MGA AWITIN
NG PUSO


Ikaw ang
mahal ko,
ikaw ang

mahal kong
tunay na tunay.
Ang laging
panaginip ko'y
tanging ikaw.
Ngunit ang totoo'y
madalas mong
mapag-alinlanganan
ang puso kong
tapat sa
pagsintang
di mo alam.


Iniibig kitang
tunay,
panaginip

gabi't araw,
pag di ka natatanaw
puso ko'y
nalulumbay.


Sinisinta kita,
di ka kumikibo
akala mo yata
ako'y nagbibiro.
Saksi ko
ang langit,
pati ng kanduro,
kung di kita mahal,
puputok
ang puso!


Ginigiliw
kitang tunay,
alaala

gabi't araw,
pag di ka
napapalagay,
puso ko'y
nalulumbay!


Minamahal,
minamahal kita,
pagsinta ay di
mag-iiba.
Hindi mo ba
nadarama,
sinta?


Ang pag-ibig
kong ito,
luha ang tanging
nakamit
buhat sa 'yo.
Kaya't sa
Maykapal
tuwina'y
dalangin ko,
sana'y
kapalaran ko
ay magbago!




Back to Top

Tagalog Romantic Phrases



wpe4.jpg (17496 bytes)

 

AWIT KAY MARIA
ni Oscar T. Salita
1994

 

Mahal kita.
Minamahal kita.
Iniibig kita.
Sinisinta kita.

Lab kita.
(slang)
I love you.
Mahal ka sa akin. You are dear to me.
Mahal mo ba ako? Do you love me?
May iba ka na bang mahal? Do you love someone else?
May gusto ako sa iyo. I like you./I have a crush on you.
Wala akong gusto sa iyo. I don't like you.
Hindi kita mahal. I don't love you.
Puwede ba kitang maging kasintahan? Can you be my beloved?
Puwede ba kitang ligawan? May I court you?
May nanliligaw ba sa iyo? Is someone courting you?
Gusto kita, pero kaibigan lang. I like you but just as a friend.
Kaibigan lang ba ang turing mo sa akin? So you just like me for a friend?
Gusto kitang makasama habang buhay. I want to spend the rest of my life with you.
Gusto na kitang pakasalan. I want to marry you.
Pakakasalan ba kita kung hindi kita mahal? Would I  marry you if I don't love you?
Kailan tayo magpapakasal? When are we getting married?
Tatanggapin mo ba ang alay kong pakasalan kita? Will you marry me?
Mahal mo pa ba ako? Do you still love me?
May gusto ka ba sa akin? Do you have a crush on me?
Ikaw lamang   ang aking iibigin magpakailanman. You are the only one I will love forever.
Ang pag-ibig ko sa iyo ay tunay. I love you truly.