Sayaw rito, sayaw roon

Ni Luis Marasigan

Sadyang mayaman ang kultura na kinagisnan ng mga Pilipino. Hanggang ngayon nga ay patuloy pa ring ipinagmamalaki at pinauunlad ang mga sayaw na umabot na ng sandatang taon. Tunghayan natin ang ilan sa mga inyo na nagpaindak at nagpasaya sa mamamayang Pilipino.

Habanera
Isang sayaw na pangkasal para sa handaan na nagsimula sa bayan ng Botolan sa lalawigan ng Zambales. Ang karaniwang mga pagkakasunud-sunod ng mga tauhan ay kasama ang hanay ng mga magulang ng mga ikakasal na babae at lalaki, pila ng mga abay na babae at lalaki sa entablado, at isang solo na itinatampok ang ikakasal.

Imunan
Isang sayaw ng ligawan na sinimulan ng mga Ilocano. Isang magandang babae ang papasok sa sayawan para mamasyal isang hapon kasama ang kanyang mga manliligaw. Sa katapusan ng sayaw, ang kaibig-ibig at kaakit-akit na mahinhing dalaga ay hindi pa nakapamili ng sinuman sa kanyang mga manliligaw.

La Jota
Ang La Jota ay binubuo ng sari-saring uri ng mga sayaw na naimpluwensyahan ng mga Kastila at sinamahan ng paggamit ng mga kawayang kastanyetas, magkahiwalay na hinahawakan at hindi magkatali. Maraming uri ng La Jota sa Pilipinas na ang mga pangalan ay kinuha mula sa kanilang mga lugar na pinanggalingan. Ang isang pangkaraniwang pagkakasunud-sunod ay ang isang mabilis at masiglang tula, kasunod ang isang mabagal na kakabit, at nagtatapos ng isang tula sa masiglang bilis tulad noong simula.

Jota Española
Ang pinakamahalagang bahagi sa sayaw na ito ay ang mga kastanyetas at ang mga tamburin.

Jota Gumaqueña
Ang sayaw na ito'y dating sikat na sikat sa mga mayayamang pamilya ng Gumaca, Tayabas (ngayon ay Quezon). Si Señor Herminigildo Omana, isang kilalang-kilalang lokal na musikero noong panahong iyon, ay ang siyang nagsimula ng sayaw na ito. Naging sikat ito sa mga kabataan at ipinamana sa mga salinlahi.

Jota Manileña (Manila)
Nagsimula ang sayaw na ito sa kapital na lunsod ng Maynila noong mga ika-19 na siglo.

Jota Moncadeña (Moncada, Tarlac)
Isang sayaw na pinaghalong mga hakbang at musika ng Kastila at Ilokanong sayaw.

Jota Pangasinana (lalawigan ng Pangasinan) (pahng-gah-seeh-NAH-nah) Isang sayaw na nagpapakita ng karangyaan ng pumapadyak na mga paa at nagtatapos sa pagsigaw ng Ole!

Jota de Paragua (Cuyo, Palawan)
Isang sayaw na nagpapakita ng impluwensya ng Kastila sa pamamagitan ng Zapateados (galaw ng mga paa), Labrados (galaw ng mga bisig), at damit na estilong Sevillana. Iwinawagayway ng mga babaing mahinhin ang kanilang mga manton, o panggayak na mga balabal, samantalang ang mga maginoo naman ay sumasabay sa bilis ng hakbang at may mga kastanyetas na kawayan.

Jovencita
Isang sayaw na naglalarawan ng debu o pati ng kasal ng isang babae. Ang kasamang awit na nagsasalaysay ng pag-ibig ay isinulat ng Maestro Nitoy Gonzales noong nililigawan niya si Jovita Frieste, na siya namang nag-ayos ng magandang sayaw na habanera na may kaakit-akit na kilos na kasama niyon. Ang ibig sabihin ng salitang Kastilang Javencita ay "batang babaing mahinhin."

Lanceros de Negros
Noong panahon ng Kastila sa Pilipinas, ang sayaw na ito'y isa sa sikat na kasiya-siyang sayaw para sa apat na magkatambal. Ito'y katulad sa maringal na Rigodon de Honor at sinasayaw sa mga mahahalagang sosyal na pangyayari upang pormal na buksan ang isang malaking sayawan. Ang isang bersyon mula sa Silay, Negros Occidental ay ginanap sa isang pahabang pagsasaayos.

Mazurka Boholana
Ito'y isang sikat na sayaw sa mga baylihan sa Bohol at sa iba pang mga lalawigan noong mga panahon ng Kastila.

Panderetas (pahn-deh-REH-tahs)
Ang sayaw na ito, pinangalanan alinsunod sa mga walang kalansing na tamburing dala-dala ng mga babae, ay nanggaling mula sa Tanza, Iloilo. Mula ika-16 ng Disyembre hanggang ika-6 ng Enero, isang grupo ng mga tao sa panig ng Visayas ay magbabahay-bahay upang awitin ang Pamaskong tinatawag na "Daigon." Sa ilang mga lugar, ang awit ay karaniwang sinusundan ng ilang mga sayaw, at ang isa sa mga sayaw na ito'y ang Las Panderetas.

Paseo de Iloilo
Ang sayaw na ito'y kilala rin sa pangalang "andaluz" Andaluz. Paso Doble
Ang ibig sabihin ng Paso Doble ay "dalawang hakbang." Sa katunayan, ang pangalang ito'y mali, dahil ito'y isang pangkaraniwang hakbang lamang ng paglalakad o pagmamartsa, na tinatawag na "isang-hakbang." Tinutukoy ng pangalang ito ang masiglang musikang pangmartsa na tinutugtog bilang "background music" sa mga huwego-de-toro at mga pista sa buong Espanya.

Polkabal
Isang sayaw na naimpluwensyahan ng dalawang natatanging estilo mula sa Europa: polka at valse.

Putritos
Isang pangpiyetsang sayaw mula sa Atimonan, Tayabas (ngayon ay lalawigan ng Quezon), na itinatampok ang makiri at mapaglarong kaugnayan ng magkatambal. Ito'y sinasayaw sa magkasalit na mabagal at mabilis na indayog ng balse at nagtatapos sa isang masiglang pag-ikot ng babae.

Rigodon de Honor
Ang maringal na sayaw na ito'y dinala rito sa Pilipinas ng mga Pilipinong bumalik mula sa kanilang paglalakbay sa ibang bansa noong panahon ng Kastila. Kinuha ang pangalan ng sayaw na ito mula sa pagbubukas ng mga pagtatanghal sa pormal na mga pangyayari tulad ng Pampasinayang Sayawan ng Pangulo. Ang mga kasapi ng pamahalaan, kasama ang Pangulo at ang Unang Ginang, mga diplomatikong grupo, at iba pang mga opisyal ng estado ay karaniwang nakikilahok sa Rigodon. Kinaugaliang susundan ang Rigodon ng sayawan ng balse o waltz.

Sabalan Lulay
Ang sayaw na "Lulay," tulad ng kuratsa, jota, pandango, at polka, ay isinasagawa sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ang sayaw na ito'y nagmula sa baryo ng Malamig sa bayan ng Goria, Oriental Mindoro. Ito'y bahagi ng seremonya ng kasal na may apat na bahagi: sabalan, pamalaye, sabog at dapit. Ang sayaw ay nagsisimula sa pagsayaw ng maginoong sa paligid ng kanyang katambal na babae na sa wakas ay susuko sa pakikipagsayaw sa lalake.

Saguin-Saguin
Mula sa Bicol, dumating ang sayaw ng panliligaw na ito, na nagsasalaysay ng kuwento tungkol sa isang may-ari ng isang tableriyang nagbigay ng isang sayawan para sa kanyang mga trabahador. Ang isang babaing kamag-anak ng isa sa mga trabahador ay inialok sa may-ari bilang kanyang kapareha sa sayaw. Magiliw naman niyang sinayaw ang babae, at sa katapusan ay hinarana pa siya ng lalake.

Timawa
Ang ibig sabihin ng Timawa ay "tinalikurang manliligaw." Ang Timawa ay isang sayaw na panliligaw, karaniwang ginaganap ng mga babae, at nagsimula ito sa Lamot, isang baryo sa Capiz. Sinasalaysay sa kuwento na may isang babae at isang lalaki na kapwa timawas, na nagkatagpo sa isang sosyal na pagtitipon at nagkakilala. Sa kanilang pag-uusap, natuklasan nilang kapwa sila nagkaroon ng kasawiang-palad, at kaya, bumaling sa kapwa ang isa't isa para makamit ang pagkakaisa ng damdamin at kaaliwan.