Si Kapitan Belong at ang Iyak ng Kandon
ni Kristiane Fajutagana

dialog.gif (3207 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

 

Si Kapitan Belong at ang Iyak ng Kandon

 

GINUNITA sa Ilocos noong isang linggo (Marso 25) ang Ikkis ti Kandon (Iyak ng Kandon) na naganap noong 1898. Maaalalang sa araw na iyon, lumusob sa bayan ng Kandon, Ilocos Sur ang grupo ng rebelde na pinamumunuan ni Federico Isabelo Abaya at itinaas ang pulang bandila ng rebolusyon sa plasa ng nayon.

Si Belong, tawag kay Abaya, ay miyembro ng isang lihim na grupo ng rebolusyunaryo na pinangalanang Espiritu de Candon, kasama sina Pio Madarang, Toribio Abaya, Nazario Gray, ang magkapatid na sina Fernando at Francisco Guirnalda, ang kanyang kapatid na si Manuel Jr., at si Leon. Noong Marso 24, 1898, si Nazario Gray ay inaresto at pinahirapan. Ang panloloko ni Gray sa mapaghimagsik na grupo ay nalaman ng mestisong Espanyol na si Arturo Liquete sa isang salu-salo ng gabi ding iyon. Ipinasa ni Liquete ang balita sa kanyang kaibigan na si Belong.

Ang grupo ay dali-daling kumuha ng kanilang mga armas at noong ika-25 ng Marso, sa ganap na alas-2 ng umaga, nasorpresa ang mga guwardiyang Espanyol sa kani-kanilang mga himpilan. Pumunta ang mga rebelde sa kumbento at pinugutan ng ulo ang paring si Rafael Redondo, at ang dalawang bisitang pari. Pagkatapos noon, idineklara ni Belong ang malayang Republika ng Kandon.

Si Kapitan Belong ay nagpatuloy sa kanyang pagmamartsa mula norte papuntang Santiago, habang ang ibang miyembro ay sa ibang bayan naman. Samantalang ang mga sundalong Espanyol ay nagmartsa papuntang Kandon na hindi sumalungat. Ang mga rebeldeng naiwan ay winasak. Ang magkapatid na Guirnalda ay nakatakas sa La Union.

Ang magkapatid na sina Manuel at Leon, at Toribio Abaya, ay sinentensyahan kasama sina Desiderio Agbulos, Victorino Gadut, Urbano Galac, Roberto at Placido Guirnalda, Pio Madarang, Severo Paredes, at ang paring si Valentin Rubio.

Ang pinunong rebelde ng Kandon ay nagtago sa bundok at di nagtagal nagsilbi sa Philippine Revolutionary Army sa ilalim ni Kolonel Manuel Tinio. Nagsama siya ng mga Igorot at pinamunuan ito sa labanan sa Kalookan noong Pebrero 1899, sa pagsisimula ng labanan ng Pilipino at Amerikano. Pagkatapos ng isang taon, naging isang kumander si Kapitan Belong ng mga gerilya sa katimugan ng Ilocos sa ilalim ni Kolonel Juan Villamor.

Napatay si Kapitan Belong noong Mayo 3, 1900. Ang kanyang labi ay kinuha ng mga Amerikano at ipinakita sa bayan ng Kandon. Simula noon, si Belong ay naging makasaysayang tao para sa mga Ilokano. ang kanyang istatwa ay nakatayo sa parehong lugar kung saan niya itinaas ang bandila ng rebolusyon

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

grammarNote.gif (2771 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)