Katutubong pamahiin, uso pa rin

dialog.gif (3207 bytes)

wpe21.jpg (28386 bytes)
Sunday Morning, Going to Town, Fernando Amorsolo, 1961

vocabulary.gif (2771 bytes)

Use the on-line dictionary for vocabulary words. 

Katutubong pamahiin, uso pa rin

Ni Arlyn Floro
Source:  Kabayan On Line
real.gif (626 bytes)

MGA katutubong pamahiin.  Marami pa ring naniniwala sa mga ito magpahanggang ngayon. Marami naman sa atin ay hindi nakasisiguro na ang mga ito nga ay may kabuluhan at tunay na makakatulong sa ating pang-araw-araw na buhay. Alin sa mga sumusunod ang mas kapani-paniwala at alin kaya sa mga ito ang nagdadala ng suwerte o kamalasan?

Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang sanggol ay pinaliguan ng unang tubig-ulan sa buwan ng Mayo, ito ay mas lalaking malusog. "Agua de Mayo"ang tawag sa unang ulan sa buwang ito.

Bawal na duraan ang apoy na bigla na lamang lumiyab dahil sa ito ay magdadala ng kamalasan.

Masamang hakbangan kahit na sino habang natutulog dahil sa mapipigil ang pag-develop ng kanilang katawan.

Mahigpit din na ipinagbabawal ng mga matatanda na magtanim ng papaya sa harap ng inyong bintana dahil sa ito ay maghahatid ng kamalasan.

Susuwertehin ka naman kapag ang una mong nasalubong sa araw ng Bagong Taon ay lalaki, samantalang mamalasin ka naman kapag babae ang una mong nasalubong. Masuwerte rin sa buhay ang taong bumabati ng "Happy New Year" sa bawat masalubong nila tuwing araw ng Bagong Taon.

Kapag umulan sa araw ng Todos los Santos, ikaw ay susuwertihin at magkakaroon ng masaganang ani.

Madalas na nating naririnig na malas ang kulay itim partikular na kapag ikaw ay nakasalubong ng itim na pusa. Malaki raw ang posibilidad na ikaw ay madisgrasya.

Kung nais mo naman na gumanda ang mukha ng iyong magiging anak, ugaliing tumingin sa mga guwapo at maganda para makasigurado ka na hindi ito lalabas na pangit.

Buwenas ang iyong bahay kapag ito ay nakaharap sa gawing silangan o sinisikatan ng araw.

Sa probinsiya naman, kapag ang inyong bakod ay sinira ng kalabaw o baka ito ay isang masamang palatandaan. May posibilidad na ikaw ay madisgrasya.

Kung ang nais mo naman ay mapalapit sa iyo ang iyong anak, dapat sanggol pa lang ito ay ipinasuot mo na ang iyong damit.

Kung ang nais naman ay matiwasay na pamumuhay ng mag-asawa, dapat sa araw ng kanilang kasal ay sinuklayan nila pareho ang kanilang buhok pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng kasal.

Sa mga nakakapulot ng barya sa daan, huwag itong gastusin. Itago lamang ito upang maging maluwag ang pasok ng salapi sa iyo.

cultureNote.gif (2508 bytes)

comprehensionQs.gif (3207 bytes)

dialogVar.gif (3207 bytes)