Pagtanaw sa kagitingan

dialog.gif (3207 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)
Basahin ang mga sanaysay. 

Pagtanaw sa kagitingan
ni Arlyn Floro

 

ISA sa mahahalagang araw sa Pilipinas ang Abril 9, 1942. Ito ang araw kung saan ipinakita ng mahigit sa 100,000 Pilipino na sinanay ni Hen. Douglas McArthur upang pangalagaan ang kalayaan ng ating bansa laban sa kamay ng pananakop ng mga Hapones ang nagpakita ng kanilang katatagan at kagitingan.

Balik-tanaw
Matatandaang sa pagkakatatag ni Pangulong Roosevelt ng USAFFE o United States Armed Forces in the Far East ay hinirang niya si McArthur bilang hukbong tagapamayapa ng pamahalaang komonwelt at ang daan-daan sundalong Pilipino ay kanyang sinanay.

Makailang beses ng nakipagpulong ang Estados Unidos sa pamunuan ng Hapon upang malutas ang suliranin na magbubunga ng digmaan. Humiling si Pangulong Roosevelt na hindi dapat mabihag ng Hapones sina Manuel Quezon at Sergio Osmeņa at iba pang iba pang pinuno ng komonwelt. Subalit walang humpay ang pagsalakay ng mga Hapones sa Bataan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Homma. Kaagad itinakas si Pangulong Quezon bilang proteksiyon, alinsunod sa kautusan ng pangulo ng Estados Unidos at agad naman na sumunod si McArthur kasabay ang huling salitang "Ako ay babalik". Ang mga salitang ito ang nagsilbing inspirasyon ng mga sundalong Pinoy kahit pa alam na nilang wala silang laban sa mga armas ng mananakop.

Death March sa Bataan
Dahil sa ipinakitang katapangan ng mga Pilipino ay lalong nagalit ang mga Hapones kaya ipinasya ng mga ito na durugin ang tagapagtanggol ng Bataan.

Dala ng labis na pagkagutom, kakulangan sa sandata at gamot, naisip ng mga sundalong Pilipino na walang kabuluhan ang kanilang pakikipaglaban. Dito sumuko si Heneral King, ang pinuno ng hukbo sa Bataan noong Abril 9, 1942.

Ang kagitingan ng mga sundalong Pilipino ay muling nakita nang pagmartsahin sila mula Bataan patungong San Fernando, Pampanga. Ito ay tinawag nilang Death March. Ayon sa kasaysayan, ang pangyayaring ito sa Bataan ay hindi dapat kalimutan dahil sa di matatawarang katapangan ng sundalong Pilipino. Hindi nagtagal, sa tulong ni McArthur, nakamit din natin ang kalayaan mula sa kamay ng mananakop na Hapones.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

grammarNote.gif (2771 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)