SHORT STORIES
MAGPINSAN
LIMANG ALAS
TATLONG SANTO
|

TATLONG MARIA
ni Anita Magsaysay-Ho
MAGPINSAN
ni Amado V. Hernandez
Liwayway, Mayo 23, 1924
Mula sa Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kuwento ni
Amado V. Hernandez, Rosario Torres-Yu (Patnugot), University of the Philippines
Press, Diliman, Quezon City, Philippines 1996.
"Oh, pagsintang labis na makapangyarihan iyong
nasasaklaw pati ng --" Balagtas
I.
"Magandang araw po." Pamimintana
ni Ligaya sa kanilang durungawan ay isang liham ang inihagis sa kanya ng tagahatid sulat na
nagbigay ng "magandang araw." Marahan niyang ginupit ang isang dulo ng
sobre, tiningnan, nangunot ang noo at saka napahalakhak ng malakas.
"Ha, ha, ha. Nasisira yata ang ulo ni Nestor!" ang nasabing tatawa-tawa.
|
I.
pamimintana -- looking out (the window)
durungawan -- window
liham -- mail/letter
nangunot ang noo -- wrinkled forehead
napahalakhak -- laughed instantaneously
tatawa-tawa -- laughing
|
II.
Ang totoo ay hindi sukat akalain ni Ligayang makapangangahas
si Nestor na magpapahayag sa kanya ng
pag-ibig. Silang dalawa ay magpinsan.
Makipagsintahan siya kay Nestor ay walang salang magiging bukang-bibig
ng madla na sila ang magpinsang "nagpipisan."
Kay laking kahihiyan, marahil! At saka si Nestor, ayon sa kanya, ay hindi pa naman
tunay na binata kundi bago pa lamang nagbibinata. Kailan lamang ay nakaputot ng salawal at ni hindi makuhang ayusin
ang buhok. Noon lamang mga nakararaang taon ay lagi silang magkasama sa paglalaro.
Madalas pa siyang ipinamimitas ni
Nestor ng sari-saring bungang-kahoy
sa kanilang bakuran na pagkatapos ay pinagsasalunan
nilang dalawa. Kung tanghaling tapat ay
madalas silang makagalitan tuloy ng kanyang ina dahil sa hindi nila makuhang matulog at nalilibang sa paglalaro ng sintak sa puno ng
hagdan. Ganon na lamang ang sarap ng kanilang matalik na pagsasama na wala silang iniwan sa
tunay na magkapatid. Kaya lamang sila nagkahiwalay
ay nang ipasok na siya sa kolehiyo. Nagkaiyakan pa silang matagal
dahil sa pangambang makalimot ang
isa't-isa. Awang-awa siya kay Nestor.
|
II.
makapangangahas -- to dare, to be bold
magpapahayag -- to express one's feelings
magpinsan -- cousins
bukang-bibig -- to be talked about
nagpipisan -- to sleep together
binata -- unmarried man
nagbibinata -- an adolescent boy turning into a man
salawal -- boxer shorts
ayusin -- to put in order
ipinamimitas -- to pick fruits from a tree
sari-saring -- varieties
bungang-kahoy -- fruits
pinagsasalunan -- to share together
tanghaling tapat -- high noon
nalilibang -- enjoying something
wala silang iniwan sa tunay na magkapatid -- as if they are
real siblings (idiomatic expression)
nagkahiwalay -- to get separated
ipasok -- to be sent to school
pangamba -- fear, doubt, anxiety
awang-awa -- felt extreme pity |
III.
Ngunit noo'y mga batang musmos pa lamang
sila halos. Marami ng araw at taon ang nakalipas.
Nang kanyang lisanin ang kolehiyo ay magdadalaga na siya. Sa dahon ng kanyang ala-ala ay malabo na ang titik ng panahon.
Nagdaan ang masayang kabataan nila ni Nestor
na hindi na niya ganoon nagugunita.
Nang magkita sila ng kanyang pinsang binata, pagkaraan ng isang mahabang panahon ng
pagkakahiwalay, ay nagkahiyaan sila, kung
bakit, at hindi nakuhang magbatian. Si
Nestor ay nasilaw sa kanyang kisig at ganda, samantalang siya naman ay nanibago kay Nestor. Binata na pala ito! Ang
nasabi sa kanyang sarili. Buhat noon, kung sila'y magkasalubong
ay tumutungo siya upang mailagan ang mata ng kanyang pinsang binata at si
Nestor naman ay lumilihis ng daan dahil sa
malaking pagkaumid at pag-aalang-alang
sa kanyang pinsang dalaga.
|
III.
batang musmos -- little kids
nakalipas -- time passed
lisanin -- to have left a place
magdadalaga -- a girl turning into a lady
dahon ng kanyang ala-ala -- memories (idiomatic expression)
titik ng panahon -- every detail (idiomatic expression)
kabataan -- youth
nagugunita -- to remember, being remembered
nagkahiyaan sila -- they got self-conscious or embarassed
magbatian -- to greet each other
nasilaw -- to be overwhelmed (usually by light)
kisig -- poise, bearing
naninibago -- to feel uneasy, uncomfortable because something
is not familiar anymore
magkasalubong -- to cross paths, to meet along the same path
tumutungo -- to bow one's head
mailagan -- to avoid
lumilihis -- to take another path or veer away from actual
path
pagkaumid -- to become speechless
pag-aalang-alang -- to be indecisive, reluctant, doubtful |
IV.
Kaya ganoon na lamang ang panggilalas ni
Ligaya ng tanggapin niya ang sulat ni
Nestor.
"Marunong na palang lumigaw ang pilyong
yaon," ang wika pang nakangiti.
Ipinalagay niyang si Nestor ay nahihibang. Dili
kaya'y nagbibiro. Kaya hindi pinansin ang liham ng binata. Saka ang
pag-ibig ay hindi pa rin naman nagigising sa
kayang puso. |
IV.
panggilalas -- taken by surprise
tanggapin -- take something
marunong -- to know how to do something
lumigaw -- to woo, to court a lady
pilyo -- crazy kid, foolish kid, naughty
wika -- to say (verb)
wika -- language (noun)
nakangiti -- smiling
ipinalagay -- to assume
nahihibang -- is out of one's mind
dili -- or
nagbibiro -- teasing, joking
pinansin -- did not take seriously or pay attention
nagigising -- awakening
puso -- heart, love (idiom) |
V.
Pagkaraan ng mahigit na dalawang linggo ay nagsisi
si Nestor kung bakit siya nakapagtapat pa
kay Ligaya. Wala nga namang unang pagsisisi.
Ngayon na lamang niya nakurong malayo
siyang ibigin ng kanyang magandang pinsan. Si Ligaya ay tanyag na tanyag sa mga lipunan,
mula ng lumabas sa kolehiyo, samantalang siya'y palad
ng makadalo sa isang piging
minsan sa isang buwan. Maraming maginoo
at hombres de profesion na nangingibig kay Ligaya at siya'y isang estudyante
pa lamang na pinakakain at pinaghihirapan ng kanyang ama.
Isa nga naman palang kabaliwan ang kanyang
pag-ibig. Lalong nag-ibayo ang kanyang pagkakimi
sa harap ni Ligaya. Kung minsang
sila'y nagkakatagpo sa isang sayawan o piging ay hindi niya magawang sumulyap man lamang sa mukha
ng kanyang pinsang dalaga, habang yao'y ngingiti-ngiti
at parang ikinasisiyang-loob ang makitang
siya'y labis na nagugulumihanan.
|
V.
nagsisi -- regretted
something
nakapagtapat -- to express one's love
pagsisisi -- regret
nakurong -- to have thought something
tanyag -- famous
tanyag na tanyag -- very famous
lipunan -- society
palad -- fortunate, lucky
makadalo -- to attend a party or a social function
piging -- social function, gathering
maginoo -- gentleman
hombres de profesion -- men of profession
nangingibig -- in love with someone
pinakakain -- still being fed (idiom)
pinaghihirapan -- supported by someone (idiom)
ama -- father
lalong -- to increase in intensity, degree, etc.
nag-ibayo -- intensified
pagkakimi -- shyness, speechlessness
harap -- in front of
nagkakatagpo -- to meet
sayawan -- dance
sumulyap -- to steal a glance
mukha -- face
ngingiti-ngiti -- smiling
ikinasisiyang-loob -- to be happy about something
nagugulumihanan -- uneasy, listless
|
VI.
Nguni't ano ang kanyang gagawin? Siya ay lalaki at lalaking may puso.
Ang tibok ng puso ay makapangyarihan.
At hindi maaaring pigilin, lalong mahirap at
hindi mangyayaring limutin niya si
Ligaya. Si Ligaya ay inibig na niya at minahal, sinundan-sundan
ng paningin at pinintuho ng buong kaluluwa mula pa sa kanilang kabataaan. Ang
isang bagay na naukit sa diwa at napunla
sa puso sa panahon ng kamusmusan, ay
hindi na malilimot at mamamatay sa habang panahon. Ang mga ala-ala ng ating kabataan ay siyang matamis sa lahat, sariwa
sa lahat at mahal sa lahat. Talagang
si Nestor ay hindi nakalimot kay Ligaya. Ewan
nga lamang niya kung bakit naparam na sa
isip ng dalagang yaon ang kanilang kahapong lipus sa kaningningan
ng mga murang guni-guni
at masamyo sa pabango
ng kawalang-malay. Wala nang
masakit na alalahanin na gaya ng mga ala-alang nagbabalik sa gunam-gunam ni Nestor. Ngayon siya'y nasa gitna ng luha at lungkot.
|
VI.
tibok ng puso -- love
(idiom)
makapangyarihan -- powerful
pigilin -- to stop
limutin -- to forget something or someone
sinundan-sundan -- to follow incessantly
pinintuho -- object of affection
kaluluwa -- soul
naukit -- engraved
diwa -- soul, mind
napunla -- planted, sown
panahon ng kamusmusan -- young age (idiom)
mamamatay -- to die
habang panahon -- forever
ala-ala -- memories
matamis -- sweet
sariwa -- fresh
mahal -- beloved, dear, cherished
ewan -- not able to know or understand (idiom)
naparam -- to have gone away, forgotten
kahapon -- yesterday
lipus -- full of (something)
kaningningan -- brightness
murang guni-guni -- young imagination
masamyo -- good smell or scent
pabango -- perfume
kawalang-malay -- innocence
alalahanin -- problem, unease, worry
gaya -- like, same as, similar to
gunam-gunam -- thoughts
gitna -- in the middle of |
VII.
Nang hindi nagtamo ng tugon ang ikalimang sulat
ni Nestor kay Ligaya, ay niyari sa loob ng
binata na hindi na siya muli pang susulat sa
pinsang walang puso. Naisip niyang sayang lamang ang panahon at pagod
nang magpakabaliw sa isang bagay na tila hindi matatamo.
Ang pag-ibig ay may dalawang hanggahan:
luwalhati at pagtitiis.
Yamang sa pagtitiis siya itinalaga ng tadhana ay tila
kabaitan ang sumang-ayon sa gunita ng palad.
May araw ding mabibihis ang kanyang
pagdurusa. Sadyang ang alin mang pangarap na mahalaga
at dakila ay hindi natutupad
sa iisang gabi. Kinakailangang maglamay at magpakasakit,
magbata at lumuha.
KEY WORDS & EXPRESSIONS:
sumang-ayon
gunita
kinakailangan
magpakasakit
magbata
lumuha
|
|
VII.
nagtamo - to have received, behold, gotten
tugon - response, answer
sulat - letter, postal mail
niyari - worked on (something) or done (something)
muli -- once again
naisip - thought of
sayang - "what a waste" (expression), "too
bad"
pagod - tired, to tire of (something), to work hard on
something
matatamo - to achieve
hanggahan - the end, the final stage, the border
luwalhati - glory
pagtitiis -- sacrifice, perseverance
itinalaga -- appointed, predestined, meant to be
tadhana -- fate
tila - somewhat, as if
sumang-ayon - to agree
gunita - remembrance
palad - palm of the hand, idiom for fate, luck or fortune
mabibihis - to put on or to cover up
sadyang - "really", "meant to be"
pangarap - dream or wish
mahalaga - important, valuable
dakila - great
natutupad -- to come to reality
kinakailangan -- necessary
maglamay - to attend to a wake, to stay awake in the
night, to endure sleepless nights
magpakasakit - to suffer, to endure pain and suffering
magbata - to be firm, to get hold of one's strength
lumuha - to shed a tear
|
VIII.
Pinag-ibayo ni Nestor ang pagsisikap sa pag-aaral.
Kung siya'y makatapos na ng karera, sa paano't
paano man ay hindi na kahiya-hiyang
mangibig kahit kanino. Ang titulo ay isang kalasag
na malaki ang nagagawa. Kung wala mang paglingap
si Ligaya sa kanya ngayon baka kung siya ay isang doktor na ay malamuyot
din ang puso at mabagbag ang kalooban ng pinsang walang awa.
Kaya nagsunog ng kilay si Nestor.
|
VIII.
pinag-ibayo -- intensified (active)
pagsisikap -- perseverance
pag-aaral -- studies
makatapos -- to finish something
karera -- course
paano't paano -- in whatever way
kahiya-hiyang -- (from hiya=shame) shameful
kahit kanino -- to anybody
titulo -- title
kalasag -- asset, credibility
paglingap -- attention
malamuyot -- to soften
mabagbag -- to have sympathy or feeling for
kalooban -- feelings
awa -- mercy
nagsunog ng kilay (idiom) -- studied hard |
IX
Samantalang si Ligaya ay patuloy sa
kanyang pagkabulaklak ng lipunan. Kung sabagay
ay hindi naman siya katulad ng ibang dalagang pag natatanyag
na sa gitna ng palalong sosyedad ay nagkakaroon
ng marungis na batik
ang iwing dangal at ang angking kabanguha'y
napagsasamantalahan ng ilang mapagsamantala. Si Ligaya ay hindi
gayon. Habang siya ay napapasa-itaas ay lalo
siyang nagpapakalinis, lalong pinag-iibayo
ang kanyang kababaang-loob, at katamisan ng ugali,
lalong sinikap na siya'y maging karapat-dapat sa mata
ng sambayanang nakapako
sa kanyang mga kilos.
KEY WORDS &
EXPRESSIONS:
nagpapasa-itaas
nagpapakalinis
kababaang-loob
karapat-dapat
|
|
IX.
samantalang
-- meanwhile, in the meantime
pagkabulaklak -- popularity
lipunan -- society
sabagay -- in fact
natatanyag -- become well-known
palalong sosyedad -- snobbish elite of society
nagkakaroon -- to acquire something, to have
marungis -- dirty, filthy
batik -- stain
dangal --- reputation
angking kabanguhan -- self-esteem, reputation
napapagsamantalahan -- taken advantage of
mapagsamantala -- opportunists
habang -- while
napapasa-itaas -- moving up the social ladder
lalo -- all the more
nagpapakalinis -- pretending to be pure
kababaang-loob -- humility
katamisan -- sweetness, gentleness
ugali -- character, manners, behavior
sinikap -- persevered
karapat-dapat -- deserving
mata -- eyes
sambayanan -- public
nakapako -- paying close attention to
kilos -- actions, behavior, every move
|
X.
Pagkaraan pa ng tatlong mahahabang panahon ay nagtapos
din si Nestor sa pagka-manggagamot.
Isang batang-batang manggagamot na nginingitian ng pag-asa
at pinatatapang ng lalong matatamis na pangarap. Datapwat kung ano ang
tagumpay ngayon ni Nestor ay siya namang kabiguan ni Ligaya. Dahil sa malabis na pagpupuyat
gabi-gabi sa kung saan-saang sayawang idinaraos ng gayo't
ganitong samahan at kapisanan, bukod
pa sa panonood ng mga dulaan
at sine, ang murang
katawan ni Ligaya ay hindi nakatagal. Siya'y lumura
ng dugo at unti-unting
nangayayat. Dahan-dahang
nalanta ang rosas
sa kanyang dalawang pisngi at naglamlam ang langit
sa kanyang mata.
KEY WORDS & EXPRESSIONS:
nginingitian ng pag-asa
matamis na pangarap
tagumpay
|
|
X.
nagtapos -- finished
pagka-manggagamot -- doctor of medicine
batang-batang -- very young
nginingitian ng pag-asa -- with a bright future (idiom)
pinatatapang -- made more courageous
matatamis na pangarap -- sweet dreams
tagumpay -- victory
kabiguan -- frustrations
malabis -- excessive
pagpupuyat -- lack of sleep
saan-saang -- everywhere, here-and-there
idinaraos --- held at, taking place
gayo't ganitong samahan --- this and that organization, various groups
kapisanan --- associations
bukod -- aside from
panonood -- watching (of)
dulaan -- theater
sine -- movies
murang katawan -- young body
nakatagal -- endured
lumura -- to spit
dugo -- blood
unti-unting -- little by little, slowly
nangayayat -- became thin, malnourished
dahan-dahang --- slowly
nalanta -- wilted
rosas - rose
pisngi -- cheek
naglamlam -- became cloudy, dark
langit -- heaven, sky
mata -- eyes |
XI.
Nang mabalitaan ni Nestor ang kaawa-awang kalagayan
ni Ligaya ay dali-daling inihandog ang kanyang tulong.
Ang pinsang dalaga ay tumalima naman
sa kanyang mga tagubilin. Ang buong panahon at pagsisikap
ni Nestor ay inukol na lahat sa pagpapagaling ng karamdaman
ng kanyang minamahal. "Malulunasan mo pa kayo ako, Nestor?" ang
tanong sa kanya minsan ng may sakit.
"Oo, gagaling ka, pagagalingin
kita, aalagaan kita," ang masuyong sagot
ni Nestor. |
XI.
mabalitaan -- to have heard the news
kaawa-awang kalagayan -- sorry condition
dali-daling inihandog -- immediately offered
tulong -- help
tumalima -- disobeyed
tagubilin -- advice
buong -- whole
iniukol -- offered
pagpapagaling -- healing
karamdaman -- illness, sickness
malulunasan -- to cure
minsan -- once
gagaling -- to heal, to recover
aalagaan -- to take care of
masuyong sagot -- gently replied |
XII
Isang matamlay na ngiti ang itinugon
ng dalaga. May apat na buwan na si Ligaya sa kanyang cottage sa mataas na siyudad ng Baguio. Ang sariwa at malinis na simoy ng hangin, ang mabibiyaya
at katangi-tanging singaw
ng nagmumula sa pusod
ng mga bundok at ang mabuting paraan ng
panggagamot ni Nestor ay siyang nagkatulong-tulong
upang lubusang bumuti ang karamdaman ng paralumang maysakit. May dalawang buwan pa
lamang si Ligaya sa itaas ng Baguio ay tumigil na ang paglura ng dugo, sumunod ang
pagkapawi ng ubo sa gabi at sa umaga. Nanumbalik din ang dating mapulang kulay sa
kanyang mukha at nanauli ang bulas ng
kanyang katawan. |
XII.
matamlay -- sluggish, sickly
siyudad (Spanish=ciudad) -- city
simoy -- smell or quality of air
mabiyaya -- blessed
katangi-tangi -- very unique
singaw -- spring, offspring
nagmumula -- coming from
pusod -- navel
bundok -- mountain
nagkatulong-tulong -- altogether helped
bumuti -- to improve, to become better
paraluman -- lady
nanumbalik -- came back
nanauli - returned
bulas -- shape |
XIII
Isang malamig na gabing ang buwan ay parang nakabitin
sa langit na mangasul-ngasul, si Nestor at
si Ligaya ay mapayapang nangakaluklok sa
dalawang silyon sa lilim ng mayayabong na
puno ng isang pino.
"Salamat sa iyo, Nestor," anang binibiro,
"utang ko sa iyo ang akin gbuhay.
Ano kaya ang maibabayad ko sa iyong kagandahang loob?"
"Ligaya," anang binata naman. "Pinagaling ko ang iyong
sakit sa tulong ng Maykapal.
Datapuwa't ang karamdaman ko ay hindi mo pa nalulunasan
hanggang ngayon."
"Anong karamdaman mo?"
"Ang karamdaman ng aking puso."
"Aba, si Nestor, hindi mo pa ba nalilimot ang bagay na iyan?"
"Kailan man ay hindi! Ang aking pag-ibig ay malala
kaysa dati, Ligaya, lalong malubha."
"Ano ang sasabihin sa atin ng tao? Magpinsan tayo'y..."
"Sa pagsinta ay walang magpinsan, " ang putol ni Nestor. "Lalong mabuti
sapagka't iisa ang dugong nananalaytay sa
ating mga ugat, iisa ang ating damdamin, iisa ang ating puso. At bakit natin
pakikinggan ang sasabihin ng tao? Ang dila
ng tao'y talagang makasalanan at hindi
marunong humatol. Alalahanin mo ang ating kabataan, ang pagmamahalan
natin noong tayo'y mga batang musmos. Hindi ka ba nanghihinayang
sa lahat ng yaon kung ikaw o ako, ngayong kita'y may gulang nang ganap, ay mapasaibang kamay
at mapasaibang dibdib?"
"Ngunit"
"Huwag ka ng magdahilan, Ligaya.
Sabihin mo na sa aking ako'y minamahal mo. Ang laman ng iyong puso ay nakasulat sa
iyong mga mata, kaya huwag mo na sanang susian
ang iyong bibig. |
XIII
malamig --
cold
buwan -- moon
nakabitin -- hanging
mangasul-ngasul - bluish (from Spanish
azul=blue)
nangakaluklok -- on top of
mayayabong -- very thick, lush
pino -- pine tree
binibiro -- kidding, teasing, joking
utang -- to owe something from someone
kagandahang loob -- kindness, good-hearted
anang -- said, according to
binata -- young, unmarried man
Maykapal -- God
nalulunasan -- to be cured
malala -- worse
dati -- before
malubha -- in bad shape
putol -- to cut something
nananalaytay -- flowing
ugat -- vein, arteries
damdamin -- feelings, emotions
dila -- tongue
makasalanan -- sinful
humatol -- to judge
alalahanin -- to remember
nanghihinayang -- to regret, to feel sorry
mapasaibang kamay -- to be in the arms of somebody
else
mapasaibang dibdib -- for one's love to be stolen by
someone else
dibdib (idiom) -- heart, literal=chest
magdahilan -- to have an alibi, excuse
KEY WORDS & EXPRESSIONS:
kagandahang-loob
nananalaytay
nanghihinayang
mapasaibang-kamay
mapasaibang-dibdib
magdahilan
|
|
XIV.
Hindi na nakuhang magmatuwid ni
Ligaya. Ang katotohanan ay matagal na
rin siyang umiibig nang lihim kay Nestor at malaon na ring nanariwa
sa kanyang puso ang matamis na ala-ala ng kanilang kabataang yumao.
Bago sila naghiwalay ng gabing yaon ay pinabaunan
muna niya si Nestor ng isang matamis na halik
at inabutan ng isang bulaklak
ng everlasting.
"Hayan ang aking pag-ibig."
"Pag-aralan mo sanang mahalin."
Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad na rin ng malamig na
Baguio idinaos ang luna de miel
ni Ligaya at ni Nestor.
|
XIV.
magmatuwid -- to reason out
katotohanan -- truth, fact
lihim -- in secret
malaon -- for a long time
nanariwa -- to grow again, to freshen up
yumao -- to have died, to come to pass
pinabaunan -- to gift or plant something
halik -- kiss
inabutan - gave (something)
bulaklak -- flower
nabalitaan -- heard the news
kahanga-hangang -- amazing, wonderful
idinaos -- held, to have taken place |
Back to Top
Back to Tagalog Main Page
LIMANG ALAS TATLONG SANTO
ni Amado V. Hernandez
May uwing panalunan si Manuel nang gabing yaon: P700.
Mahigit nang ika-11:00 sa kanyang orasan.
Alam niyang inip na sa paghihintay si
Naty, ang kanyang asawa, at walang salang nagkakagutom
na naman. Mapapanis ang hapunan ay di-kakain si Naty habang siya ay wala, batid ni Manuel |
GLOSSARY
may uwi -- a
present brought home
panalunan -- prize money
orasan -- watch, clock
inip -- to be tired of waiting
asawa -- spouse
walang sala -- no doubt, undoubtedly
gutom -- hungry
panis -- spoiled
hapunan -- dinner
batid -- to know something with certainty |
| Ngunit anumang sama ng loob
ngayon ay maaaring malunasan, inaasahan ni Manuel sa sarili, pagkat ibibigay
niya ang buong napanalunang P700. Ang halagang ito ay hindi magaan kitain, lalo na ngayong siya'y walang tiyak na hanapbuhay.
Dalawang buwan nang nasasara ang bahay kalakal na pinapasukan ni Manuel, sampu ng
umuwi sa Estados Unidos ang Amerikanong may-ari
sa dahilang kukuha ng kuwalta, subalit hindi
na nagbalik. Nag-iwan dito ng maraming
utang pati ng ilang buwang sahod ng may 20 kawani,
kabilang si Manuel. Kaya naiisip niyang bagaman
siya'y ginabing lubha ay ipagpapaumanhin na
ni Naty kung makita ang salaping uwi niya na sapat
ng magdulot ng kaluwagan
sa kanilang kasulukuyang kagipitan. |
sama
ng loob -- bad or ill feeling
malunasan -- to be able to resolve
inaasahan - to hope for something
kitain -- to win, to earn
tiyak -- sure, certain
hanapbuhay -- job, work
nasasara -- shut down, closed
bahay kalakal -- shop, factory
may-ari -- owner
kuwalta -- money
nag-iwan -- left something
utang -- debt, loans
sahod -- salary
kawani -- workers, members, laborers
bagaman -- although
ipagpapaumanhin -- to be forgiven
sapat -- enough
magdulot -- to bring some benefit
kaluwagan -- relief
kagipitan -- difficulties, hard life, poverty |
| Ang totoo si Naty ay hindi nanayag
sa pagsusugal ni Manuel. Malimit na
ito ang kanilang ipagkagalit. Nagugunita niyang sa may sampung taon nang pagsasama nila na ipinagkaroon
ng tatlong malulusog na anak ay walang ibang
dahilan ang anumang alitan nilang mag-asawa liban na sa pagsusugal ni Manuel. Kapag si
Manuel ay hinatinggabi sa labas ng bahay, talastas na ni Naty na siya'y nagsugal. Pag
si Manuel ay hindi nakabili ng mga ipinagbilin
ng kanilang mga anak bago umalis kung umaga, alam ni Naty na siya'y natalo noong araw na
yaon. Kapag si Manuel ay hindi maisama
sa sine or sa nightclub, kahit minsan sa isang linggo man lamang, batid na rin niyang nahungkoy ang lahat ng salapi
ni Manuel sa mesa ng poker. At simula na ang kanilang pagbabangay. |
nanayag
-- to agree to, to condone
malimit -- most of the time, often
ipagkagalit -- to be the subject of quarrel, disagreement, or
argument
nagugunita -- to remember
pagsasama -- living together as spouse
ipinagkaroon -- to have, as offspring
malulusog -- healthy
alitan -- disagreement, argument, quarrel
liban -- except for (something)
hinatinggabi -- idiomatic expression, came home late (past
midnight)
talastas -- to know, based on past experience, by deduction
ipinagbilin -- to request something, usually for someone to
bring home at end of the day
maisama -- to tag along to a place
nahungkoy -- to have spent everything
salapi -- money
pagbabangay -- quarrel, argument, disagreement |
| "Kung dangan kasi'y palagi ka sa kalye
at hindi mo nalalaman ang nangyayari dito sa bahay. Ano ang kuwenta
sa iyo kung kami'y mahipan ng hangin o manigas sa gutom.
Ano ang malay mo kung magkano ang ibabayad
sa koryente, sa tubig, sa rasyon ng gatas,
sa labada, sa matrikula
ng iyong mga anak. Wala kang inaasikaso
kundi ang iyong sarili. Mayroon kang naisusugal ay ni hindi ko makuha ang rasyong bigas. Mayroon kang ipinatatalo ay nakasanla
na pati ang kuwintas na minana ko sa aking nunong
nabulok!" |
kalye
-- street
kuwenta -- value
mahipan -- to be blown away (by the wind)
manigas -- to become stiff
gutom -- hunger
malay -- to know, to be aware
koryente -- electricity
labada -- laundry
matrikula -- school fees
inaasikaso -- to attend to
rasyong bigas -- rice ration
ipinatatalo -- (something) to lose
nakasanla -- to have (something) pawned
kuwintas -- necklace
minana -- inheritance
nunong nabulok -- dead ancestors |
| Matangi sa "ikaw naman"
"manong magtigil ka na" at "ano bang sugal ang
sinasabi mo?" si Manuel ay hindi gaanong nagsasasagot kay Naty. Si Manuel ay isang lalaking may kapusukan sa kanyang kapwa lalaki; ngunit lagi siyang mapagpaumanhin sa kanyang asawa. Lasong-lason
sa loob niya ang marinig ng kanilang mga anak na sila'y nagtatalo o malaman kaya ng mga kapitbahay na sila'y di nagkakasundo. Dinaraan niya sa
lamig palibhasa'y hindi kaila sa kanya na ang isang babaeng
nagagalit ay walang iniwan sa isang rabentador
na putok nang putok ay hindi naman nakakasakit.
Saka may subo ba ang sinaing na
hindi naaawat at natapos sa mabangong
aso ng isang isang pinggang kanin? |
matangi
-- apart from
magtigil -- to stop
gaano -- much
nagsasasagot -- to answer back
kapusukan -- easily triggered off
mapagpaumanhin -- patient
lasong-lason -- very much a poison, toxic
marinig -- to hear
nagtatalo -- arguing
nagkakasundo -- in agreement
dinaraan -- to take a different approach
kaila -- not unknown
walang iniwan -- not different from
rabentador -- firecracker
putok -- explode, explosion
nakakasakit -- to hurt
subo -- noisy and bubling state of boiling rice
sinaing -- boiled rice
naaawat -- to put off a fight
mabangong aso -- good smell of steam from a newly boiled rice |
| Si Manuel ay hindi naman isang manunugal
na talaga. Ang sugal ay hindi isang bisyo niya, manapa'y isang libangan.
Gaya rin ng alak, marunong siyang uminom at
umiinom siya tuwing mapapasubo sa pagtitipon ng mga kaibigan, nguni at kailan man ay
hindi siya napainom sa alak. Hindi pa siya naaalaalang umuwi siya ng bahay na lasing. Naglalaro siya kung nakakayag, ngunit hindi panay.
Maari siyang maging kapupunan sa mesa ng mahjong o poker; nakikipagsapalaran
siyang manakanaka sa blackjack o
hearts. Kung minsan, kung may tip na sigurong plantsado ng nag-abuloy sa
kanya, siya'y nagpaparaan ng ilang oras sa Manila Jockey Club, o sa Sta. Ana
Racing Tracks kung linggong may karera. Datapwa't siya'y hindi malakas ni subo.
Kahanga-hanga ang kanyang pagpipigil sa sarili. Bihira
siyang lumagpas sa puhunang
P100 maging sa poker o sa mahjong o sa karera o sa jai alai. Kung matalunan siya ng isang daan ay kagyat na tumitigil
na, at kailanman ay hindi niya tinangka o pinagpilitan
habulin, bawiin
ang halagang natalo na. Talos niyang may mga araw na sadyang malas at ang
pagpipilit ay lalo lamang ikababaon.
Ang pagkakabaon sa sugal ay isang kasawiang kalungkot-lungkot, at may matibay
na panata si Manuel na ito'y huwag mangyari
sa kanya kailan man. |
manunugal -- gambler
sugal -- gamble
bisyo -- vice
libangan -- diversion
alak -- wine, liquor
mapapasubo -- cannot say "no" to an offer
pagtitipon -- party, casual drinking session
lasing -- drunk
nakakayag -- when asked to join something
panay -- often, most of the time
nakikipagsapalaran -- taking the risk
manakanaka -- every now and then
nagpaparaan ng oras -- killing time
kahanga-hanga -- admirable
pagpipigil sa sarili -- self-control
bihira -- not often
lumagpas -- to exceed
puhunan -- capital, as in money
matalunan -- to lose
kagyat -- immediately
tumitigil -- to stop doing something
kailanman -- ever since
tinangka -- to attempt to do something
pinagpilitan -- to insist
habulin -- to ran after
bawiin -- to get back something
talos -- to know, understand
malas -- unlucky, unfortunate
ikababaon -- to be burried deeper
kasawian -- lost
kalungkot-lungkot -- very sad
matibay -- strong, sturdy
panata -- a promise to one's self or somebody |
| Bukod pa sa rito, may palagay
siyang kung ang sugal ay isang sakit ng kapisanan
o ng isang bahagi ng kapisanan, ang sakit na kaipala'y hindi na malulunasan.
Maaaring itulad sa pagbibili ng aliw na
isang karamdamang matanda pa kaysa kasalukuyang sibilisasyon.
Madalas niyang masabi na talagang mahirap sugpuin
ang sugal at nabanggit niyang pati ang tunika ni Hesukristo ay pinagsugalan ng mga Hudyong
naghuhubad at lumapastangan sa kanya.
Sa ganang kay Manuel, magiging tapat at hindi kabilanin ang pamahalaan kung pagkakalooban ng lisensiya ang mga bahay-sugalan at club na ngayo'y pinagbabawal, at
komisyon sa mga larong libangan, gaya ng sabong,
jai alai, karera
at sweepstakes. Sa gayong paraan
maiiwasan ang suhulan at pagmamalabis at ang gobyerno nama'y makakapagpairal ng iisang batayan
lamang ng pakikitungo sa lahat ng uri ng sugalan at sapalaran na di paris ngayong gumagamit siya ng tinatawag na double
standard o sa lalong maliwanag na
pamamaraang "sa pula, sa puti." |
palagay -- opinion
kapisanan -- body
malulunasan -- can be cured
aliw -- pleasure
kasalukuyan -- present
sibilisasyon -- civilization
sugpuin -- eradicate
lumapastangan -- one who dishonors
pagkalooban -- give, provide
bahay-sugalan -- gambling house
komisyon -- commission
libangan -- diversion, entertainment
sabong -- cockfight
jai alai -- a form of pelota game with bets
karera -- horse race
sweepstakes -- ticket lottery
suhulan -- bribery
pagmamalabis -- corruption
makakapagpairal -- to implement
batayan -- standard, guideline
pakikitungo -- to deal with somebody
uri -- kind, type
paris -- the same as, similar to
maliwanag -- clear
pamamaraan -- ways, means
|
| Naglaro sa isipan ni
Manuel ang mga tinurang isipin habang siya'y nagdudumali
sa pag-uwi na lulan ng isang taksi.
Subalit higit kaysa ibang paksa ng pagbubulay-bulay ay pabalik-balik
sa gunita niya kung papaanong nanalo siya sa
poker ng P700. Ang akala niya ay talo na naman siya gaya ng karaniwan.
Wala na ang P85 sa P100 labas niya. Di niya inaasahang
siya'y makababawi man lamang. Ngunit walang anu-ano'y kinasihan siya ng suwerteng pambihira, sa tatlo o apat na huling
"deal". Sa isang karaniwang "senatorial" na sinalihan ng lahat ng anim na magkakaharap sa mesa ng poker, ang P15 niya ay
naging P90. Sukat ba namang sa "senatorial" na sinalihan ng anim ay nanalo
ang "trio de king" lamang hindi nagkaroon ng "flush" ni
"straight". Ang sumunod na
"deal" ay "locktail" at natodo
na naman ang P90, ngunit dalawa lamang ang "call" at siya ay kumabig uli sa pamamagitan
ng "full house". Ang ika-apat na baraha
sa "obligado" ay "jack" at ang kasama ay isang "nueve" at
isang "seis"; may hawak
siyang dalawang "jack", samakatuwid
pagdating ng "jack" ay mayroon na
siyang "highest trio". Ang ika-limang baraha ay "duplicacion" ng
"nueve" kaya siya ay nakayari ng tatlong "full de jack con
nueve". Sa kabila ng "red
cross" ay "colapso" at "trio de dos" lamang ang pinakamataas. Kaya nasamsam
niya ang buong "pot" na umaabot sa
P300. |
isipan -- mind
isipin -- questions, puzzle, issues
habang -- while (in the midst of)
nagdudumali -- in a hurry
lulan -- on board a transportation
paksa -- topic, issue, subject
pagbubulay-bulay -- argument, reasoning
pabalik-balik -- returning, flashback
gunita -- memory
karaniwan -- ordinary, regular
inaasahan -- to hope for
makakabawi -- to recoup, to get back something that was already lost
walang anu-ano'y -- suddenly
kinasihan -- to have been favored
suwerte -- luck
pambihira -- rare
sinalihan -- joined by
magkakaharap -- facing one another
sumunod -- that which came after
natodo -- all together, total
kumabig -- to pull
pamamagitan -- by means of
hawak -- to hold something by the hand
samakatuwid -- therefore
pagdating -- to come
baraha -- card, as in playing cards
kabila -- flipside, other side
pinakamataas -- highest
nasamsam -- to get everything for one's self
umaabot -- close to
|
| Ang pangatlong deal na naging "sensacional" ay "eight
cards stud, choose your wild". Kinakanan niya ang dealer. Pagdating sa
ika-limang karta ay "good" na ang dalawang alas na nakataob.
Samantala sa kinakaliwa
niya ay may isang alas na nakabilad din ang
"dealer" ay isang pang alas na "bistado". Ang kinakanan ng "dealer" ay may "perde
buen". Ang "pas de buwan" ay nagmanda ng P120 na kasinglaki ng "pot". Ang
dealer ay matunong na nagsabi ng
"good" ngunit si Manuel ang kanyang kinakaliwa ay kapwa
"call". Sa ika-anim na baraha'y dinatnan
ni Manuel ng isa pang siyete; kaya siya ay may "par" na ring "ala
vista", bagamat mataas pa rin ang "par de buen" na dinatnan ng isang
"king". Ang kanyang kinakaliwa ay tiyak
na may "royal" pagkat ang alas na
espada ay natambalan ng isang
"jack" at "diez" na espada rin. Ang "par de queen" ay tumaya ng P180 na parang
tinapatan ang nalalabing
kuwalta niya sa harap at kahit alanganin
at alam niyang malamang ang kanyang katalunan kaysa
kapanalunan, ay waring
nagpanting ang kanyang tainga
at itinulak na rin ang P180 sa kanyang
harapan. "Call" ang mataginting
na sagot ni Manuel. Ang "royal" sa kaliwa ay sali
na rin, pagkat talagang "muerta
natural." Ang ika-pitong baraha niya ay isang "cinco" kaya hindi
nagkaroon ng anumang "improvement." |
nakataob -- upside-down
samantala -- in the meantime
kinakanan -- right side (kanan=right)
kinakaliwa -- left side (kaliwa=left)
nakabilad -- lying face up
kasinglaki -- as big as (something)
matunong -- clear
kapwa -- the same
dinatnan -- followed by
bagamat -- although
tiyak -- certain
pagkat -- because
natambalan -- paired with
tumaya -- to bet
parang -- as if
tinapatan -- to match something
nalalabi -- what is left
harap -- in front of
kahit -- despite, eventhough
alanganin -- uncertain
malamang -- greater in value
katalunan -- losing streak
kaysa -- ...than...
kapanalunan -- winning streak
wari -- as if
nagpantig -- irritated
tainga -- ear
nagpantig ang tainga -- provoked
itinulak -- to push something
mataginting -- very loud and clear
sali -- to join
talaga -- really
|
| Tago ang huling baraha "ang babala
ng dealer" at idinulot sa kanya ang
pangwalong baraha. Halos wala na
siyang pag-asa. Gayunman,
hindi maikubli ang panginginig
ng kanyang mga daliri na dinampot ang huling "karta", ipinailalim sa tatlong hawak
niya, saka marahan
at buong pananabik na pinintahan.
Anong laking suwerte! Ang dumating ay
isang siyete, ang kahuli-hulihang siyete,
kaya siya'y nakayari: "Quinto de
aces" o limang alas na siyang pinakamataas na "karta" sa "choose your
wild", ang "par de queen" ay nakayaring "quinto de queen" at ang
kinakaliwa niya ay "royal" nga. |
tago -- hidden
huli -- last
babala -- warning
idinulot -- to be given to somebody
halos -- almost
pag-asa -- hope
gayunman -- despite that
maikubli -- to hide
panginginig -- shaking
mga daliri -- fingers
dinampot -- to pick up
ipinailalim -- to put at the bottom
hawak -- to hold something by the hand
saka -- and then
marahan -- slowly
buong pananabik -- wholly excited
pinintahan -- to paint
laking suwerte -- big luck
kahuli-hulihan -- the very last
nakayari -- to hit the jackpot |
| "Your money" at
halos panabay na saad
ang dalawang kalaban nang makitang inilahad ni Manuel ang dalawang alas at tatlong
siyete. At nakatawa niyang kinabig ang lahat ng kuwalta. Nang bilangin niya ang inabot ng kanyang P15 ay kulang kulang na P1,000 pagkaraan ng tatlong
"deal" lamang. Tinawag niya
ang "waiter" at nagpakuha ng isang kahong "koronas" na alhambra at
isang dosenang botelya ng serbesa; pinatakbo't pinainom
pati ng mga miron
na parapara nilang mga kaibigan. |
panabay -- at the same time
saad -- to have said
kalaban -- opponents
inilahad -- to lay before the table
nakatawa -- in a laughing manner
kinabig -- pull towards one's self
bilangin -- to count something
kulang kulang -- more or less
tinawag -- to call somebody
serbesa -- beer
pinatakbo -- to ask somebody to run
pinainom -- to ask somebody to drink
pati -- including, also
miron --- kibitzer
parapara -- as if |
Isa pang round at nagka-ayawan na pagka 11:00 na halos ng
gabi. Namahagi si Manuel ng kaunting balato at ang natirang
malinis niyang pinanalunan ay P700 na kanyang ibinukod
habang matuling
tumatakbo ang taksi na patungo
sa kanyang inuuwian.
Pagtigil ng taksi sa tapat ng
kanilang bahay ay si Naty na rin ang nagbukas ng pinto kay Manuel; wala ang dating ngiti at giliw
ng mukha; sa
halip ay nakamungot at nanlilisik ang mga mata. |
nagka-ayawan -- to have
grown tired of
ayaw -- don't like
namahagi -- to distribute
balato -- something given away after winning something, usually part of sharing the luck
with others
natira -- what is left
ibinukod -- to set aside
habang -- while
matulin -- fast
tumatakbo -- running
patungo -- towards
inuuwian -- where one goes home
pagtigil -- after stopping
ngiti -- smile
giliw -- charm
mukha -- face
sa halip -- instead
nakamungot -- frowning
nanlilisik -- fierce
mata -- eye |
"Ano, hinatinggabi ka na
naman sa sugalan!" ang padarag na bati sa kanya.
Magsasalita sana si Manuel at magpapaliwanag, isasalaysay
sana niya ang nangyari, datapwat hindi siya binigyan ng daan ng asawa.
"Pihong natalo ka na
naman, nalimas na naman ang
iyong salapi," ang patuloy ni
Naty. "Halika," at siya'y mahigpit na hinawakan
sa isang kamay, pahilang inakay hanggang sa kabahayan
sa itaas at halos pakalakad na ipinasok sa kanilang silid dalanginan.
"Nakikita mo ba ang mga santong iyan?" ang tanong ni Naty at itinuro
kay Manuel ang imahen ng Sagrado Corazon de
Jesus, ang Nazareno at ang Mahal na Birhen na nakapaloob sa tig-isang
sisidlang kristal na naiilawan
ng tig-isang kandila. Ang tatlong santo ay tahimik
na pinagmalas ni Manuel.
"Hindi ka maaaring
manalo sa sugal," ang wari'y hatol
na sinabi sa kanya ni Naty. "Imposible! sa sandaling maiisip kong nagsusugal ka
ay dagli akong lumuluhod
sa harap ng tatlong poong iyan at idinadalangin
kong kahimanawari'y matalo ka."
Ipinagdiinan pa
mandin ng babaing nagagalit ang mga katagang
"idinadalangin kong kahimanawari'y matalo ka" at sinundan ng irap si Manuel na parang sinabing "nakita mo
na" |
hating-gabi -- midnight
hinatinggabi -- to have been caught by midnight in another place outside the house
padarag -- angrily
bati -- greeting
magsasalita -- to say something
sana -- to have wished, to have wanted
magpapaliwanag -- about to explain
isasalaysay -- to narrate
datapwat -- but
daan -- way
piho -- it looks like, apparently, it seems
na naman -- again
nalimas -- to have used up
patuloy -- to continue (doing something)
halika -- "come here"
mahigpit -- tightly
hinawakan -- to be held by the hand
pahila -- pulling
inakay -- to lead the way
kabahayaan sa itaas -- upper level of the house
halos -- almost
pakaladkad -- to pull something or somebody in prostrate position
silid dalanginan -- prayer room, altar
nakikita mo ba -- "can you see"
santo -- saints, image of saints
imahen -- images
tig-isang -- one each
sisidlang kristal -- crystal container
naiilawan -- lighted by
tig-isang kandila -- a candle each
tahimik -- silent, silently
pinagmalas -- to look at, observing
hindi... maari -- cannot
manalo -- to win
wari -- as if
hatol -- judgment
dagli -- immediately
lumuluhod -- to fall on bended knees
idinadalangin -- to pray
kahimanawari -- wishing
matalo -- to lose
ipinagdiinan -- to stress, to emphasize
pa mandin -- too
kataga -- phrase
irap -- knee
|
| Hindi humuma si Manuel,
ngunit marahang idinukot
ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang
pantalon at sinalat
at hinaplos ang bilot
ng mga papel de bangkong ang P700 na kanyang
napanalunan. At sa malamlam na liwanag ng mga kandila sa silid ng kaunting matuptop ni Naty ang isang makahulugang
ngiting namulas
sa kanyang mga labi. Natiyak ni Manuel sa kanyang sarili na mapaghimala man ang tatlong santo ay lalong mabisa at makapangyarihan
kaysa kanila ang limang alas sa ibabaw ng mesa ng poker. |
humuma -- to calm down
marahan -- slowly
idinukot -- to pick up something by the hand
bulsa -- pocket
pantalon -- trousers
sinalat -- to grope by the hand
hinaplos -- to feel by the hand
bilot -- rolled bundle of paper
papel de bangko -- currency, bills
malamlam -- faint, low
liwanag -- light
matuptop -- to notice, to see
makahulugan -- meaningful
ngiti -- smile
namulas -- emanate from
labi -- lips
natiyak -- to have made sure
mapaghimala -- miraculous
mabisa -- effective
makapangyarihan -- powerful |
| Kinabukasan, ng mabuti-buti
na ang ulo ni Naty ay inabot ni Manuel sa kanya ang P700 at sinabing nasingil
niya ang bahagi ng kanyang suweldong
hindi nabayaran. Hindi ipinagtapat ni Manuel na yao'y
panalunan sa poker pagkat ayaw niyang mapahiya ang tatlong
santo sa kanyang asawa. |
kinabakukasan -- the day
after
mabuti-buti -- to have become better in terms of physical condition
nasingil -- to have collected money owed
bahagi -- part
suweldo -- salaray
ipinagtapat -- to confess
mapahiya -- to be embarassed
|
Back
to Top
Back to Tagalog Home Page
|