Maging Mapili sa Pagkain ng Baboy

dialog.gif (3207 bytes)
Pag-usapan ang mga sumusunod:

bulletIlarawan ang pagkaing Pilipino.
bulletPalakain ba ang mga Pinoy ng karneng baboy? 
bulletPalakain ka ba ng gulay o karne?  Bakit?

 

vocabulary.gif (2771 bytes)

Glossary
(Click on the link above and a separate window will appear
listing all the highlighted Tagalog words in glossary format.)

Use the on-line dictionary for difficult vocabulary words. 

Basahin ang sanaysay.

Maging mapili sa pagkain ng baboy

ni Arlyn Floro

Part I
real.gif (626 bytes)

MARAMi pa ring Pilipino ang mahilig kumain ng karneng baboy, kahit pa ito ay kilalang mapanganib na nakapagdudulot ng sakit na high blood, sakit sa puso at marami pang iba.

Hindi naman sana ito masama kung hindi sobra ang pagkain at siguraduhin lamang na sariwa ang karne. Mas makatutulong ang iyong kaalaman upang hindi ka maloko ng mga tinderang mapagsamantala.

Madali lang naman makilala ang baboy na sariwa, kung ito ay bata pa at kung ito ay matanda na noong kinatay. Ang baboy na bata pa ay manipis at makinis ang balat. Samantala, makapal naman ang balat ng matanda at nakakikilabot ang kapal ng taba.

Part II
real.gif (626 bytes)

Litson-biik

Sa litson, mas piliin ang medyo biik pa dahil sa manipis ang taba nito. Mas magandang iwasan ang pagkain ng sobrang taba upang makaiwas sa anumang komplikasyon sa inyong kalusugan.

Bukod sa malambot kainin ang litson-biik, mas malaki rin ang posibilidad na konti rin ang iyong makain dahil in terms of size at kung ilan man kayong kakain, mas mami-minimize ang pagkain nito dahil sa iisipin mong marami pa ang kakain. Subalit kung ikaw ay sadyang matakaw sa pagkain, mas di hamak na maliit ang porsyento ng taba sa mga biik kaysa malalaking baboy, kaya kung ikaw ay conscious sa iyong figure iwasan ang pagkain ng matataba.

Part III
real.gif (626 bytes)

Sariwang karne

Makaiiwas ka rin sa mga tinderang nagkukuwaring bagong katay ang ibinebenta nilang baboy, yun pala ito ay double dead na.

Madali namang malaman na ang iyong nabiling baboy ay double dead lalo na kapag makita mo na ang balat at laman ay nangingitim na at ito ay may kakaibang amoy.

Pupuwede namang kainin pa ang baboy na namatay sa aksidente tulad ng nasagasaan at ito ay walang anumang sakit, pero kung ang baboy ay namatay dahil sa malubhang sakit, ito ay delikado sa kalusugan ng kakain.

Dapat mo ring malaman kung ang baboy na iyon ay inunahan ng patayin ng may-ari upang maiwasan na ito ay namatay dahil sa sakit. Mapapansin mo na mayroon itong mga bukol o butil-butil sa laman na maitim, na kadalasang nakadikit sa taba o sa mismong laman. Kung tawagin ito ay kulani.

Madalas na makabibili tayo ng double dead na karne sa mga palengke na kilala sa pagbebenta ng murang gulay, prutas at kung anu-ano pa. Ang Balintawak, Divisoria, Blumentrit Market at marami pang iba ay minsan ng nahuling nagsasagawa nito. Malaki ang pagkakaiba sa presyo dahil ito ay mas mababa kung ikukumpara sa bagong katay na tinatatakan ng National Meet Inspection Commission.

Part IV
real.gif (626 bytes)

Payo

Sa mga mamimili, siguraduhin ninyo na ang inyong nabili ay bagong katay at sariwa. Malalayo kayo sa sakit na dulot ng pagkain ng double dead na baboy.

Sa pagkain ng baboy, makakukuha rin ng protina na pangunahing bitamina ng ating utak. Hindi naman ito masama sa kalusugan kung hindi sobra-sobra ang pagkain nito. Kadalasan na inihahain ng mga Pinoy sa hapag kainan ang lutong sinigang, prito, adobo, litson kawali, menudo at marami pang iba.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)

Maghanap ng iba pang mga Pagkaing Gulay at sumulat ng mga "recipe" ng mga ito. . 

eggplanttofu.jpg (9723 bytes)

Tortang Talong

Adobong Gulay at iba pang mga Pagkaing Gulay