Pag-iingat sa ubo at sipon

dialog.gif (3207 bytes)
Basahin at pag-usapan ang Health Trivia na ito:

Health Trivia
ni Arlyn Floro

ALAM n'yo ba na may 206 na buto tayo sa ating katawan? Ang tawag sa pinakamaliit na buto ay "stapes" na matatagpuan sa loob ng ating tainga at tumutulong sa atin para makarinig.

Samantala ang platelets, ang component ng ating dugo ay tumutulong sa pagtigil sa pagdurugo ng ating sugat.

Nabatid na ang kauna-unahang pagsasalin ng dugo ay noong 1665. at ang kauna-unahang heart transplant sa tao ay isinagawa noong 1905.

Sa ating katawan limang litro ng dugo ang kailangan para sa normal na pangangatawan, samantala ang dugong dumadaloy sa ating utak ay 750 ml kada minuto.

Ang ating kidney o bato ay may isang milyong maliit na "nephron" na nagpapatuloy sa paglilinis ng ating dugo.



vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Pag-iingat sa ubo at sipon

ni Arlyn Floro
real.gif (626 bytes)

KAHIT tag-init na ay pangkaraniwan pa ring sakit ng mga Pinoy ang ubo at sipon. Sa pag-aakala ng iba na hindi ito delikado, binabale-wala lamang nila ito. Lingid sa ating kaalaman, ang ubo at sipon ay maaaring simula ng pagkakasakit na kapag hindi agad naagapan ay posibleng mauwi sa malubhang karamdaman.

Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng ubo at sipon.

Tubig
Malaki ang maitutulong ng pag-inom ng maraming tubig. Dapat ay lumampas sa walong baso ng tubig bawat araw ang iyong iinumin kapag ikaw ay inuubo at sinisipon. Sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig, matutunaw ang plema na siyang nagpapasikip sa ating paghinga.

Usok (steam)
Kapag ikaw naman ay nagpapahinga, makatutulong din ang paglanghap ng usok ng mainit na tubig. Kumuha ng isang palanggana ng mainit na tubig at isang tuwalya na pupuwedeng isaklob sa mukha habang nakayuko sa palanggana na may mainit na tubig langhapin ito ng 15 minuto. Gawin ito ng dalawang beses sa isang araw.

Oregano
Malaki ang pakinabang sa dahon ng oregano. Kumuha ng 15 pirasong dahon, pakuluan ito sa dalawang basong tubig, palamigin at saka inumin. Mapapansing matapos lamang ang ilang minuto ay lalabas na ang plema.

Katuray
Ang bulaklak at dahon ng katuray ay magagamit sa pagpapagaling ng ubo at sipon. Magpakulo ng isang bulaklak at dahon nito sa dalawang tasa ng tubig sa loob ng 15 minuto. Inumin ito kapag kaya na ang init.

Alagaw
Ang dahon ng alagaw ay sikat sa mga probinsiya. Kapag ito ay ininom, agad na giginhawa ang pakiramdam. Matapos na pakuluan ang pinag-putul putol na sariwang dahon sa dalawang basong tubig sa loob ng mga 15 minuto, salain ito at pigain kasama ang dalawang kalamansi. Lagyan ng isang kutsarang asukal saka inumin.

Citrus fruits
Ang pagkain ng mga prutas na mayaman sa bitamina C ay malaki ang maitutulong sa mabilis na pagbuo ng mga plema. Ang pag-inom ng katas ng dalandan o kamatis ay mabisa rin sa sipon.

Para makaiwas

Kusang umiwas sa taong may sipon at ubo para hindi mahawaan dahil mabilis ang pagkalat ng virus nito. Kapag hindi naagapan ang sipon, mauuwi ito sa pulmonya. Ang pamamaga ng lalamunan ay dulot din ng sipon. Makatutulong ang pagmumumog ng mainit na tubig.

Agapan ang simpleng sipon para hindi mauwi sa sinusitis. Ang maya-mayang pagsinga ay nakasisira rin sa ating tenga.

Kadalasan ang simpleng ubo at sipon at nauuwi sa trangkaso dahil sa impeksiyon dulot ng mga virus, na nauuwi rin sa pananakit ng kasukasuan at lalamunan.

Sa tulong ng pag-inom ng maraming tubig, ang ubo at sipon ay maaaring maagapan. Hindi nararapat ugaliin ang pag-inom ng mga artipisyal na gamot tulad ng penicillin, tetracycline at iba pang klase ng antibiotics dahil kung hindi hiyang mas lalo itong makasasama.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)