Respeto sa kababaihan

dialog.gif (3207 bytes)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:



Ang Pangulo ng Pilipinas, Gloria Macapagal Arroyo

 

vocabulary.gif (2771 bytes)

Respeto sa kababaihan

AKTUWAL na nakuhanan ng ABS-CBN news team ang marahas na pagtatalo ng isang mag-asawa kahapon. Ang naturang eksena ay mas kumpleto sa rekado kumpara sa mga ipinalalabas na Mexican telenovela ng naturang istasyon. Sa news footage na maituturing na "bizarre," ilang ulit pinabagsak sa suntok ng lalaki ang kanyang asawa.

Naging maagap ang news team at bago humantong sa mas malalang eksena ay agad nakahingi ng tulong sa pulisya at mga barangay tanod. Pagdating sa presinto, nalaman ang dahilan ng grabeng pananakit na ito.

Naiwala ng babae ang P500 na pambili sana ng pagkain ng kanilang mga bisita. Doon nagsimula ang pagtatalo na humantong sa gulpihan. Kung anong utak mayroon ang lalaki ay hindi natin alam. Kung sa ganito kaliit na halaga ay binugbog niya sa publiko ang kanyang asawa, tayo na lamang ang umisip ng mga kalupitang kaya niyang gawin sa mga pagkakamali ng asawa sa likod ng camera.

Hindi gaya ng inaasahan ang naging ending na eksena at nagkaroon ito ng kakaibang twist. Sa harap pa rin ng camera ay ipinagtanggol pa ng babae ang kanyang asawa. Parang walang nangyari at umamin sa kanilang kababawan. Saksi ang nahahambal na televiewers nang sa konting karinyo lamang ng lalaki ay nag-kiss and make-up na sila literally and figuratively at tila walang matinding away na naganap.

Mahirap sisihin ang babae. Kilala niya ang asawa at sampahan man niya ito ng kaso, hindi roon natatapos ang true-to-life drama. Mas matinding kalupitan ang naghihintay sa kanya sakaling makapagpiyansa ito. Pinili niya ang lesser evil.

Ang katulad na eksena ay nangyayari sa maraming tahanan. Maraming kababaihan ang nakararanas ng kalupitan sa kamay ng kanilang mga asawa. Karamihan ay unreported cases dahil mas pinipili nila ang maging martir. Natutuklasan lamang ang ganitong domestic violence kapag ang sitwasyon ay malala na o nagresulta na sa kamatayan ng sinuman sa mag-asawa.

Ang nangyari kahapon ay hindi dapat palampasin ng mga women's rights advocate. Isa itong malaking insulto sa kanilang karangalan. Ang mga eksenang nasaksihan ng marami ay hindi katanggap-tanggap na paraan ng pagtrato sa isang babae lalo pa at kabiyak. Inaasahang gagawa sila ng hakbang para turuan ng leksyon ang malupit na asawa ng biktima at kanyang mga kauri.

Hindi nagiging matagumpay ang gender-sensitive issues para sa mga kababaihan na itinataas ng pamahalaan dahil sa kawalan ng suporta rito. Babae ang pangulo ng bansa at dahil dito ay nararapat lamang na palakasin ang mga programang mangangalaga sa kanilang mga karapatan at mabigyan ng tamang respeto kapantay ng kanilang male counterpart.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

grammarNote.gif (2771 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)