Mga Unang Aklat sa Pilipinas

dialog.gif (3207 bytes)

wpe5.jpg (1675 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Mga Unang Aklat sa Pilipinas
ni PRINCESS ONCIANO-CANLAS
KabayanOnLine

Part I
real.gif (626 bytes)

Ang ating kamalayan ay hindi tumitigil sa pagtuklas ng iba't ibang kaalaman. At natural lamang na ating isipin at piliting alamin ang pinagmulan ng mga bagay na ating nakikita sa kapaligiran. Ngayon ay dumako tayo sa mga unang aklat na nailimbag sa ating bansa.

Noong ika-labing limang siglo, upang maikalap ng mabilis at maunawaan ng mga Pilipino ang relihiyong dala ng mga Kastila sa ating bansa, ang kanilang mga misyonaryo ay nag-aral ng ating wika. Ang unang nakaunawa ng wikang Filipino ang siya ring kauna-unahang bumuo ng vokabularyo at aklat balarila, at nagsalin ng mga aklat sa dasal at panrelihiyon sa wikang Filipino. Ang mga ito ay inilathala upang magamit ng iba pang misyonaryo at mga pari sa kanilang banal na gawain. Ang pagpapalaganap ng kristiyanismo ang siyang itinuturing na isa sa pinakamahalagang pamana sa atin ng mga Kastila.

Part II
real.gif (626 bytes)


Ang kauna-unahang nailathala ay ang isang aklat na kinasusulatan ng mga dasal na ngayon ay kinikilala bilang Doctrina Christiana. Ito ay inilimbag noong 1593 at isinulat naman ni Juan de Plasencia, isang Franciscan friar. Ang panimula nito ay naglalaman ng alfabetong Filipino, mga dasal gaya ng Pater Noster, Ave Maria, Credo, at Salve Regina, at iba pang aralin sa relihiyon. Ang libro ay ginamitan ng dalawang uri ng lingguwahe (bilingual), Espanyol at Filipino.

Sa katunayan, may dalawang salin ang Doctrina Christiana noong 1593. Ang una ay ang libro na ginamitan ng wikang Espanyol at Filipino at ang ikalawa naman ay ang libro ng katesismo sa wikang Chinese na isinulat naman ng Dominican friar na si Juan Cobo. Ang libro na ito ay may pamagat na Apologia de la Verdadera Religion, na ngayon ay kilala bilang Shih-lu. Isinulat nila ito sapagkat nabatid ng mga Dominikano ang mahigpit na pangangailangang imulat sa katesismo ang libu-libong Chinese na naninirahan sa labas ng Intramuros.

Part III
real.gif (626 bytes)


Tulad ng Doctrina Christiana, ang Shih-lu ay hindi lamang libro sa katesismo. Mayroon itong pilosopikal na pakikipagtalakayan tungkol sa Diyos at sa sandaigdigan, at iba pang impormasyon tungkol sa mga hayop at halaman, geograpiya at astronomiya. Naniniwala ang mga dalubhasa sa kasaysayan na ang aklat na ito ang naunang isinulat kaysa Doctrina Christiana.

Ang mga aklat na ito ay inilimbag sa pamamagitan ng kahoy o kung tawagin ay wooden blocks. Wala pang limbagan noon na gaya ng panahon natin ngayon. Ang pamamaraan ng paglilimbag na ito ay tinatawag na xylography ng mga Chino. May kabagalan man at hindi maganda ang pagkakalimbag sa mga aklat, higit pa rin itong mabilis kaysa isaling muli o isulat kamay ang bawat pahina ng katesismo upang maipamahagi sa mga kristiyano.

Part IV
real.gif (626 bytes)


Ang ibang munting aklat sa katesismo ay inilimbag bago matapos ang ika-16 na siglo. Sa panahong iyon, ang typographic method ang ginamit sa paglilimbag, isang bagong paraan ng paglilimbag na ipinasok sa ating bansa ng mga dayuhan. Ang kauna-unahang aklat na inilimbag sa pamamagitan ng typographic method ay ang Libro de Nuestra Senora del Rosario na isinulat sa Filipino ng Dominican friar na si Francisco Blancas de San Jose at inilathala noong 1602.

Si Francisco Blancas de San Jose ang kinikilala bilang kauna-unahang misyonaryong makata at manunulat sa wikang Filipino. Napag-aralan niyang mabuti ang ating wika at ang wikang Chinese noong siya ay nakatalaga sa Bataan. Isinulat din niya ang Memorial de la Vida Cristianaen Lengua Tagala na inilathala noong 1605 sa Maynila, at ang kauna-unahang balarilang Filipino o Filipino grammar book na Arte y Reglas de la Lengua Tagala na inilathala noong 1610 sa Bataan.

Part V
real.gif (626 bytes)


Sa kabilang dako, ang mga Chino naman ang kinilala bilang unang tagapaglimbag ng mga aklat. Halimbawa nito ay ng kauna-unahang aklat ni friar Francisco Blancas de San Jose, na inilimbag ni Juan de Vera, isang Chino na naninirahan sa Binondoc na kung tawagin ngayon ay Binondo na nasa lungsod ng Maynila. Noong 1610, isang bagong aklat naman ang inilimbag ni Diego Talaghay ng Bataan. Ang aklat na Librong Pagaaralan nang manga tagalog nang Uicang Castila ay isinulat at inilimbag ng isang
Pilipino na nagngangalang Tomas Pinpin.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)