Mga Kantahing-Bayan

ni Arlyn Floro

SA pagdaan ng maraming henerasyon, makailang beses na napalitan ang mga nauusong kanta. Naglalabasan ang mga makabagong tunog na akma sa henerasyon ngayon subali't sadyang hindi pa rin malilimutan ang mga kantahing-bayan.

Sa apat na sulok ng bayan, patuloy pa ring inaawit ang mga kantahing-bayan. Ito yaong mga dating kanta na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nagiging inspirasyon ng nakararami sa atin upang makabuo ng sariling kanta.

Ang mga kantahing-bayan ay nasusulat ng patula na inaawit sa iba't ibang pagkakataon. Kung minsan ay may kasama pang sayaw. Ang karaniwang awitin ay ang hele o oyaye, mga kanta sa pagpapatulog ng bata, tagumpay, mga awit sa pakikidigma, at awit sa pag-ibig.

Kapansin-pansin na ang nilalaman nito ay kababakasan ng pag-uugali, pamumuhay, kaisipan at damdamin ng mga mamamayan. Dumaan man ang maraming taon, patuloy pa rin na kinakanta ng marami sa atin ang Leron Leron Sinta, Bahay Kubo, Sitsirit sit, Kundiman, Bayan ko, Dalagang Pilipina, Anak.

Narito ang piling stanza na galing sa mga nabanggit na kantahing-bayan na nakapagpapakiliti ng tainga ng mga Pilipino at mapagsahanggang ngayon ay hindi pa rin nalilimutan.

Sitsiritsit
Sitsiritsit alibang bang
Sala ginto't salagubang
Ang babae sa langsangabn
Kung gumiri't parang tandang.

Bayan Ko
Ibon man may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,makita kang
sakdal laya.

Bahay kubo
Bahay kubo kahit munti
Ang halaman doon ay sari sari
Singkamas at Talong
Sigarilyas at mani
Sitaw bataw patani.
Kundol Patola Upos kalabasa
At saka meron pa labanos mustasa
At sa paligid ligid ay puno ng linga.

Ang mga katang ito ay hindi nating makalilimutan kailanman at dapat ipagmalaki ng bawat isa sa atin. Sa pagdaan ng panahon, nanatili ito at patuloy pa ring kakantahin ng mga susunod na henerasyon. Maglabasan man ang maraming usong kanta, paniguradong ang mga kantang ito ang hindi malalaos at magtatagal pa.