Underarm mo, alagaan mo

dialog.gif (3207 bytes)

wpe1D.jpg (3254 bytes)

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Underarm mo, alagaan mo

ni Charina M. Solano
Source: KABAYANONLINE

Part I
real.gif (626 bytes)


UNDERARM odor. Nakahihilo ang amoy. Nakaranas na ba kayo ng ganitong kahihiyan? Nagtataglay ba kayo ng di-kanais-nais na amoy? Nagtataka ka ba kung bakit nagkakaroon ka ng ganito samantalang wala naman ito noong bata ka pa? Ito ang pangunahing kahihiyan na pinuproblema ng karamihan. Ang mabahong hininga, mabahong paa, ngunit higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng amoy sa underarm o kilikili.

Karaniwan na ang bad odor sa mga teenager dahil sa kanilang hormonal changes at naging mas aktibo ang kanilang sweat glands. Ang bad odor ay karaniwang nakukuha pag ang isang tao ay emotionally stressed. Dahilan din ang mga maaanghang na pagkain, sibuyas at bawang.

Ang pawis ay binubuo ng tubig at asin na inilalabas ng glandula sa ating balat. Ang fresh sweat ay hindi mabaho ngunit ito ay bumabaho dahil sa bacterial decomposition na nakadikit na sa ating katawan.

Maraming mga iba't ibang brand ng antiperspirant at deodorant ang nagsusulputan ngayon. Nakalilito kung ano ang dapat na piliin upang maging hiyang sa'yo. Lalo na sa mga maseselang balat.

Part II
real.gif (626 bytes)

Paano ba malulunasan?
Karamihan sa atin ay nag-iimbento kung paano malulunasan ang problemang ito. Mayroong gumagamit ng tawas, kalamansi, at langis na nilaglagyan ng asukal. Karaniwang gumagamit nito ay ang mga nagtataglay ng allergy sa deodorant o antiperspirant. Ngunit ang iba sa kanila ay kumukonsulta sa doktor.

Ang paliligo sa araw-araw ay isang mabisang paraan higit sa alinman. Huwag maglagay ng deodorant sa parteng balat kung ito ay hindi pa nahuhugasan dahil nakadaragdag ito ng sobrang pangangamoy. Hintayin muna ang 20 minutos bago maglagay ng deodorant, mas mabisa ito kung hahayaan muna nating matuyong mabuti at magsara ang pores ng ating balat. Biente-Quatro oras naman ang hihintayin kung kayo ay nag-ahit sa inyong underarm bago maglagay ng deodorizer.

Kung matindi ang pangangamoy ng parteng katawan, mas mabuting maglagay ng deodorant bago matulog. At upang maiwasan ang kahihiyan dulot, maglagay ng deodorant bago umalis ng bahay, umaga man o gabi.

Sa kababaihan, ang pagkakaroon ng vaginal odor ay sanhi ng distress, ngunit may odor na natural itong tinataglay na hindi dapat ipagkamali. Ang paggamit ng feminine deodorant sprays ay hindi magandang gamitin dahil ang naging sanhi nito ay, pangangati, pamumula, pamamaga, Cystitis, at UTI. Palagian ang paghuhugas nito gamit ang mga unscented o walang bangong sabong pampaligo. Kung nakararamdam kayo ng kakaiba, ikonsulta agad ito sa inyong doktor.

Sa mababahong paa, huwag kalimutang lagi itong hugasan gamit ang maligamgam na tubig na nilagyan ng asin at pagkatapos ay maglagay ng foot powder. Iwasang magsuot ng nylon fabric sa mga apektadong balat, inirerekomendang gumamit ng cotton fabric. Sa medyas, cotton at wool fabrics naman. Huwag magsuot ng mga yari sa plastic na sandalyas.

Ang mabahong hininga ay sanhi ng mga nakatagong pagkain sa pagitan ng mga ngipin, kaya pagbutihin ang pagsepilyo at gumamit ng dental floss. Mas mabuting gumamit ng mga toothpaste na pinapatalastas at magsepilyo dalawa o tatlong beses isang araw. Laging bumisita sa inyong dentista buwan-buwan

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Makipanayam sa limang mga kaibigan at alamin kung paano nila pinangangalagahan ang kanilang pangangatawan.

Isulat ang iyong pakikikipanayam sa isang sanaysay.