Varicose veins:
Maiiwasan sa pamamagitan ng paglalakad

dialog.gif (3207 bytes)

wpe2D.jpg (22421 bytes)   

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Varicose veins: Maiiwasan sa pamamagitan ng paglalakad
WHAT'S UP DOC? Ni Dr. Tranquilino Elicaņo Jr.
Publish Date: [Sunday, March 16, 2003]


Part I:
real.gif (626 bytes)

KARANIWAN na ang mga kababaihan ang tinatamaan ng varicose veins kaysa sa mga kalalakihan. Ang varicose veins ay kadalasang nakikita sa mga binti bagamat maaari rin itong makita sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kadalasang lumalabas ang varicose veins makaraang makapanganak ang babae.

Nasa panganib magkaroon ng varicose veins ang mga taong ang trabaho ay kinapapalooban nang mahabang oras ng pagtayo. Nasa panganib din na magkaroon ng varicose veins ang mga taong matataba. Nasisira ang daloy ng dugo pabalik mula sa paa at mga binti.

Part II.
real.gif (626 bytes)

Ang mga taong madalas kumain ng mataas sa fiber ay nababawasan ang panganib sa pagkakaroon ng varicose veins. Dagdagan ang pagkain ng mansanas, sariwang berdeng gulay, wheat pasta, wholegrain bread at brown rice.

Ang pinaka-da best na payo para maiwasan ang varicose veins ay panatilihin ang katamtamang pangangatawan. Iwasang maging obese. Dagdagan ang pagkain ng mga prutas at fiber.

Ang pagkakaroon ng regular exercise, lalo na ang paglalakad ay pinakamahusay na paraan para hindi magkaroon ng varicose veins. Iwasang tumayo nang matagal na oras at iwasan ding mag-cross legs. Put your feet up whenever you can.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Magsulat ng isang "fiction" story tungkol sa dalawang Pilipina, isang pabaya at isang maalagain sa katawan.