungkot, at may matibay na panata si Manuel na ito'y huwag mangyari sa kanya kailan man. 

VII.
B
ukod pa sa rito, may palagay siyang kung ang sugal ay isang sakit ng kapisanan o ng isang bahagi ng kapisanan, ang sakit na kaipala'y hindi na malulunasan.  Maaaring itulad sa pagbibili ng aliw na isang karamdamang matanda pa kaysa kasalukuyang sibilisasyon.   Madalas niyang masabi na talagang mahirap sugpuin ang sugal at nabanggit niyang pati ang tunika ni Hesukristo ay pinagsugalan ng mga Hudyong naghuhubad at lumapastangan sa kanya.  Sa ganang kay Manuel, magiging tapat at hindi kabilanin ang pamahalaan kung pagkakalooban ng lisensiya ang mga bahay-sugalan at club na ngayo'y pinagbabawal, at komisyon sa mga larong libangan, gaya ng sabong, jai alai, karera at sweepstakes.  Sa gayong paraan maiiwasan ang suhulan at pagmamalabis at ang gobyerno nama'y makakapagpairal ng iisang batayan lamang ng pakikitungo sa lahat ng uri ng sugalan at sapalaran na di paris ngayong gumagamit siya ng tinatawag na double standard o sa lalong maliwanag na pamamaraang "sa pula, sa puti."

VIII.
Naglaro sa isipan ni Manuel ang mga tinurang isipin habang siya'y nagdudumali sa pag-uwi na lulan ng isang taksi.   Subalit higit kaysa ibang paksa ng pagbubulay-bulay ay pabalik-balik sa gunita niya kung papaanong nanalo siya sa poker ng P700.  Ang akala niya ay talo na naman siya gaya ng karaniwan.  Wala na ang P85 sa P100 labas niya.  Di niya inaasahang siya'y makababawi man lamang.  Ngunit walang anu-ano'y kinasihan siya ng suwerteng pambihira, sa tatlo o apat na huling "deal".  Sa isang karaniwang "senatorial" na sinalihan ng lahat ng anim na magkakaharap sa mesa ng poker, ang P15 niya ay naging P90.  Sukat ba namang sa "senatorial" na sinalihan ng anim ay nanalo ang "trio de king" lamang hindi nagkaroon ng "flush" ni "straight".  Ang sumunod na "deal" ay "locktail" at natodo na naman ang P90, ngunit dalawa lamang ang "call" at siya ay kumabig uli sa pamamagitan ng "full house".  Ang ika-apat na baraha sa "obligado" ay "jack" at ang kasama ay isang "nueve" at isang "seis";  may hawak siyang dalawang "jack", samakatuwid pagdating ng "jack" ay mayroon na siyang "highest trio".  Ang ika-limang baraha ay "duplicacion" ng "nueve" kaya siya ay nakayari ng tatlong "full de jack con nueve".  Sa kabila ng "red cross" ay "colapso" at "trio de dos" lamang ang pinakamataas.  Kaya nasamsam niya ang buong "pot" na umaabot sa P300. 

IX.
A
ng pangatlong deal na naging "sensacional" ay "eight cards stud, choose your wild".   Kinakanan niya ang dealer.  Pagdating sa ika-limang karta ay "good" na ang dalawang alas na nakataobSamantala sa kinakaliwa niya ay may isang alas na nakabilad din ang "dealer" ay isang pang alas na "bistado".  Ang kinakanan ng "dealer" ay may "perde buen".  Ang "pas de buwan" ay nagmanda ng P120 na kasinglaki ng "pot".   Ang dealer ay matunong na nagsabi ng "good" ngunit si Manuel ang kanyang kinakaliwa ay kapwa "call".  Sa ika-anim na baraha'y dinatnan ni Manuel ng isa pang siyete;  kaya siya ay may "par" na ring "ala vista", bagamat mataas pa rin ang "par de buen" na dinatnan ng isang "king".  Ang kanyang kinakaliwa ay tiyak na may "royal" pagkat ang alas na espada ay natambalan ng isang "jack" at "diez" na espada rin. Ang "par de queen" ay tumaya ng P180 na parang tinapatan ang nalalabing kuwalta niya sa harap at kahit alanganin at alam niyang malamang ang kanyang katalunan kaysa kapanalunan, ay waring nagpanting ang kanyang tainga at itinulak na rin ang P180 sa kanyang harapan.   "Call" ang mataginting na sagot ni Manuel.  Ang "royal" sa kaliwa ay sali na rin, pagkat talagang "muerta natural."  Ang ika-pitong baraha niya ay isang "cinco" kaya hindi nagkaroon ng anumang "improvement."

X.
T
ago ang huling baraha "ang babala ng dealer" at idinulot sa kanya ang pangwalong baraha.  Halos wala na siyang pag-asaGayunman, hindi maikubli ang panginginig ng kanyang mga daliri na dinampot ang huling "karta", ipinailalim sa tatlong hawak niya, saka marahan at buong pananabik na pinintahan.  Anong laking suwerte!  Ang dumating ay isang siyete, ang kahuli-hulihang siyete, kaya siya'y nakayari:  "Quinto de aces" o limang alas na siyang pinakamataas na "karta" sa "choose your wild", ang "par de queen" ay nakayaring "quinto de queen" at ang kinakaliwa niya ay "royal" nga.

XI.
"
Your money" at halos panabay na saad ang dalawang kalaban nang makitang inilahad ni Manuel ang dalawang alas at tatlong siyete.  At nakatawa niyang kinabig ang lahat ng kuwalta.  Nang bilangin niya ang inabot ng kanyang P15 ay kulang kulang na P1,000 pagkaraan ng tatlong "deal" lamang.  Tinawag niya ang "waiter" at nagpakuha ng isang kahong "koronas" na alhambra at isang dosenang botelya ng serbesa; pinatakbo't pinainom pati ng mga miron na parapara nilang mga kaibigan.

XII.
I
sa pang round at nagka-ayawan na pagka 11:00 na halos ng gabi.  Namahagi si Manuel ng kaunting balato at ang natirang malinis niyang pinanalunan ay P700 na kanyang ibinukod habang matuling tumatakbo ang taksi na patungo sa kanyang inuuwian.

Pagtigil ng taksi sa tapat ng kanilang bahay ay si Naty na rin ang nagbukas ng pinto kay Manuel; wala ang dating ngiti at giliw ng mukha; sa halip ay nakamungot at nanlilisik ang mga mata.

XIII.
"
Ano, hinatinggabi ka na naman sa sugalan!" ang padarag na bati sa kanya.
Magsasalita sana si Manuel at magpapaliwanag, isasalaysay sana niya ang nangyari, datapwat hindi siya binigyan ng daan ng asawa.

"Pihong natalo ka na naman, nalimas na naman ang iyong salapi," ang patuloy ni Naty.  "Halika," at siya'y mahigpit na hinawakan sa isang kamay, pahilang inakay hanggang sa kabahayan sa itaas at halos pakalakad na ipinasok sa kanilang silid dalanginan.

"Nakikita mo ba ang mga santong iyan?" ang tanong ni Naty at itinuro kay Manuel ang imahen ng Sagrado Corazon de Jesus, ang Nazareno at ang Mahal na Birhen na nakapaloob sa tig-isang sisidlang kristal na naiilawan ng tig-isang kandila.  Ang tatlong santo ay tahimik na pinagmalas ni Manuel.

"Hindi ka maaaring manalo sa sugal," ang wari'y hatol na sinabi sa kanya ni Naty.  "Imposible! sa sandaling maiisip kong nagsusugal ka ay dagli akong lumuluhod sa harap ng tatlong poong iyan at idinadalangin kong kahimanawari'y matalo ka."

Ipinagdiinan pa mandin ng babaing nagagalit ang mga katagang "idinadalangin kong kahimanawari'y matalo ka" at sinundan ng irap si Manuel na parang sinabing "nakita mo na"

XIV.
H
indi humuma si Manuel, ngunit marahang idinukot ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at sinalat at hinaplos ang bilot ng mga papel de bangkong ang P700 na kanyang napanalunan.  At sa malamlam na liwanag ng mga kandila sa silid ng kaunting matuptop ni Naty ang isang makahulugang ngiting namulas sa kanyang mga labiNatiyak ni Manuel sa kanyang sarili na mapaghimala man ang tatlong santo ay lalong mabisa at makapangyarihan kaysa kanila ang limang alas sa ibabaw ng mesa ng poker. 

XV.
Kinabukasan, ng mabuti-buti na ang ulo ni Naty ay inabot ni Manuel sa kanya ang P700 at sinabing nasingil niya ang bahagi ng kanyang suweldong hindi nabayaran.  Hindi ipinagtapat ni Manuel na yao'y panalunan sa poker pagkat ayaw niyang mapahiya ang tatlong santo sa kanyang asawa. 

Back to Top



TALASALITAAN
(Glossary)

I.
may uwi -- a present brought home

panalunan -- prize money
orasan -- watch, clock
inip -- to be tired of waiting
asawa -- spouse
walang sala -- no doubt, undoubtedly
gutom -- hungry
panis -- spoiled
hapunan -- dinner
batid -- to know something with certainty

Back to Top

II.

sama ng loob -- bad or ill feeling
malunasan -- to be able to resolve
inaasahan -  to hope for something
kitain -- to win, to earn
tiyak -- sure, certain
hanapbuhay -- job, work
nasasara -- shut down, closed
bahay kalakal -- shop, factory
may-ari -- owner

kuwalta -- money
nag-iwan -- left something
utang -- debt, loans
sahod -- salary
kawani -- workers, members, laborers
bagaman -- although
ipagpapaumanhin -- to be forgiven
sapat -- enough
magdulot -- to bring some benefit
kaluwagan -- relief
kagipitan -- difficulties, hard life, poverty

Back to Top

III.

nanayag -- to agree to, to condone
malimit -- most of the time, often
ipagkagalit -- to be the subject of quarrel, disagreement, or argument
nagugunita -- to remember
pagsasama -- living together as spouse
ipinagkaroon -- to have, as offspring
malulusog -- healthy
alitan -- disagreement, argument, quarrel
liban -- except for (something)
hinatinggabi -- idiomatic expression, came home late (past midnight)
talastas -- to know, based on past experience, by deduction
ipinagbilin -- to request something, usually for someone to bring home at end of the day

maisama -- to tag along to a place
nahungkoy -- to have spent everything
salapi -- money
pagbabangay -- quarrel, argument, disagreement

Back to Top

IV.

kalye -- street
kuwenta -- value
mahipan -- to be blown away (by the wind)
manigas -- to become stiff
gutom -- hunger
malay -- to know, to be aware
koryente -- electricity
labada -- laundry
matrikula -- school fees
inaasikaso -- to attend to
rasyong bigas -- rice ration
ipinatatalo -- (something) to lose
nakasanla -- to have (something) pawned
kuwintas -- necklace
minana -- inheritance
nunong nabulok -- dead ancestors


Back to Top

V.

matangi -- apart from
magtigil -- to stop
gaano -- much
nagsasasagot -- to answer back
kapusukan -- easily triggered off
mapagpaumanhin -- patient
lasong-lason -- very much a poison, toxic
marinig -- to hear
nagtatalo -- arguing
nagkakasundo -- in agreement
dinaraan -- to take a different approach
kaila -- not unknown
walang iniwan -- not different from
rabentador -- firecracker
putok -- explode, explosion

nakakasakit -- to hurt
subo -- noisy and bubling state of boiling rice
sinaing -- boiled rice
naaawat -- to put off a fight
mabangong aso -- good smell of steam from a newly boiled rice

Back to Top

VI.

manunugal -- gambler
sugal -- gamble
bisyo -- vice
libangan -- diversion
alak -- wine, liquor
mapapasubo -- cannot say "no" to an offer
pagtitipon -- party, casual drinking session
lasing -- drunk
nakakayag -- when asked to join something
panay -- often, most of the time
nakikipagsapalaran -- taking the risk
manakanaka -- every now and then

nagpaparaan ng oras -- killing time
kahanga-hanga -- admirable
pagpipigil sa sarili -- self-control
bihira -- not often
lumagpas -- to exceed
puhunan -- capital, as in money
matalunan -- to lose
kagyat -- immediately
tumitigil -- to stop doing something
kailanman -- ever since
tinangka -- to attempt to do something
pinagpilitan -- to insist
habulin -- to ran after
bawiin -- to get back something
talos -- to know, understand
malas -- unlucky, unfortunate
ikababaon -- to be burried deeper
kasawian -- lost
kalungkot-lungkot -- very sad
matibay -- strong, sturdy
panata -- a promise to one's self or somebody

Back to Top

VII.

palagay -- opinion
kapisanan -- body
malulunasan -- can be cured
aliw -- pleasure
kasalukuyan -- present
sibilisasyon -- civilization
sugpuin -- eradicate
lumapastangan -- one who dishonors
pagkalooban -- give, provide
bahay-sugalan -- gambling house
komisyon -- commission
libangan -- diversion, entertainment
sabong -- cockfight
jai alai -- a form of pelota game with bets
karera -- horse race
sweepstakes -- ticket lottery
suhulan -- bribery, to bribe someone
pagmamalabis -- corruption, or abuse of power
makakapagpairal -- to implement
batayan -- standard, guideline
pakikitungo -- to deal with somebody
uri -- kind, type
paris -- the same as, similar to
maliwanag -- clear
pamamaraan --  ways, means

Back to Top

VIII.

isipan -- mind
isipin -- questions, puzzle, issues
habang -- while (in the midst of)
nagdudumali -- in a hurry
lulan -- on board a transportation
paksa -- topic, issue, subject
pagbubulay-bulay -- argument, reasoning
pabalik-balik -- returning, flashback
gunita -- memory
karaniwan -- ordinary, regular
inaasahan -- to hope for
makakabawi -- to recoup, to get back something that was already lost
walang anu-ano'y -- suddenly
kinasihan -- to have been favored
suwerte -- luck
pambihira -- rare
sinalihan -- joined by
magkakaharap -- facing one another, to face each other
sumunod -- that which came after
natodo -- all together, total
kumabig -- to pull
pamamagitan -- by means of
hawak -- to hold something by the hand
samakatuwid -- therefore, in other words
pagdating -- to come
baraha -- card, as in playing cards
kabila -- flipside, other side
pinakamataas -- highest
nasamsam -- to get everything for one's self
umaabot -- close to, approximately

Back to Top

IX.

nakataob -- upside-down
samantala -- in the meantime
kinakanan -- right side (kanan=right)
kinakaliwa -- left side (kaliwa=left)
nakabilad -- lying face up

kasinglaki -- as big as (something)
matunong -- clear
kapwa -- the same
dinatnan -- followed by
bagamat -- although
tiyak -- certain
pagkat -- because
natambalan -- paired with
tumaya -- to bet

parang -- as if
tinapatan -- to match something
nalalabi -- what is left
harap -- in front of
kahit -- despite, eventhough
alanganin -- uncertain, undecided
malamang -- greater in value

katalunan -- losing streak
kaysa -- ...than...
kapanalunan -- winning streak
wari -- as if, it seems, looks like
nagpantig -- irritated
tainga -- ear
nagpantig ang tainga -- provoked
itinulak -- to push something
mataginting -- very loud and clear
sali -- to join
talaga -- really

Back to Top

X.

tago -- hidden
huli -- last

babala -- warning
idinulot -- to be given to somebody
halos -- almost
pag-asa -- hope
gayunman -- despite that
maikubli -- to hide
panginginig -- shaking
mga daliri -- fingers
dinampot -- to pick up
ipinailalim -- to put at the bottom
hawak -- to hold something by the hand
saka -- and then
marahan -- slowly

buong pananabik -- (literal) wholly excited; very excited
pinintahan -- to paint
laking suwerte -- big luck

kahuli-hulihan -- the very last
nakayari -- to hit the jackpot

Back to Top

XI.

panabay -- at the same time
saad -- to have said
kalaban -- opponents
inilahad -- to lay before the table
nakatawa -- in a laughing manner
kinabig -- pull towards one's self
bilangin -- to count something
kulang kulang -- more or less
tinawag -- to call somebody
serbesa -- beer
pinatakbo -- to ask somebody to run

pinainom -- to ask somebody to drink
pati -- including, also
miron --- kibitzer
parapara -- as if

Back to Top

XII.

nagka-ayawan -- to have grown tired of
ayaw -- don't like
namahagi -- to distribute
balato -- something given away after winning something, usually part of

                 sharing one's good luck with others
natira -- what is left
ibinukod -- to set aside
habang -- while
matulin -- fast
tumatakbo -- running
patungo -- towards
inuuwian -- where one goes home

pagtigil -- after stopping
ngiti -- smile
giliw -- charm
mukha -- face
sa halip -- instead of
nakamungot -- frowning
nanlilisik -- fierce
mata -- eye

Back to Top

XIII.

hating-gabi -- midnight
hinatinggabi -- to have been caught by midnight in another place

                             outside the house
padarag -- angrily

bati -- greeting
magsasalita --  to say something

sana -- to have wished, to have wanted
magpapaliwanag -- about to explain
isasalaysay -- to narrate
datapwat -- but, however
daan -- way

piho -- it looks like, apparently, it seems
na naman -- again
nalimas -- to have used up
patuloy -- to continue (doing something)
halika -- "come here"
mahigpit -- tightly
hinawakan -- to be held by the hand
pahila -- pulling
inakay -- to lead the way
kabahayaan sa itaas -- upper level of the house
halos -- almost
pakaladkad -- to pull something or somebody in prostrate position
silid dalanginan -- prayer room, altar
nakikita mo ba -- "can you see"
santo -- saints, image of saints
imahen -- images
tig-isang -- one each of an item or thing
sisidlang kristal -- crystal container
naiilawan -- lighted by
tig-isang kandila -- a candle each
tahimik -- silent, silently
pinagmalas -- to look at, observing
hindi... maari -- cannot
manalo -- to win
wari -- as if
hatol -- judgment
dagli -- immediately
lumuluhod -- to fall on bended knees
idinadalangin -- to pray
kahimanawari -- wishing
matalo -- to lose
ipinagdiinan -- to stress, to emphasize
pa mandin -- too, also
kataga -- phrase
irap -- rolling of eyes, or sneer at someone to indicate displeasure

Back to Top

XIV

humuma -- to calm down
marahan -- slowly
idinukot -- to pick up something by the hand
bulsa -- pocket
pantalon -- trousers
sinalat -- to grope or feel by the hand
hinaplos -- to feel by the hand
bilot -- rolled bundle of paper
papel de bangko -- currency, bills
malamlam -- faint, low
liwanag -- light
matuptop -- to notice, to see
makahulugan -- meaningful
ngiti -- smile
namulas -- emanate from

labi -- lips
natiyak -- to have made sure
mapaghimala -- miraculous
mabisa -- effective
makapangyarihan -- powerful

Back to Top

XV.

kinabakukasan -- the day after
mabuti-buti -- to have become better in terms of physical condition
nasingil -- to have collected money owed
bahagi -- part
suweldo -- salaray
ipinagtapat -- to confess
mapahiya -- to be embarassed

Back to Top