Melanoma: Kanser sa balat

dialog.gif (3207 bytes)
skin.jpg (11374 bytes)
vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Melanoma: Kanser sa balat

Ni Marcela Madlangsakay

Part I
real.gif (626 bytes)

MELANOMA ang tawag sa tumor sa melanocytes, ang pigment-producing cell na nagbibigay ng kulay sa ating balat. Ang cell na ito ay makikita sa buong balat natin, pero mas marami sa mga nunal o mole. Kapag ang isa sa mga cell na ito ay naging malignant o malala, ito ay nagiging tumor na tinatawag na melanoma. Nagkakaroon ng melanoma ang mga nunal na naka-expose palagi.

Madalas magkaroon ng sakit na ito ang mga taong mabilis magkaroon ng sunburn o yaong may fair complexion. Hindi ito nakahahawa sa pamamagitan lamang ng pisikal na kontak subalit ang melanoma ay maaari ring kumalat.

Bago matanggal ang melanoma sa balat, ilan sa mga malalalang cell ang maaaring dumagsa, maaaring sa lymphatic vessels o sa blood vessels. Ang lymphatic vessels ay binubuo ng lymph fluid na pinatutuyo ng lymph node groups. Kung ang cells ay makapapasok sa mga daluyang ito, ang lymph fluid ay madadala sa lymph nodes. Ito ay maaaring maging tumor.

Kadalasan itong kumakalat sa lymph nodes kung saan malapit ang lugar ng tumor. Kung ang pangunahing melanoma ay nasa braso, ang lymph nodes ay maaaring nasa kilikili. Para sa pangunahing melanoma sa hita, nasa singit marahil ang lymph nodes. Kapag tumor naman sa ulo, maaaring nasa parehong kabila ng leeg ang lymph nodes.

Part II
real.gif (626 bytes)

Operasyon
Ang pinakamabisang paraan ng paggamot sa melanoma ay surgery o operasyon. Ang kapal ng tumor at gaano katindi ang dikit nito sa balat ay maaaring magpabalik-balik. Ang kailangang gawin ng mga taong may melanoma ay magkaroon ng regular na dalaw sa doktor upang masuri ang posibilidad na ang tumor ay maaaring bumalik. Pagkatapos ma-operahan, kailangang mag-therapy para maiwasan itong bumalik gaya ng adjuvant theraphy. Ito ay ginagamit para matigil ang pagkakaroon muli ng melanoma.

Immunotheraphy
Ang isa pang paraan upang maiwasan ang melanoma ay ang Immunotheraphy. Ito ang pinakabagong paraan sa paggamot ng kanser. Kabilang sa immunotheraphy ay ang interferon at interleukin. Nilalabanan nito ang epekto ng tumor ng melanoma at iniiwasan o nilalabanan ang pagbabalik nito.

Pagbibilad sa araw
Wala pang ebidensya na makukuha ang melanoma sa pagbibilad sa araw. Pero ang sobrang pagkabilad sa araw ay maaaring makapagpataas ng tsansang magkaroon ng melanoma o kahit ano pang klase ng kanser sa balat. Mahalaga ang magkaroon ng panlaban o pamahid sa balat para magkaroon ng proteksyon laban sa sikat ng araw.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)